Kabanata 26

5 0 0
                                    

Kabanata 26

Gulo

She was just clenching her jaw because of irritation she felt after hearing those words from me.

Masakit bang isampal ko sa kanya ang katotohanan? Masakit bang aminin sa mismong harapan niya ang katotohanan na kahit kailan hindi siya nagustuhan ni Aeron?

"Kung gagawin mo ang ginawa mo sa akin noon kay Jopany puwes 'di kita hahayaan, Rhianna." matapang kong sabi sa harapan niya.

"Sanay na sanay kang manakit ng kapwa. Kaya 'wag kang mag-tataka kung bakit ka rin sinasaktan."

'Yon na lamang ang nasabi ko at hinawakan na ang kamay ni Jopany para maka-alis na sa lugar na 'yon pero nang hihilahin ko na sana siya ay sakto namang pareho naming nakita si Aeron na nakatingin sa amin.

He was just standing there looking at us.  Did he hear what I've said? Kanina pa ba siya diyan sa kinatatayuan niya?

Diretso lang ang titig niya sa amin. Walang kahit na anong reaksyon sa mukha niya. His lips was pursed and he just standing there like he heard it all and been stunned for a moment.

"Aeron!" agaran na sigaw ni Rhianna at mabilis na lumapit kay Aeron.

Pero kahit na nakalapit na siya kay Aeron ay hindi gumalaw si Aeron para harapin siya.

Nanatili ang tingin niya sa direksyon namin ni Jopany. Binalewala niya ang mga sinasabi ni Rhianna sa tabi niya at mas pinili na mag-salita at tignan ako ng diretso.

"Pinapatawag na kayo. Kailangan na mag-practice."

'Yon ang sinabi niya bago siya tumalikod. Hindi na siya nag-salita pa ulit. Hindi niya pinansin si Rhianna at diretso na ang lakad niya palayo sa amin.

Lahat kami ay napatulala at nagulat sa biglaang pag-sulpot ni Aeron pero agad naman kaming napataranta nang marinig namin ang music sa sayaw namin.

Mas kailangan naming mag-practice kaysa ang matulala lang sa mga nangyari.

Buong araw na nga kaming walang pahinga at kapag nagpapahinga ay pareho nalang kaming nagkakatinginan ng masama ni Rhianna.

"Okay boys! Kayo na muna mag-practice sa mga part niyo. Bilis!" sigaw ni sir Xian kaya mabilis namang lumapit ang mga lalaki sa kanya.

Inayos pa ang posisyon nila. Ang countings at iba pa. Nanatili kaming nanunuod sa practice nila at kita ko si Aeron.

Tanaw na tanaw ko siya sa kinatatayuan niya habang seryoso na gumagalaw. He was like thinking deep yet his body move accordingly to the music and steps.

Ano kaya ang narinig niya kanina? Ano na kaya ang iniisip niya?

I am still worried about it. Worried of what he felt. Worried of what I felt for him. I am all worried for everything between us.

May mga salita pala tayong kahit na gusto ng pusong isigaw hindi pa rin maisisigaw dahil may mga pangyayari, pagkakataon at sitwasyon na hindi dapat puso ang laging ipairal. Mas matimbang minsan ang utak.

Hindi ko kayang sabihin lahat kay Aeron. Hindi ko kaya kung sakaling magtanong siya ulit sa akin.

Hindi ko na kayang iklaro pa sa kanya lahat lalo na't ayoko na siyang umasa pa. Umasa sa nararamdaman ko sa kanya pero alam kong hindi ko pa kayang panindigan sa mga oras na ito.

"Tara na umuwi na tayo," pagod na pagod na pag-yaya ng mga kaibigan ko.

Hinang hina narin ako at gabing gabi na. Halos hindi ko na maramdaman ang paa ko dahil sa pagod.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now