Kabanata 16

9 0 0
                                    


Kabanata 16

Ingat

Kinagat ko ang ballpen na hawak ko habang tulala sa laptop na naka-bukas. Wala na naman ako sa maayos kong pag-iisip dahil natutulala na naman ako at kung saan saan nalang lumilipad itong isip ko.

Bumuntong hininga ako at sinubukang ibalik ang atenyson sa ginagawa kong powerpoint para sa isang subject namin. Pagkatapos nito ay kailangan ko naman mag-advance review sa ibang subject ko dahil nalalapit na rin naman ang exam namin. Kailangan ko mag-aral at mas mag-seryoso pa, hindi 'yong ganito na kung saan saan lumilipad ang isip ko.

Naipilig ko ang ulo ko at napapikit nang maalala lang ulit ang mga narinig ko kay Aeron. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari sa akin at bakit ganito ako maka-react sa narinig ko.

Hindi ko naman kailangan ng tulong ng ibang tao. Dahil kung wala namang tutulong sa akin kapag kailangan ko ng tulong ay gagawan ko nalang ng paraan na tulungan ang sarili ko. Hindi ko na hilig ang manghingi ng tulong sa iba at hindi ko na hinihiling pa na tulungan ako. Dahil kaya ko naman na.

Pero ang ginawa ni Aeron hindi ko 'yon inaasahan. Alam ko na 'di gano'n karami ang baon niya para ilibre pa ako sa pagpapa-print ng modules namin kaya laking gulat ko dahil nilibre niya ako kaysa ibili nalang ng pagkain ang perang baon niya.

Hindi pa rin ako maka-move on sa nagawa niya dahil siguro minsan ko lang 'yon maranasan. Minsan lang na may tumulong sa akin nang hindi ko hinihingi. Minsan lang na may mag-effort sa akin ng gano'n kahit magkakaroon ng epekto sa kanila ang pagtulong sa akin.

I really forgot to print our modules, dahil nga marami akong ginagawa at hinahabol. Mas inuuna ko ang mga nauunang need ipasa kaya nakalimutan ko na. Pero kung tutuusin kaya ko naman mag-print pagka-uwi rito sa bahay dahil dito lang din naman ang printer namin.

Bumuntong hininga ako ulit at biglang naawa o na guilty dahil sa ginawa ni Aeron. I really don't know what I am feeling but I am sad knowing that he gives effort and he used his money just for my modules. 'Di bale nang walang matira sa kanya basta matulungan lang ako. I'm happy and thankful that he insisted to help me but...shit!

"What's happening?!" hinila ko na ang sarili kong buhok.

Am I guilty kasi hindi ako nagpa-salamat sa kanya ng maayos? Tinarayan ko pa siya. This really bothering me!

"Shira!" natigil ako dahil may tumawag sa akin.

"Aeron?" medyo nagulat pa ako sa mabilis niyang pag-lapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

He quickly smiled and get something in his bag. Hinintay ko lang siyang makuha ang kinukuha niya hanggang sa may iniabot ulit siya na mga coupon na may print. Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yan?"

"Hand outs namin sa reporting namin mamaya, bigyan na kita agad ng copy para hindi ka na mahirapan mag-notes pa during report namin." He said softly.

"Soft copy nalang sana para ako nalang nag-print. Magkano 'yan?" agad kong kinuha ang wallet ko sa bag.

"Libre na 'to," marahan niya ulit na sabi.

Umiling ako. "Babayaran ko na 'yan, mahal magpa-print ngayon." Iniabot ko sa kanya ang pera ko.

"Huwag na talaga. Ito na oh. Piso lang naman 'to." Ngiting sabi niya pa at tinanggihan ang pera na binibigay ko at hinawakan ang kamay ko sabay lagay ng papel sa palad ko.

"Aeron,"

"Tara na, mag-uumpisa na ang flag."

He didn't mind my reaction. Hindi na rin ako nakapag-salita para mamilit na babayaran ko siya. Ni pasasalamat hindi ko na naman nagawa hanggang sa naka-pila na kami para sa flag ceremony.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now