Milan's POV
Bihis na 'ko, going to school for the last time. Bago ako lumabas, humarap muna ako sa salamin, ni tila ba nakita ko ang dati kong itsura. Melanie Reyes, maganda ang buhok, simple, hindi nga lang kasingganda mo Selestine but I know I can be the most beautiful woman in my way.
Ayoko na namang umiyak, yun nalang ang ginawa ko buong gabi. Dahil ngayon, I have to take my courage and tell Cheryl the truth. Alam kong walang kasiguraduhan ito, kapag nakita ako ni Ethan, patay ako, for how many times? But this is the last chance na ibibigay pa sa 'kin ng pagkakataon.
"Aalis na tayo." Ethan looked at me with his serious eyes at para akong batang tumango at sumunod sa likod nya.
"Behave" I know, warning nya na yun.
"Naayos ko na ang mga drop out papers mo, napaalam na kita." Explain nito habang inaayos ko ang gamit ko sa classroom habang pasensyoso syang naghihintay. "It is a bad idea na ipinasok pa kita dito." Alam ko, ito na nga lang ang kalayaan ko, sinayang ko pa.
"Uhm" Unti-unti kong ipinaling ang ulo ko sa kanya para syumempo na makaalis, hindi naman ako tatakas, gusto ko lang makausap si Cheryl. "May kukunin lang ako, naiwan ko sa art club." Naghintay ako ng saglit sa sagot nya.
"Okay, sasamahan kita." Napailing nalang ako with dissapointment, mukhang hindi nya na talaga ako papatakasin.
"Pupunta muna ko sa..." Isa pang excuse ko.
"Bakit ba ang dami mong gustong gawin!? Ayusin mo nalang ang gamit mo at magmadali ka!" Hiyaw ni Ethan at tumango nalang ako nang tahimik.
Hindi ko alam kung magagawa ko pa ang plano ko, bantay ako ni Ethan na para bang nakaposas nadin ako. Napakakonti ng oras na meron ako at wala na 'kong maisip na iba pang paraan para makatakas. My situation is just the definition of helpless.
Nakita ko si Jerome sa bintana approaching us na nakatingin sa akin, gusto ko nang humiyaw para tulungan nya 'ko.
"Ethan, kanina pa kitang hinahanap." Akbay nito sa balikat nya.
"Why?" Seryosong sabi ni Ethan at nakatingin lang sa akin si Jerome.
"May ipapakita ako sayo'ng sabi ni Prof." Hatak ni Jerome sa kanya."Tara na!"
"Selestine, come with us." Sabi pa ni Ethan habang seryosong nakatingin sa 'kin.
"Ano ka ba? Sandali lang naman." Pilit naman ni Jom.
"Stay here then." Tinaasan nya ko ng kilay bago sumama kay Jerome.
"Tara" At tuluyan na silang umalis.
Kahit papalayo ay patuloy ang kandado ng tingin habang lumilingon si Ethan, his death stare, wag kang aalis o papatayin kita.
Pero saglit na mawala sila sa paningin ko, kahit hindi na ako makagalaw sa tayo at dahil baka bigla silang bumalik, kailangan kong umalis.
Bago pa man ako makaibo ay may humatak sa kamay ko at dinala ako sa isang tabi.
"Cheryl!" I exclaimed nang makita ko sya.
"Sabihin mo, paanong ikaw si Milan?" Seryoso ang tingin nya, naghihintay ng sagot habang hawak ang dalawa kong kamay.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko, maiiyak sa tuwa.
"Itinrack ko yung number na itinawag mo, it leads here. Sinabi ko nadin kay Jerome para maabala nya si Ethan." Magkasabwat pala sila kaya pinaalis ni Jom si Ethan.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...