Chapter 17

3 1 0
                                    

Derick's POV

It is weird finding Selestine as anxious as that. Sya lang ang laman ng isip ko, she's a nice girl at ganoon sya tratuhin ni Ethan. Ni hindi ko nasabi kay Ethan na magkasama kami even if that's the plan dahil tumakas lang sya sa kanya and I know it's because of something serious. But at least she already know my name and number just in case she needs me.

"Derick." I got back to reality nang tawagin ako ni Jerome.

"Jom, what's up?" Bati ko sa kanya.

"Mabuti pumasok kana."

"I'm planning on leaving, hinatid ko lang si Selestine."

"Sa bago mong kotse?" He looked at me intently dahil that's out of my rules.

"Sorry, I need to." Kaya humingi nalang ako ng pasensya dahil hindi naman yun sinasadya, I will always respect my traditions with Milan.

"Derick, pero ikaw 'tong nagsabing buhay pa si Milan. It looks like you're fine now, at masaya ako dun." Why does he keep on insisting that? Alam kong gusto nya lang din akong makamove forward pero lalo lang akong nalulungkot kapag ipinamumukha nya sakin yun.

"Hindi, hindi sinasadyang basta nalang sya sumakay sa kotse ko." Pagdadahilan ko nalang.

"Ayos lang naman yun, move on with her." Pero alam nya din naman na girlfriend sya ni Ethan, well, are they?

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, that I have nothing to move on from." Yes, cause Milan is here somewhere, including in my heart.

"At ilang beses ko din bang sasabihin sayo na wala na sya Derick." He looked at me seriously, concern at naiinis na 'ko sa kanegahan nya. "Kung ako sayo, I'll open up for someone else."

"Paano mo basta nasasabi yan?" Naiinis nadin ako sa mga sinasabi nya. "If Cheryl just disappeared, at hindi na sya babalik, ganun ganun mo nalang ba yun tatanggapin?" I looked at him at hindi naman sya nakaimik.

"I honor Milan, I'll continue my tradition with her. At hindi sa kahit sinong babae pa." There's no way na may kahit sinong babaeng papalit sa kanya. "Selestine, I'm just using her to get back at Ethan."

"Oo Derick, kaya nga sana, hindi mo ikabaliw 'to. Darating ang panahon, kapag masyado nang matagal at walang Milan na nagpakita sayo. Kailangan mo yung harapin, ayokong maging ganoon ka padin gaya nang nawala sayo noon ang Mama mo." Tinapik nya ang balikat ko bago tumalikod at umalis.

Napailing nalang ako na sumakay sa kotse to go somewhere to escape.

Thinking of it, Milan where are you? Kung buhay ka pa nga, pwes nasan ka? Nasan ka na nga ba? Bakit hindi ka magpakita sa 'kin? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko sayo? Sana wala ka namang galit sa 'kin.

My wishes, bumalik ka lang, I don't care if you hate me, kung kakausapin mo pa 'ko, kung magiging magkaibigan pa tayo, o to expect to be more than that. Please, bumalik ka lang, dahil ayokong magmove on, dahil hindi ko kaya.

Ang totoo, hindi ako nagmomove on dahil talagang umaasa ako na nandyan kapa. Hindi ako makaget over dahil hindi ko kaya. I'll break down into tears as I break my whole self. Ikaw ang buhay ko, tapos nawala ka.

I drove to our old lot, katabi ng dati naming bahay kung saan malapit lang ang tinitirahan nina Milan noon. Lumabas ako ng kotse at naglakad lakad, this place is full of memories.

Noong nagtatakbuhan kami dito, kung hindi ko sya mahahabol, madadapa sya bago mangyari yun, lampa.

Tapos I came across a swing, our old swing na madalas ko syang inuunahan sa pag-upo noong mga bata pa kami.

I just realised how much things I missed with her. Ang dami ko nang hindi alam sa kanya, ang dami nang nagbago, but I still want you.

Then my world stopped, nakita ko ang olive tree na sinisilungan namin dati ni Milan. Where I suddenly remembered na may binaon kami doon, I saw the DM mark.

Blanko padin ang mukha ko, hindi magkaintindihan, I digged out for what is years ago. Tapos nakita yung tumbler, I made a tiny smile bago binuksan yun. Kinuha ko ang papel nya at iniwan yung sa 'kin, hoping na makikita mo din.

"Here I am, wala ka. Sorry hindi kita mahintay, kasi hindi ko nadin alam kung nasan ka. Pero baka siguro, kung mabasa ko 'to matulungan mo 'ko. Syempre ito nalang ang huli mong message sa 'kin."

Napakalungkot ng nararamdaman ko, yun lang at this moment, sumandal ako sa puno at inihanda ang sarili ko for what she wrote for me all these years.

Dear Derick,

Ewan ko sayo at naisipan mong gawin ito eh hindi ka naman sweet, maasim ka. Pero ayos lang naman dahil ngayon, you are grown up. Sana lahat ng gusto mo sa buhay nakuha mo na, magagandang kotse, mga panalo at lahat ng gusto mo na siguro hindi ko na alam. Ewan ko kung yun nga ang nangyari sayo pero sana masaya ka.

Kung marami na ang kotse mo, pahingi ng isa.

Sana satisfied ka sa buhay mo, sana sabay nating binabasa 'to, sana magkaibigan padin tayo. Hindi lang kita kapatid, you're my best friend at mahal na mahal kita.

I can loose everything pero alam ko I will never loose you.

At saka, wag ka nalang makialam kapag nagdradrawing ako! Yan tuloy ang panget ng drawing mo sa likod.

Then I flipped the paper at may drawing ko sa likod, ako pala ang dinodrawing nya nung araw na yun.

Panget? Eh bakit, gwapo ka ba? Nakalagay pa sa baba.

Sorry kung lagi kitang inaaway, at sana kung may girlfriend kana o asawa, wag mo padin akong kakalimutan. Sana you consider me as a special woman to your life, yun lang.

Sa hidden thoughts, ano...wag kang iiyak kasi kung hindi mo alam, umiiyak din ako sa tuwing umiiyak ka.

Too late Melanie, here I am tearing up. Ang daya mo kasi, sabi mo sabay natin tong babasahin. I'm sorry!

"Milan!" I called out for her on top of my lungs kahit alam kong walang nakakarinig sa 'kin.

She said she can loose everything but she can't loose me. How much have I disappointed you.

Just be here please! Gagawin ko ang lahat para sayo! I'll make up for everything! I'm sorry! I hated myself even more! I am crushed at this moment. Napasandal nalang ako sa puno habang hawak ang papel na yun at umiiyak.

Ibinalik ko ang sulat ko at ang bote sa hukay at ibinaon yun, you may read this whenever. Ang sulat ko na matagal kong hinintay na mabasa mo.

________________________________________________
__________________________________________________

I'll Find You In Milan Where stories live. Discover now