Derick's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm ngayong umaga. I know she's mad at me pero alam ko din na sya ang naghatid sa 'kin.
At alam ko lahat ng pinagsasasabi ko kapag kausap ko sya sa tuwing lasing ako. I feel free dahil akala nya hindi ko yun alam because I act like nothing happened the next day. That's why I always say I love her.
I care for her at mahal na mahal ko sya kaya gusto ko na syang lumayo sa 'kin. Pero kahit anong iwas o dissapointments ang ipakita ko sa kanya, she never go away.
Ang sabi ko nga, natatakot akong magmahal because I'm just like my father. At tuwing iniisip ko yun I feel like going to the bar again. Kaso nga lang kahit anong inom ko naaalala ko padin. I want Milan to live her life, but I still want to see her, kahit tuwing sinusundo nya lang ako sa bar.
I cleared my head at nagpatuloy nalang sa pagbibihis papunta sa school.
Tapos nakita ko si Ethan at Jerome sa hallway, para bang hinihintay ako.
"No hangover?" Tanong ni Ethan sabay sandal ko sa poste habang para bang may hinihintay.
"Sinundo ba 'ko ni Milan?" Kunwaring tanong ko sa kanya.
"Hindi, ako'ng naghatid sayo." Para namang hindi ko alam.
"Sumama ka kay Ethan? Ang daya eh ba't kapag ako'ng kasama mo hindi kita mahatak hatak." Sabi pa ni Jerome.
"Dahil sabi daw ni Milan kahapon, kapag pumasok pa sya sa bar na yun, last na na susunduin nya si Derick." He smirked habang napanga-nga nalang si Jerome.
"Tch!" I just smirked
"Pero seryoso, hindi pumunta si Milan?" Tanong pa ni Jom.
"Nope" Sabi ko nalang at naglakad na.
"Derick baka naman makakausap mo si Milan." Sunod naman nitong dalawa.
"Why? Kapag umalis si Ethan abroad next sem, ikaw naman ang bahala."
"Pwes ako nalang ang makikiusap kay Milan." Tapos paalis na si Jerome para sana hanapin si Milan nang dumaan sya sa harap namin kasama si Cheryl.
"Speaking of." Ethan said. Saglit ay napahinto sya sa harapan namin, kahit medyo malayo ay kita ko naman ang seryoso nyang matang nakatingin sa 'kin. Tapos nilapitan na sila ni Jerome.
"Hello Derick." Biglang lapit ni Danica pero hindi padin nawawala ang tingin ko kay Milan.
"How's last night?" She added. "I go to the bar too, you don't remember?"
"I remember." Alam kong pakinig yun ni Milan kaya sumama nalang ako kay Danica kahit alam ko na nagyayabang lang sya.
"Umm, bakit ba kasi ang cold cold mo yesterday."
Naupo nalang kami pero seryoso padin ako, hanggang kailan kami hindi magpapansinan ni Milan? Pero siguro this is better dahil patuloy ko lang syang sasaktan kapag malapit sya sa 'kin cause I'm afraid as I'd always been in love with her.
Bigla akong bumalik sa reyalisasyon nang biglang tumunog ang bell.
"Oops! Sayang" Saad pa ni Danica bago bigla akong hinalikan sa labi.
"See you later." Then she blew me a kiss before leaving.
All girls are the same except Milan and if all girls are the same, why would I choose one of them.
______________________________________________________________________________________________
It'd been 5 months.
Milan's POV
Malungkot lang akong nakaupo katabi si Cheryl ngayong lunch break. Nagcecellphone sya habang iniisketch ko naman ang mukha ni Derick sa sketch pad ko. Minsan ko nalang kasi sya makita dito sa school dahil hindi ko na sya iniistalk. But I see him every night or trice a week when he's completely drunk at pinasusundo sya sa 'kin ni Ethan o di kaya ni Jerome at doon kami nakakapag-usap.
