5 years ago
Derick's POV
Malapit lang ang bahay namin sa olive tree na paboritong silungan nitong makulit na si Melanie.
"Nany" tawag ko sa kanya.
"Anong Nany?" Inis nyang harap habang may dinodrawing dahil ayokong tawagin syang Melanie, pero parang maganda nga yung Nany.
"Ny?"
"Melanie" sabi pa nya.
"Ano ba yan?" Silip ko sa sketch pad nya habang umiinom ng tubig dahil ang init padin kahit nakasilong kami sa puno.
"Wala" iwas nya.
"Baka idinodrawing mo ko ha. Tapos makikita ko nalang ang mukha ko sa gallery."
"Gwapo mo naman!" Singhal pa nya.
"Hay naku! Kahit masama yang drawing mo basta kahawig ko kahit kaunti, work of art na yan." Napatawa naman sya.
"Paglaki ba talaga natin magpipinta ka nalang?" Tanong ko.
"Oo, at pupunta 'ko sa Milan, nandoon sina Tito at madaming museum doon na bibisitahin ko para makita ang napakaraming sikat na paintings." Yun kasi ang gusto nya.
"Sa Milan? Ihahatid kita sa kotse ko." Yun naman ang gusto ko, bukod sa kanya.
"Bawal ka pa ngang magdrive at saka malayo yun noh."
"Ahh, so iiwan mo 'ko dito?" Kapag pumunta sya ng Milan, kung saan man yun, bahala na sya sa buhay nya. Malalayo sya sa gwapo nyang best friend.
"Edi sumama ka." Sabi naman nya.
"Malulungkot si Papa." Sagot ko nalang, hindi kaya ni Papa na mamiss ako.
"Hayaan mo, edi pagbalik ko madami ka nang kotse tapos ihahatid mo ko kahit saan sa lahat nang yun." Ngiti naman nya sa akin.
"Kapag may sampu na ang kotse ko, ibibigay ko kay Papa yung lima."
"Oo, matagal pa yun." Naiiyamot na.
"Ayos lang kung pumunta ka doon sa Milan, nandito naman sina Mama at Papa." Sabi ko nalang, kahit matagal pa yun, parang bukas nalang din mangyayari na yun.
"Bakit, maiiwan ba kita kung wala kang kasama?" Syempre hindi, ako pa. At saka, hindi naman mangyayari yun.
"Talaga?" Biro ko sa kanya.
"Matagal pa nga yun! Kulit!" Inis na nga.
"Aha! Alam ko na kung anong itatawag ko sayo, Milan! Melanie, katugma naman kasi pupunta ka din doon diba." Maganda naman yun kesa Nany.
"Eh ganito nalang kaya, total matagal pa yun. Susulat tayo sa isat isa, kung anong gusto kong sabihin sayo kapag nakabalik na 'ko."
"Ha?" Ano daw?
"Isususlat mo sa papel kung anong gusto mong sabihin sa 'kin kapag nakabalik na 'ko galing Milan. Ibabaon natin dito, tapos saka natin babasahin kapag malalaki na tayo." Ahh
"Sige, oh sya papilas sa sketch pad mo." Sabay lapit ko sa kanya at akmang kukunin ang sketchpad nito.
"Edi akin na din yang tubigan mo at dyan natin ilalagay." Kuha naman nya sa tubigan ko.
"Wag, bigay to ni Papa."
"Para yan!" Sabi nya at ibinigay ko nalang din yun.
"Sige na nga!"
"Oh, magsulat." Pinilasan nya nga yung sketch pad nya at binigyan ako ng ballpen.
"Wag kang magdadaya." Tingin pa nito.
Inilagay namin yung dalawang nakatuping papel sa tubigan ko at pinaghukay nya 'ko para dun namin ibababon. Sayang, kapag nakabaik pa sya galing Milan saka ko mababasa yung isinulat nya at doon palang din nya mababasa ang sinulat ko. Pero sakto yun, yun nadin siguro ang tamang panahon para malaman nya, hindi ngayon.
"Oo, tapos tatandaan natin yung puno para malaman natin kung saang tapat." Sabi nya habang nagtatabon padin.
"Ilalagay ko, DM." Kumuha ako ng kahoy at ikiniskis sa puno.
Kahit ganito kami, sineryoso ko padin ang inilagay ko doon sa sulat at alam kong ganun din sya.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...