Milan's POV
Ito ako ngayon, tahimik lang na nagmamaneho ng sasakyan ko kasama si Che.
Sana naman maging maayos na ang araw ko bukas, sana makita ko na si Derick. Sabagay second day palang naman ngayon, cheer up Milan, the best is yet to come.
"Milan, sino ba nagturo sayong magdrive?" Tanong ni Cheryl habang nagmamaneho ako pauwi sa dorm. "Ako nga hindi marunong." Singhal pa nya.
"Sino pa?" Sagot ko habang seryoso lang na nakatingin sa harap.
"Wait, wag mong sabihing si Derick?" Umuna pa sya sa upuan nya. "Wow!" She exclaimed when I nodded.
So I told her the story behind it, nung kasama ko pa palagi yung best friend ko. Yung masaya pa sya at close na close pa kami.
"Nung binili ko tong kotse ko, kasama ko sya sa pagpili. Eh sakto lang naman ang pamana ng parents ko para sa isang simpleng kotse, tapos sya ang taas taas ng standards sa pagpili." I smiled, my parents died when I was 16, three years ago at ang naiwan nila, ibinili ko ng kotse para palagi kong nakikita.
"Pero eventually napili namin to, tapos tinuruan nya 'kong magdrive as a birthday present nung nag 18th birthday ako." I continued.
"Milan, friendly advice lang ha.Wag ka namang masyadong umasa kay Derick, ilang taon mo na ba yung kaibigan?"
"15"
"Pag sinabi mo yang nararamdaman mo, that 15 years na magkasama kayo, may continue, may end."
I finally realised it. Palagi lang lasing si Derick, palaging may kasamang ibang babae sa bar at palaging seryoso.
"Ano ka ba, anong nararamdaman? Friends lang kami." I gave in a heavy smile.
"Milan, Tita and I can see it."
See it na Derick is not the Derick I met when I was four. Nararamdaman? Siguro naawa lang ako sa kalagayan nya, he's so miserable and maybe I just care so much kaya ko sya pilit binabantayan.
"Pati ba naman si Tita?"
"Syempre, yun pa. Alam mo namang hindi yun boto kay Derick."
Hindi nalang ako sumagot, itinigil ko ang kotse ko sa tapat ng dormitory namin at pagkababa nya ay pinatakbo ko na ulit ang sasakyan.
"Hoy Milan, saan ka pa pupunta?!" Sunod nya pero nagpatuloy lang ako.
Nakarating ako sa cemetery kung saan nakalibing si Mama at Papa matapos nilang maaksidente. I cried habang hawak ang puntod nila.
Kahit three years na! I felt so alone! Wala sila, wala narin si Tita Carmen, wala nadin ang dating Derick. Swerte pa nga sya, may ama pa sya kahit kinamumuhian nya.
Ma! Pa! Bakit naman kasi! Ang aga aga pa! I'm now left here just painting the faces of you by as far as I remember. I wiped my tears at tumayo na, and I smiled before leaving.
Pumunta naman ako sa puntod ni Tita Carmen, same cemetery lang naman kasi sila.
Nagulat nalang ako nang may nakita akong white roses doon, five white roses. I sat on the grass and smiled, relieved naman ako, dito pala dinala ni Derick yung mga bulaklak na binili nya kahapon.
Ow Derick.Maya maya pa ay naramdaman kong lumadlad ang mahaba kong buhok matapos may nagtanggal ng pamuyod ko.
I looked up and stand.
"Derick" I smiled big. Tapos tinaas nya yung pamuyod ko.
"Akin na nga yan." Sabi ko habang pilit itong inaabot.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...