Milan's POV
Bago ako tumuntong sa labas ng kwarto ko sa bahay ng Mama ni Ethan, kung saan ako tumitira ngayon, I first smiled at myself in the mirror.
Ethan advised me to get a new haircut, kaya ngayon maiksi at kulot, bagay kay Selestine. Pero kung sa 'kin talaga, hindi siguro. Derick loves my long hair kaya hindi ko pinagugupitan ng maikli. Siguro bago ko maibalik ang mukha ko, marami pa 'kong madidiskubre na mga bagay na iniasa ko kay Derick noon.
Pumasok na 'ko sa school kasama si Ethan, nagpaalam sya pagkadating namin para sa una nyang klase. Mamaya pa ang klase ko sa same course ko noon kahit lumabas na transfer student ako, within a month siguro mawawala na ang Selestine na kaklase nila basta nalang.
"Just don't socialize much kung panandalian mo lang din naman silang makakasama." He smiled at me at saka umalis.
"I'll see you later." Paalam ko nalang.
Umupo muna ako sa isang bench baka mamaya, makikita ko si Derick, second day ko na at hindi ko padin nakikita si Derick o si Cheryl. Wala nadin naman akong babalikan sa Batangas dahil umalis na si Tita.
"Ow, hello there! Transfer student ka diba, kaklase mo 'ko. I'm Danica, nice to meet you." Biglang lapit nitong si Danica, eh kaaway ko yan, I mean dati ni Milan. Well, I'm Milan!
"Umm, Selestine Villanueva." Hand shake ko sa kanya.
"Of course I know you, sino ba namang hindi nakakakilala sayo."
"Anong ibig mong sabihin?" Napaweird look ako, matagal nang kilala?
"Come on, we're just from the same school in senior high, hindi mo nga lang ako kastrand. I thought mag-eengineer ka?" Wait! Hindi ko talaga malalaman ang sinasabi nya dahil sa iba sya pumasok noong senior high.
"You must be mistaken. Umm, ano kasi, I'm from America at ngayon lang ako pumunta sa Pilipinas, nakilala ko si Ethan ngayon kaya magkasama kami." Pinaintindi ko yun sa kanya dahil baka naman nagkakamali lang sya.
"What?" Tinarayan muna nya 'ko." Yun na nga eh, diba mag ex kayo ni Ethan at akala ko ikakasal kana sa America. So how did Ethan and you got back together?" Tanong pa nito, malay ko!
Maya-maya pa ay nagbell na para sa klase namin. Buti nalang, dahil ang dami kong tanong.
"Oops, see you in class. Don't look at me like that, it's weird." Paalam ni Danica. Nakabusangot talaga ako, nagtataka.
Hindi ako pumasok sa klase at sa halip ay hinanap ko si Jerome kung nasan man sya dahil kasama daw nila si Ethan at ako as Danica told me. Hello, bagong mukha ko to ngayon diba.
"Hello Jerome nice meeting you again." I smiled, well again base sa sinabi ni Danica.
"Selestine! Ako din! Upo ka para magkamustahan naman tayo, it'd been 2 years." Confirm! What on Earth is happening?
"Oo nga." I awkwardly smile at umupo nalang.
"Hindi ba natuloy yung kasal mo?" Lintik na! Sino bang ikakasal!?
"Ano?" Syempre, magtatanong ako.
"Ibig kong sabihin, diba dapat ikakasal ka sa America, ba't bumalik ka kay Ethan?" Tch! Sige sasabayan ko nalang.
"Well, you mean, ex ko si Ethan two years ago dahil pumunta ako ng Amerika para magpakasal sa iba." Yun ang base sa pagkakaintindi ko.
"Oo, obsessed nga si Ethan sayo eh, nagmakaawa ba sya?" Nagmakaawa, ano para bumalik si Selestine? Fake friend din to, binubunyag si Ethan.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...