Kabanata 11

14 2 0
                                    

Kabanata 11

Competitive

Ilang araw na kaming nag-lalaban gamit ang tinginan namin kapag nag-sasalubong.

Bumubusangot agad ang mukha ko at matalim siyang tinitigan at sinusundan ng tingin kapag nakikita siya. Lalo na kapag pumupunta sa harapan at mag-susulat sa pisara.

Pabida pa rin siya. Nakukuha niya lagi ang atensyon ng mga guro namin. Tuwang-tuwa kapag siya ang nag-tataas ng kamay at kapag nag-rerecite.

Ayoko namang mag-patalo kaya nakikisabay din ako sa kanya. Natural kay Aeron ang pag-sagot ng tama at hindi nagkakamali. Mabilis siyang mag-isip at mabilis din na makakalusot sa kung anong ibabato mo sa kanya lalo na't magaling siyang makipa-debate.

He does it naturally. Walang kahirap-hirap. Our classmates are always amused and admired his intelligence. Ako? Hindi ako gano'n kagaling. Hindi ako magaling sumagot, hindi mabilis mag-isip ng mga sagot at mga palusot kung sakaling tatanungin pa at babatuhin pa ng mga logic na mga katanungan.

Dahil ang mga sagot ko naka-base sa mga libro. Minsan naka-base sa kung ano lang ang naranasan at nalaman ko o 'di kaya ay kung ano lang ang natandaan ko.

Kay Aeron ay masyadong malawak. Marami na siyang alam at hindi ako gano'n. Kumbaga ang nalalaman ko palang ay sampung pursyento lang at ang sa kanya ay ninety percent na.

Talagang mas lamang siya sa akin palagi kaya nahihirapan akong maka-habol. Nahihirapan akong makipag-kumpentensya sa kanya dahil masyado siyang magaling. He does it naturally, fiercely, and easy. Kaya mas lalo akong naiinis.

"Ako na pala ang gagawa ng script para sa role play natin," aniya nang mag-salubong kami.

Hindi niya ako tinitignan. Sa ibang direksyon ang mata niya pero ako ang kausap. Umirap ako at kahit hindi siya nakatingin sa akin ay nakatitig ako sa pagmumukha niyang mayabang.

"At bakit ikaw?" mataray kong tanong.

"Ako na, wala akong gagawin mamaya kaya ako na ang gagawa-"

"Ayoko. Ako ang napiling maging writer ng script kaya ako ang gagawa. Bakit gusto mong agawin ang dapat sa akin?" I smirked.

Hindi siya nagpatalo. Tumawa siya na parang nang-iinsulto.

"Hindi ko inaagaw. Marami kang gagawin kaya ako na ang sa script." aniya.

Umiling ako. "Eh paano kung ayoko?" umarko ang kilay ko.

Nanliit ang mata niya at parang nagsisimula nang mainis sa akin. Gusto niyang kunin sa akin ang pagiging writer ng script dahil gusto na naman niyang bumida.

"I am a writer, Aeron." sampal ko sa pagmumukha niya.

He chuckled. Parang biro ang dating ng sinabi ko sa kanya na siyang nabastos ako.

"What makes you a writer?" he playfully asked.

Tagumpay ang ngisi niya at mayabang akong tinitigan na may halong insulto!

"Nag-susulat ako ng mga tula, magaling ako sa essay, at nag-susulat ako ng mga kuwento. Romance, teen fiction, historical, at iba pa." yabang ko na siyang tinawanan niya pero inis ang naka-guhit sa mata.

"Ano ngayon?" pang-aasar niyang sabi.

Mas kumunot ang noo ko at masama siyang tinignan. Nagpipigil akong huwag siyang saktan lalo na't naiinis na talaga ako. He's so proud of himself! Ang yabang deporke alam na matalino!

"Manunulat ako." tigas kong sabi.

"Kaya huwag mo nang tangkain na agawin ang obligasyon ko."

"Tatapatan mo pa ako, Salgado?" tapang kong tanong at mas inilapit ang sarili sa kanya.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now