Milan's POV
"Luh! Ba't nandito ako?" Mulaga agad ng mata ko habang nakaupo sa kama ko.
Maya-maya, sisikat nadin ang araw at tulog pa si Cheryl kaya lumabas muna ako.
"Kagabi, nandito 'ko humiga, nakatulog siguro ako." Nakakunot noo kong tingin sa hinigaan ko kagabi sa labas pero bigla kong naisip kung bakit nga ba nandito ako kagabi.
"Si Derick kaya nandito na? Matingnan pala kung nasa labas ang kotse nya." Nagmamadali akong nagtatakbo sa buhangin para pumunta sa parking.
"Miss, uhm wait." May humarang sa aking isang lalaki.
"May boyfriend ka ba?" Tanong nito at nacreep out ako sa itsura nya.
"Wala!" Pa
"Pwes sino yung bumuhat sayo kagabi sabi boyfriend mo daw." Malay ko, hindi ko nga din alam, pero sino nga kaya yun.
"Ahh, oo sige mauna na 'ko." Sinubukan ko nang umalis pero bigla nitong hinablot ang braso ko.
"Pero hindi nga Miss, baka naman single ka." Nilansahan na ako ng tingin, sisigaw na talaga ako.
"Oh, eh ano naman?" Matapang kong sagot habang tinatanggal ang kamay ko sa hawak nya.
"Alam mo na, maganda ka pogi ako." He smirked.
"Mukha kang pogi...ta. Now let go off me." Pilit ko pading tinatanggal ang kamay ko.
"Tara mamasyal tayo." Sabay hila nya sa 'kin.
"Bitawan mo sabi..."
Hindi pa man ako nakakatapos at hindi pa man ako nakakahakbang sa hila nya ay nagulat nalang ako nang biglang may sumuntok nang anong lakas doon sa lalaki.
"Derick!" Sigaw ko habang pilit na hinihila sya.
Panay padin ang suntok nya doon sa lalaki and it reminds me of the night noong na late akong sunduin sya sa bar at muntik na syang makapatay. Ganoon kalakas ang pwersa nya, like the monster Derick I'll never see.
"Hindi mo naman yata girlfriend yan eh!" Pilit pading nagsasalita yung lalaki at lalong lumakas ang suntok nya.
"Derick! Tama na!" Tumayo sya na nanggigigil sa galit at hinarangan ko na sya.
"Umalis ka na nga!" Hiyaw pa ni Derick. May dumating na dalawang tropa siguro nung lalaki at itinayo na sya.
"Wag na wag kang magpapakita sa 'kin!" Turo pa ni Derick bago sila tuluyang makaalis, dalhin nyo nalang yan sa clinic.
"Are you fine?" Para bang saglit na nawala ang galit nya at concern akong tiningnan.
"Umm, oo." It caught me by surprise nang bigla nalang nya kong niyakap so I just hugged him back.
He pulled away at umupo sa harap ng beach.
"Sa susunod kasi wag kang lalabas ng mag-isa." Sabi nya sabay hagis sa mga batong nasa harap nya na para bang nagpapalipas galit.
"Tingnan mo kung hindi kita naabutan baka kung ano nang nangyari sayo, lalo na kagabi!"
Last night, and you said I'm your girlfriend. My heart is flattering, eto ka na naman.
"So, ikaw'ng naghatid sa 'kin kagabi?"Tinabihan ko sya at umupo.
"Hindi lang pala ako ang hinahatid mo, ako rin sayo." He smiled for a while, admitting na sya nga. Palagi ka padin kasing nandyan. "Bakit ka ba nasa labas kagabi?" Kasunod pa nyang tanong.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...