Ayos lang yun, I know the Derick I'm talking to when he's drunk pero hindi sa nakikita ko sa school, the unknown Derick na sinusubukang itago ang lungkot nya.
"Look at this hottie!!" Nagitla naman ako dito kay Cheryl nang bigla nalang nyang iniaro ang cellphone nyang may nakadisplay na lalaki.
"Blugh!" Kunwari ay napasuka ako habang itinatago ang sketch pad ko dahil baka kung ano na namang sabihin nya kapag nakita nyang pinag-aaralan ko ang anggolo ng mukha ni Derick.
"Ano ba kasi, find a boyfriend." Sabi pa nya.
"Bakit meron ka?"
"At least may manliligaw ako." She smiled.
"Si Jerome." I said, he'd been courting her for the last 5 months.
"Why? I'm starting to find him cute." Sabi pa nya, ayos lang bagay naman sila.
"Cute, then pogi, then hot." Sabi ko pa sa kanya because that's how she finds a boy.
"Ewan ko sayo" Napatawa nalang ako sa kanya.
"At least hindi ko nakikita yun sabay sabay sa iisang lalaki." Alam ko na yan. "Derick is cute, handsome and hot." Iyan na nga, she still found a way.
"Hoy hindi ko yun sinasabi noh!" Patigil ko sa kanya.
"Well speaking of cute, pogi and hot, may dumadating." I looked in front of us, eh si Ethan naman.
"Hello Milan."
"Hi"
"Ooh, may gagawin pa nga pala 'ko, bye!" Tapos umalis na itong si Cheryl but I know she'll linger near.
"Saan kayo magbabakasyon this summer break?" Umupo sya sa tabi ko.
"Ewan ko, uuwi siguro 'ko kay Tita, sa Batangas."
"Exactly, may beach house kami don at sakto I'll be hosting a party there. Aalis na kasi ako after summer break. Nagplaplano kasi si Mama na sa Amerika na magtrabaho." Nalungkot tuloy ako bigla, naging kaibigan ko din naman sya.
"Ganun ba, nakakahiya naman kung hindi ako pupunta." I said habang tinatanggap ang dalawang invitation card.
"Oo, I'll see you there, isama mo si Cheryl, padespedida ko to." Then he waved goodbye.
"Thank you" Habol ko pa sa kanya.
"Ano yan?" Ito talagang si Che basta nalang sumusulpot.
"Dun na daw tayo magbakasyon sa beach house nya sa Batangas kasi aalis na daw sya after summer break."
"Sakto! Diba uuwi naman talaga tayo sa Batangas."
"Oo" Tumango lang ako.
"Pwes bakit unsure ka?" Kasi seryoso na naman ang mukha ko.
"Edi nandun si Derick." I said.
"Siguro, pero ang sabi sa 'kin ni Jey may race daw si Derick sa umaga kasi may nag-invite sa kanya for an event." Jey, may pa nickname pa sya kay Jerome pero ayaw nyang magpatawag sa Che.
"At syaka, hindi ka naman pupunta dun para kay Derick, kundi para kay Ethan. He'd been a great friend for the last 5 months." Sa bagay, madami na nga akong naikwento dun pati buhay ni Derick.
"Pero kung ganun, ayaw mo nun may closure." Siniko pa nya 'ko.
"Para namang hindi na kami nagkikita, eh baka ihahatid ko na naman yun mamayang gabi."
"Mamayang gabi ah, iba naman palang closure ang gusto mo!" Hahaha! Talaga naman, ang isip nito!
"Cheryl!" Hampas ko sa kanya.
"Ang hot talaga ng summer!" Sabay tayo nito at paflip hair pa.
"Hahaha!" Tumayo nalang din ako at sinundan sya.
Baka naman nga magiging masaya ang summer break ko. Pupunta nalang ako dun total plano ko naman talagang umuwi kay Tita.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...