Kabanata 27

3 0 0
                                    

Kabanata 27

Tanaw

Pabalik balik ang tingin sa amin ni Aeron na galit na rin.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakatumba ko at pinagpagan ang sarili.

Napatingin pa ako sa paligid at nakita ko ang iilang mga tao na nag-bulong bulungan at nakatingin sa amin.

Ngayon ay nakuha namin ang atensyon nila. Baka may nakakakilala pa sa akin dito at masumbong ako na nakikipag-away.

"Aeron, 'yang babaeng 'yan ang nauna!" turo sa akin ni Rhianna na siyang hindi na bago sa akin.

Alam kong sa akin niya na naman isisisi ang mga bagay na kagagawan niya naman.

Inayos ko nalang ang sarili ko at binalewala ang pambibintang niya sa akin. Nasanay na ako na ganyan siya at kahit anong paliwanag ko kung walang gustong maniwala sa akin ay lugi pa rin ako.

Bahala na si Aeron kung sino ang paniniwalaan niya basta ako gusto ko nalang umalis at magpakalma sa tabi. Kaysa ang patulan pa si Rhianna na halata namang gusto lang ng atensyon.

Huminga ako ng malalim at handa na sanang umalis pero narinig ko ang sinabi ni Aeron.

"Tama na, Rhianna!"

"Lagi ka nalang ganyan! Lagi mong sinisisi ang ibang tao sa kasalanan na ikaw naman ang nag-simula at may gawa!" galit nitong sabi kay Rhianna.

Tinignan ko sila at kahit si Rhianna ay parang maluluha dahil sa sigaw ni Aeron sa kanya na sigurado naman akong hindi niya inaasahan.

"Pero Aeron, totoo ang sinasabi-"

"Kailan ka naging totoo? Kailan pa, Rhianna?"

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at nanunuod nalang sa kanila. Dahil sa mga naririnig ko ay parang hindi ko kayang umalis.

Hindi niya kinakampihan si Rhianna? Hindi siya naniniwala kay Rhianna? Galit siya kay Rhianna na tinuturing niyang kaibigan noon pa man?

"Tama na ang panloloko mo. Tama na 'yang pananakit mo sa ibang tao!"

"I really can't believe you, Rhianna. Hindi ko akalain na may ganito akong klaseng kaibigan."

"Parang mali na tinuring kitang kaibigan ko."

Napa-uwang ang labi ko at sakto naman ang pag-lingon ni Aeron sa akin. Nag-sasalubong ang kilay niya at masama ang paninitig. Galit nga siya.

"Subukan niyo pang mag-away, baka sa guidance na talaga ang bagsak niyo." aniya nalang at tinalikuran na kami ni Rhianna.

Kapwa kami gulat sa inasta ni Aeron. I mean, I'm expecting that he will be favored to Rhianna. Kasi kaibigan niya ito at kilala niya dati pa.

Kaya nakakagulat na hindi niya ito kinampihan ngayon kahit na panay ang pag-arte nito na siya ang nasaktan at ako ang may kasalanan.

Himala at hindi siya nagpapaniwala sa kaibigan niya. Himala at hindi siya nagpalamon kay Rhianna.

Binalingan ko siya at nakita kong umiiyak na siya habang magulo pa ang buhok dahil sa pag-aaway namin.

Para siyang talunan ngayon dahil walang kumampi sa kanya. Hindi siya kinampihan ni Aeron at kahit ako ay gano'n din.

"Patas lang tayo," bulong ko bago siya tinalikuran.

Inaasahan niya pa bang mauuto niya si Aeron? Kahit best actress siya kung alam na ni Aeron ang totoo siguradong 'di na sa kanya maniniwala pa.

"Anong nangyari? Sabi ni Rolan nakita ka niyang nakipag-away?" tanong ni Jomel sa akin.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now