Chapter 3

8 3 0
                                    

Milan's POV

"I'm Milan Reyes" I was forced to smile in front of our class today habang nagpapakilala ako.

Pano ba naman bad mood ako tapos kasama ko pa sa Music and Arts class itong si Danica. Kasi nasa Automotive si Derick tapos si Cheryl naman nasa Architecture.

"Melanie Reyes" pakinig kong sabi nya bago pa man ako makaupo.

"Milan, say your whole name." Yan, sabi tuloy ng Prof. namin.

"Melanie Silveste Reyes." I smiled at umupo na, binalingan ko sya ng may iyamot sa mukha habang panay naman ang tawa nya.

Bakit maganda naman ang pangalan ko ah, sanay nalang ang mga tao na tawagin akong Milan.

"Okay, now that we're done introducing each other to art class, let's start creating our first masterpiece with an inspiration."

"Ano po yun Ma'am?" Tanong nila.

"A model, our very own, the most handsome and inspiring man to paint, Mr. Ethan Morales, our football varsity player." Pakilala ni Ma'am at biglang pumasok ang, I must admit gwapo naman ngang lalaki, at ang tangkad.

Kunwari pa tinatago pero pakinig ko naman ang tili ng ibang babae sa likod ko.

"Hello everyone and to all the girls, this is an excemption for you to stare at my face as much as you want today." Napatawa naman ako sa sinabi nya.

Oo nga pwede syang model at ipinta pero ang lakas naman ng loob nya. Stare daw sa kanya, excemption pa, sino ba to? Kala mo God's gift to woman. Tuloy ako sa paghalakhak habang tinatago ang mukha ko sa lamesa.

Tapos tumunghay ako at nakitang nakatingin na pala sila sa 'king lahat, pati si Mr. Kapal. "Ano ba naman to Ma'am, medieval? Bat di nalang picture?" Buti nalang at may nagsalitang isang lalaki at doon na nabaling ang atensyon ng lahat.

"Kung picture din lang edi sana iba nalang." Sagot ko dun sa nagtanong.

"Edi magaling, baka si Derick pa." Sabi naman nitong si Danica, tch! Kunwari pa eh sya tong si flirty queen.

"Derick's not comfortable to be here, but I would love to be your model for today." Sabi ni Mr. Kapal habang ngumingiti at doon lumabas ang dimples nya, infareness.

"Thank you Mr. Morales." Sabi naman ni Ma'am.

"You're more than enough." Ugh, mapapasuka ako dito sa mga babaeng ito. Hindi ako basta nagdudrool sa lalaki ano, lalo pa't may mas gwapo akong kilala.

Hmm, nagsimula nanga lang akong gumawa at ipinta ang mukha nitong si Mr. Morales na nasa unahan, at ano pa nga ba, edi alam na alam ko na bawat sulok ng mukha nya.

Hapon na at natapos nadin ang mga klase ko. Sakto at naghihintay na sa akin si Che sa labas. Hindi naman pala talagang nakakayamot ang araw na ito, ang ganda ng school at I must say, today's still a great day. And disclaimer, hindi yun dahil may tinitigan akong magandang lalaki kanina.

"Wag mong sabihing dun ka parin sasakay pabalik kay Derick?" Tanong ni Che habang sumabay sa aking lumabas. "Magtatampo na 'ko."

"Hindi na, nabinyagan ko na eh."

Lumingon ako sa harapan at nakatagpo itong si Danica.

"Oo nga, bat ka ba naman sakay dun." Pataray na tanong nito. "Ang ganda ganda ng kotse para sa kagaya mo."

"Tanong mo kay Derick" proud kong sagot, and let me say it again, this isn't a great day anymore.

I'll Find You In Milan Where stories live. Discover now