Kabanata 5

21 2 0
                                    

Kabanata 5

Pay

"Hindi naman kita sinaktan," aniya.

I smirked and rolled my eyes. "Talagang magmamalinis ka parin?"

I can't believe him! Talagang hindi siya aamin sa kasalanan niya. Ano ang gusto niyang mangyari ngayon? Ako ang mag-mukhang may kasalanan? Ididiin niya sa akin ang lahat? Na ako talaga ang nang-iwan. Na ako talaga ang nanakit at biglang nag-laho?

"Ayaw mong aminin ang mga kasalanan mo?" my eyebrow arched.

He shook his head. "Ikaw ang iniwan ako. Ikaw ang sinaktan ako!" diin niya.

Umuwang ang labi ko at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin.

"Anong ako? Ikaw ang nag-loko!" tinuro ko siya.

Siya naman talaga ang nag-loko. Niloko niya ako! Pinamukha niya sa akin na ang bobo ko at ang tanga-tanga ko para maniwalang mahal niya ako! Akala ko ako lang ang babaeng gusto niya pero hindi!
Bukod sa akin na girlfriend niya ay meron pa siyang ibang girlfriend! Pinagsabay niya kami.

Nagustuhan niya ako dahil mahinhin at mabait ako pero hindi mapagkakaila na mas gusto niya rin ang mga babaeng matatalino at magaganda. Kagaya ni Rhianna.

Mula nang maging kami ay lagi na kaming nag-uusap. Normal na pag-uusap na parang magkaibigan lang kapag nasa school at maraming nakakakita. Pero kung kami lang dalawa ay nag-hoholding hands na kami at patagong nagyayakapan sa likod ng mga room.

Wala rin kasing nakakaalam na kami na. Na boyfriend ko siya at ako ay girlfriend niya. Kahit sa mga magulang namin ay hindi na namin pinaalam pa. Hindi ko din naman kasi alam noon kung ano nga ba ang tamang gawin kung may boyfriend ka. At ano ang mga hindi puwede. Sumusunod lang ako kay Aeron kasi ang alam ko susunod ako sa kahit anong sasabihin niya dahil mahal ko siya.

Dahil mahal ko siya lahat ay kaya kong gawin para sa kanya. Dahil gano'n ang pag-ibig na alam ko, gano'n ang pagmamahal ko.

Our relationship is private. Kami lang talaga nakakaalam sa relasyon namin. Hindi ako nag-reklamo at wala namang balak na ipaglandakan sa lahat ang relasyon namin. Pero minsan nasabi ko noon na gusto kong ipakilala niya ako bilang girlfriend niya, lalo na sa mga kaibigan niya.

"Doon ka mag-aaral?" gulat niyang tanong at agad hinawakan ang kamay ko.

"Bakit hindi nalang dito?" kumukunot ang kanyang noo habang tinitignan ako.

Inipit ko ang aking labi at ngumuso. Gra-graduate na kasi kami ng elementarya at sa highschool ay lilipat na ako. Sa Ibajay National Highschool na ako mag-aaral habang siya ay mananatili rito sa Naisud.

"Doon gusto ni mama," ani ko

"Dito naman si ma'am Amelia. Kapag nandito ka mas mababantayan ka niya hindi ba?"

"Si mama ang mag-dedesisyon para sa akin. Kasi siya ang mama ko, si mommy ay tita ko lang."

Si ma'am Amelia na tinutukoy ni Aeron ay tita ko, ate ni mama pero ang tawag ko ay mommy. Dito siya sa Naisud nagtuturo.

Natahimik kami pareho pero hindi niya binitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nandito kami sa dagat na nasa tapat lang naman ng bahay nila. Wala ang parents niya dahil nag-bebenta ito ng isda. 'Yon ang trabaho o hanap buhay nila dahil malapit sa dagat.

"Pero bakit doon ka?" dama ang lungkot sa boses niya.

"Mas malapit sa bahay namin. Puwede ngang lakarin," pilit akong ngumiti para lang pagaanin sana ang loob niya pero mas sumimangot lang naman siya.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now