Kabanata 21

3 0 0
                                    

Kabanata 21

Sweet

"Bakit siya nandito?" bulong na tanong ko nang bigla ko na natanaw si Rhianna sa may hamba ng pinto.

"Kilala mo talaga siya?" bulong naman ni Luvelle sa likod ko.

Hindi ko naalis ang tingin ko sa kanila. Hindi ko pa kasi kayang iproseso kung bakit siya nandito. Bakit siya lumipat?

"Kaklase ko sila dati," sagot ko kay Luvelle.

"Marami na lumilipat sa school natin ah. Iniisip siguro nila maganda rito." Si Nazarine na nakalapit na sa amin.

"Mukhang close sila ni Aeron," napatingin ako kay Myka.

Oo, close sila. Sa sobrang close ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Kagaya ngayon lumipat lang dito si Aeron ay lumipat narin siya. Baka gusto narin lumipat nung iba pa naming mga kaklase dati?

"May high school naman sa Naisud e, bakit sila lumilipat?" si Leonard.

"Desisyon nila 'yan. Buhay nila 'yan kaya bahala sila. Hayaan niyo na sila." Ani ko nalang at umayos na ng upo sa upuan ko.

Huminga ako ng malalim at hindi na pinansin pa ang mga nangyayari sa paligid ko. Nababahala man ako pero dapat hindi ako nagpapa-apekto sa kanila.

Ano ngayon kung nandito si Rhianna? Lumipat ba siya para kay Aeron? Wala akong pakialam kung gano'n dahil sa kanya nalang si Aeron. Kung nandito siya para ibully ako ulit puwes hindi niya 'yon magagawa ulit.

Hindi na ako kagaya ng dati. Mas tumapang ako ngayon, kaya kong makipag-sagutan at kahit makipag-sabunutan. Hinding hindi ko na hahayaan pang saktan lang nila ako at ibully.

Kung 'yon ang paraan nila para maitaas ang sarili sa iba at para ma-boost ang ego nila puwes hindi ko hahayaan 'yon.

Walang lugar sa mundo ko ang pag-suporta sa bullying at mas lalong wala silang karapatan para sirain ang damdamin ng isang tao. Wala silang karapatan na mag-bigay ng trauma sa isang tao.

Mali 'yon at kahit kailan hindi magiging tama.

Tahimik lang ako sa upuan ko nang biglang nagkumpulan ang mga kaklse ko sa kabilang row. Napatingin ako sa kanila saglit at nakita ko lang na nandoon na si Rhianna at si Aeron.

"Magkakilala pala kayo ni Aeron?" tanong ng isang kaklase namin.

Mas tinitigan ko pa si Rhianna dahil ngayon ko lang siya matitigan ng malapitan. Maikli anng buhok niya na hanggang balikat. May maliit na mata at manipis na labi, morena at matangkad. Maganda siya at may magagandang ngiti na talagang maiisip mong mabait siya.

Sana una lang 'yan mabait. Sa una lang 'yan magaling pero habang tumatagal lalabas din kasamaan ng ugali niyan.

"Bakit ka lumipat dito?" tanong ng mga kaklase ko na magiging kaklase niya narin.

Ngumiti siya ng pagka-tamis, "Gusto ko lang kasi rito, ito kasi 'yong school na gusto ko."

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Parang sinasabi niyang hindi niya gusto ang paaralan sa naisud ah?

"Ano nga pangalan mo?"

"Rhianna," sagot niya at walang palya sa pag-bibigay ng ngiti sa lahat na nakapalibot sa kanya.

Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila at handa na silang balewalain ngunit nang may marinig pa akong nakakuha ng atensyon ko ay hindi ko na naiwasang huwag makinig sa usapan nila.

"Mag-kaklase kayo ni Aeron dati?"

"Oo, mag-kaklase kami mula elementary at hanggang nag high school,"

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now