It's Summer Break
Milan's POV
Nagmamaneho lang ako ngayon on my way to Batangas. And guess what, it's vacation! Excited nadin naman akong makita si Tita kaya doon muna kami pupunta ni Cheryl, total taga doon din naman sya.
Speaking of her, eto sya ngayon sa tabi ko habang kinakalkal ang gamit nya.
"I have a sunscreen." Sabay pakita nya sa 'kin nito.
"Oo meron ako." Chinecheck nya lang kung may dala ako.
"Umm, sunglasses?"
"Check"
"Beach hat?"
"Oo"
"Beach hottie?" Tapos tumingin naman sya sa 'kin.
"Wala" sabi ko nalang at napatawa naman sya.
"Hahaha! Eh swimsuit?" I just smirked habang pinipigilan ang tawa ko.
"Baka madaig mo pa 'ko ha!" Napatawa naman ako sa kanya. Pero kahit ganyan yan, hindi naman talaga sya nagsusuot ng bikini.
"Gaano ba karami yang dala mo? 1 week lang tayo."
"Ah, basta kumpleto na tayo." At itinabi na nga nya ang gamit namin.
"Ano kayang itsura nung villa?"
"Kasing ganda mo." I just said. "Excited!" sabi ko pa.
"Di naman makikita si Derick." Biro pa nya.
"Cheh!" Cheh na nga lang sa kanya.
Well, finally at sa ilang oras na pagmamaneho ay nakatulog pa itong si Che, hindi naman ako syempre ay nakarating nadin kami kina Tita.
"Tita!" Tawag ko sa kanya sabay yakap.
"Nice to see you again Tita Meryl!" Bati din ni Che at nagbeso pa.
"Oh! magaling naman at maaga kayo."
"Ay Tita, may aatendan kaming beach party kaya dun naman kami mag-iistay sa villa nila." Sabi ni Che habang ibinababa ang gamit nya.
"Ahh, mayaman." Si Tita talaga.
"Opo, eh sina Tito Benjie po, uuwi?" Tiyuhin ko naman yun na nasa ibang bansa.
"Yan ang hindi ko alam eh, balak na yata nilang doon tumira sa Italy." Edi wala padin palang kasama si Tita.
"Ayos lang po yun, pwede naman kaming bumisita sa inyo o kayo sa beach." Suggest naman nitong si Cheryl.
"Oh sige, alam ko naman kung saan." Malapit lang naman.
"Enjoy ha!"
__________________________________________________
Kinabukasan ay nagpunta nadin kami sa villa. Sosyal! Sinalubong kami ni Ethan at ipinasyal sa beach.
Nakita ko na 'tong beach na 'to pero yung villas, as in bago, renovated at madami pang nadagdag. Ang tagal ko nadin ngang hindi nakakapunta dito.
Sobrang gaganda ng kwarto kaya nagulat nalang kami nang ihatid kami ni Ethan sa isang kwarto na may separate pool pa.
"Dito ang kwarto nyong dalawa." Sabi nya at pinapapasok na kami.
"Thank you." We exclaimed.
"Che!" Maya-maya ay tumawag si Jerome.
"Milan, saglit lang." Paalam naman ni Cheryl.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...