Kabanata 25

8 0 0
                                    


Kabanata 25

Nananatili

Hapon ginanap ang awarding at medyo matagal dahil marami ang mga nabigyan ng awards sa bawat grade level at section.

Hindi naalis ang ngiti ko habang nag-hihintay na tawagin ang pangalan ko. Gano'n din ang lola ko dahil masaya ang awra niya ngayon.

Huminga na ako ng malalim nang tawagin na ang pangalan ko. Inalalayan ko ang lola ko patungo sa stage para matanggap ang award.

Sobrang saya ko dahil masaya rin ang lola ko ngayon. Ang gaan pala sa loob kung makikita mong masaya sila sa tagumpay mo.

Pagkatapos ng awarding ay saglit lang naman kaming nag-usap nang mga kaibigan ko. Hanggang sa biglang lumapit sa akin si Aeron, nagulat pa ako sa pag-lapit niya.

"Shira, congratulations." Aniya at magaganda ang ngiti sa labi.

Bahagya lang akong ngumiti at hinanap ng mata ko ang lola ko dahil baka nakikita niya akong may kausap na lalaki at isipin niyang boyfriend ko.

"Salamat, congrats din sa'yo." Mabilisan ko lang sabi at umalis na.

Ayoko lang na mag-isip ng iba ang lola ko dahil sanay talaga ako sa kanya na lagi nalang mali ang akala at kahit na nagpapaliwanag ka medyo hindi pa siya maniniwala.

Kaya panay iwas ako sa mga bagay na magbibigay rason para mag-isip siya ng mali. Ayoko lang magalit ang lola ko, ayoko lang mag-away kami kaya iiwasan ko si Aeron at kahit ang ibang lalaki para lang walang gulo at para narin sa safety ko. Lalo na't strict talaga ang pamilya ko sa aming mga babae. Nirerespeto ang desisyon niya at ng pamilya.

Siguro para sa iba parang sumosobra naman kung iiwasan ko talaga ang lahat ng lalaki. Hindi ko naman totally iiwasan, iyon lang sigurong mga lalaki na halatang nag-bibigay ng motibo kaya lumalapit sa akin. Kagaya ni Aeron, kaya iiwasan ko siya para na rin sa ikakatahimik ko at hindi na mangamba pa.

Iba iba ang paniniwala at pananaw ng tao. Iba iba tayo ng nararanasan, at ito ang akin. Ito ang sitwasyon ko ngayon at ang paniniwala ko. Kung iba man sa iba at mali man para sa kanila, nirerespeto ko naman 'yon dahil alam kong hindi nila naiintindahan ang nararanasan ko. Dahil hindi naman nila nararamdaman 'to, hindi sila ang tumitimbang ng sitwasyon. Kaya hindi nila alam, wala silang alam at hindi nila ito maiintindihan ng buo.

Huminga ako ng malalim nang maka-abot ako sa flag ceremony. Hindi na ako lumingon sa kahit na anong direksyon.

Diretso ang tingin ko sa unahan at sumasabay sa pag-awit ng INHS hymn. Nang matapos na ay hinanap ko agad ang mga kaibigan ko pero iba ang sumalubong sa akin.

"May hinahanap ka?" tanong niya sa akin.

Natigilan ako at tinignan siya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin pero kinausap ko siya kahit na gusto ko ng umalis.

"Mga kaibigan ko," sagot ko sa kanya.

Hindi naalis ang paninitig niya sa akin. It was like she's mocking me. She even raised her brows and look at me from my eyes down to my chest.

"May mga kaibigan ka na?" mapanuya niyang tanong.

"Why? Hindi ba halata sa akin na may kaibigan ako?" ngayon ay ako naman ang nag-taas ng kilay.

She smiled, "Ginagamit mo 'yang ganda mo para magkaroon ng kaibigan?"

What? Saan naman nanggaling 'yang sinabi niya? Talaga namang pinapatunayan niya na ang bitter niya pa rin. Takot ba siyang lamangan ko?

"So, inaamin mong maganda ako?" I smiled even more.

At bakas sa mukha niya ang inis nang makita ang ngiti ko. Gusto kong matawa nang makita ang reaksyon niya.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now