Simula

252 5 1
                                    


Simula



"Oh pumili na kayo ng magiging leader niyo," ani ni sir sa harapan.

Tapos na kami sa counting para sa mga grupo sa reporting na gaganapin. Isa isa namang nagkatinginan ang mga kaklase ko.

"Ikaw na, Shira para sa grupo natin." ani ng nasa likod ko.

"Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko.

"Kayo na, ayoko." kunwari na ayoko.

Hindi sila pumayag na hindi ako ang magiging leader nila. Dapat lang naman, dapat ako ang piliin nila. Kailangan kong mag-excel palagi, kailangan ko 'to.

Hindi man ngumingisi ang labi ko dahil sa tuwa pero sa utak ko ay ngumingisi ako.

"Okay, sa group 4 ay si Ashira ang leader niyo. Ibibigay ko ang mga topics niyo maya-maya," ani ni ma'am sa unahan.

Simple lamang akong ngumiti sa mga kaklase ko. Ngumingiti naman sila sa akin kaya alam kong masaya naman silang ako ang leader nila, sila naman na ang pumili kahit na tumanggi ako. Umarteng tumatanggi pero sa totoo ay gusto kong ako ang maging leader sa mga grupo kung nasaan ako.

I want something that I always hold, I can control. Where things that I can rule, I can be the one who excel and doing my best. I want that way, where everyone will admire me.


"Ikaw ulit leader," ngisi ni Nazarine sa akin.

"Oo nga eh, tambak na naman ang gawain ko." ngumuso ako.

"Ayos lang 'yan, magaling ka naman. Kaya mo 'yan, pero sana huwag mong kakalimutan na magpahinga." ngumiti si Luvelle sa akin.


"Bawal ang pahinga hanggat hindi ko natatapos lahat," sabi ko.

Nagkatinginan ang dalawang kaibigan ko at natahimik nalang sa sinabi ko.

Hindi ko gustong mag-sayang ng oras lalo na't marami akong gagawin. Oo, marami sa sobrang dami ay hindi ko alam ang uunahin ko.

Leader ako sa reporting para sa araling panlipunan, gagawan ko iyon ng powerpoint. Leader ako  ulit sa english na reporting, visual aids naman ang gagawin ko. May role play pa kaming gagawin para sa ESP, ako naman gagawa ng script dahil ako naman ang leader. May bulletin board ba akong aasikasuhin at pag-iisipan kung ano ang mga design dahil kami ang inutusan ng aming advicer na gawin ang bulletin board sa room.

Naigalaw ko nalang ang panga ko at iniisip ang gagawin mamaya pag-uwi sa bahay. Kailangan ay matapos ko agad iyon lahat, dahil kung hindi sigurado akong tatambak lang at ako ang mahihirapan.


"Shira," tawag ni Leonard sa akin

"Yes?" ngumisi ako at agad hinawakan ang braso niya.

"Mag-lilinis tayo ng banyo, cleaners." aniya kaya tumango ako agad.

Pumunta naman kami agad sa banyo at naabutan ko ang ibang kaklase namin na nakatayo lang doon at nag-uusap.

"Saan ang ibang mga lalaki? Nag-igib na ba ng tubig?" tanong ko.

Sabay nila akong nilingon. Saglit na tumigil sa chismisan nila.

"Ayaw ni ER, mag-igib."

"Si Rolan, ayaw din."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nila at agad hinanap ang mga kagrupo namin na tamad na tamad mag-igib ng tubig para sa banyo.

Mahina kasi ang gripo na nasa gilid lang din ng cr namin, kaya para mas mapabilis ay mag-iigib pa sa ibang malapit na gripo na malakas ang tulo ng tubig. Sa cr namin ay sira ang gripo kaya hindi naman magagamit. Sanay naman na ako sa ganitong set up dahil ganito naman lagi ang mga public schools, ganito ang cr dito.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now