Derick's POV
Hindi ako pumasok sa school ngayon, may mga inaasikaso ako sa bahay kasama ang isang imbestigador na hinire ko.
"Sir, wala pong CCTV doon sa lugar ng aksidente dahil wala na pong bahayan doon." Yun ang info nya matapos ko syang utusan para malinaw ko ang mga nangyari sa aksidente ni Milan.
"Pero ito po ang mga nakuhang footage doon sa dadaanan bago yung lugar ng aksidente." Ipinakita nya ang video ng isang kotse na dumaan noong gabi.
"Lampas alas otso ng gabi, ito na ang huling sasakyang nakitang dumaan doon. Dahil pagkatapos ng dalawang oras, ipinasara na yun ng mga pulis at bihira lang na may dumadaan sadya sa lugar na iyon Sir." Tapos ibinigay nya ang picture noong kotse, examining it, it was just some normal car, kaya mas mahirap hanapin, pero aninag padin naman fortunately ang plate number nito.
"Dalawang oras pa pagkatapos dumaan ng kotseng 'to? At dalawang oras din bago kami tawagan ni Ethan. Hindi ba masyadong matagal yun?" Tingin ko sa kanya, puno ng suspetsya.
"Kung nangyari ang aksidente lampas alas otso ng gabi at tinawagan kayo dalawang oras pa pagkatapos noon, baka naman natagalan lang ang mga pulis?" Dalawang oras? No.
"Hindi, akma yun. Nung oras na yun, dumaan ang kotse at nung oras lang ding yun umalis si Ethan sa villa." Tanda ko yun at wala doon si Milan.
Kung nasundan at nakausap ni Ethan si Milan, noong gabi, lampas alas otso at wala nang ibang kotseng dumaan, isa lang ang ibig sabihin nun, nasundan nya si Milan pero nakita nya lang ito at hindi sila nagkausap. Dahil yun ang sabi nya, kasunod sya ni Milan.
"Pero dalawang oras pa ang hinintay nya bago kami tawagan? Imposible, may mali. Gusto kong hanapin mo ang may-ari ng kotseng yan at ibigay mo sa akin ang address." Ibinalik ko ang isa sa litrato sa kanya.
"Opo, susubukan ko pong hanapin."
"Wag mo lang subukan, siguraduhin mo." Inihiyaw ko yun sa kanya bago sya makaalis at inihagis ang paunang bayad para sa serbisyo nya.
Nang makaalis ito, bigla namang tumawag si Jerome.
"Derick nasaan ka?" Sabi nya sa cellphone.
"Bakit?" Seryoso ko lang na tanong.
"Wala, sana nakita mo yung nangyari kanina."
"Ano yun?" Napakunot nalang ako.
"Wala pang isang buwan, kasama naman ni Ethan sa school ngayon yung ex nya."
Hindi na ako naghang up at basta ko nalang ibinto ang cellphone ko sa galit. Yumukom ang mga kamao ko habang nanggigigil sa galit.
"Hayop! Sa oras na malaman ko na may ginawa sya sa aksidente ni Milan, papatayin ko sya!"
Ibang klase! Gusto kong makita sya dahil gustong gusto ko na syang suntukin ngayon.
But I still managed to calm myself down, may flight pa ako papuntang Italy for another car race competition. I got ready at dinaanan ko nalang si Jerome sa dormitory nina Cheryl.
Kaya hindi ako naninigurado na patay na si Milan, hindi pa 'ko nakakabalita na minumulto nya si Cheryl.
"Hindi kita matawagan." Maya-maya ay lumabas nadin si Jerome at pumasok sa kotse.
"Nasa Italy naba yung kotse?" Tanong ko habang nagmamaneho, yung kotse na ipanlalaban ko.
"Oo, at inayos ko nadin lahat." Of course you would.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...