Kabanata 4

18 2 0
                                    

Kabanata 4

Galit

Gumuhit sa kanyang mukha ang iritasyon. His nut brown eyes looked at me sharply, like he'll going to punish me for what I've said.

Tumaas ang kilay ko at nilabanan ang inis niyang tingin. Ano naiinis siya dahil sa sinabi ko? Totoo naman ah? Si Jopany ang dapat lapitan niya, dahil mabait at maganda. Gano'n lagi ang mga tipo niya! Disappointed na ba siya sa akin dahil sa pagtataray ko? Ano bang aasahan niya? Na mabait parin ako hanggang ngayon? Tsk.

"Ano? Inis ka na?" ngumisi ako at hinahamon pa siya.

He looked at me without any trace of emotion. "Dahan-dahan sa pinagsasabi mo, nang-iinsulto ka." malamig niyang sabi at nilagpasan ako.

Agad bumukas ang labi ko at nilingon siya, sinundan ng tingin. Diretso ang lakad patungo sa SPA. Saan siya pupunta?

Hindi ko naitago ang inis kong ngisi. Kita mo siya pa ang nainis, siya ang galit. Siya ang makulit pero siya ang napikon. Pero siya nga ba ang napikon? O ako? Napalunok ako at nag-walis ulit.

Inisip ko ang inis niyang titig sa akin. Nainis din ako sa titig na iyon lalo na sa sinabi niya at pinamukha sa akin na masama nga ako. At ang pagtalikod niya sa akin!

Dapat ako ang gumagawa no'n. Dapat ako ang tatalikod at iiwan siya pero siya ang umalis! Nakakairita dahil gano'n siya. Ang lakas niya paring maka-sakit.

Tahimik ako buong klase at nag-sasalita lang kapag kailangan kong sunagot. Mas madalas kasing tinatawag si Aeron dahil nga magaling siya sumagot sa mga tanong na ibabato sa kanya. Sanay na sanay siya dahil nga matalino at marami nang napag-aralan at nasalihan na mga competition.

Maikli lang siya sumagot pero ang mga punto ay nandoon na lahat. He answered so precisely. In formal way, direct to the point, at madali talagang maintindihan.

Hindi ako lumingon sa likod ko pero alam kong siya ang ituturo ni ma'am ba sasagot sa board para ma-solve ang math problem. Pero imbes na hayaan nalang na mangyari iyon ay itinaas ko ang kamay ko at bahagya pang tumayo. Pinakita ko na gustong gusto ko talagang sumagot.

Nakita ko ang pag-bukas ng labi ni ma'am at tinignan si Aeron na nasa likod ko. Favoritism talaga ang ibang guro! Kung sino ang nakikitaan ng talino ay sila nalang lagi ang nangunguna, ang pinipili. Pero matalino naman ako, matalino ako kaya pipiliin niya dapat ako.

"Okay, Shira ikaw ang sasagot sa problem 1." ngumiti ako agad at excited na pumunta sa board.

Kinuha ko ang chalk at mabilis na nag-start sa pag-solve. Pinatapos ako ni ma'am at confident pa ako sa sagot ko kaya nang matapos ako ay malaki parin ang ngiti ko. Tinignan ko si Aeron na malamig ang titig. Nginisian ko lang siya. Dapat makita niya na magaling ako sa pag-solve ng math problems. Hindi na kagaya ng dati na bobo talaga.

Chineck ni ma'am ang sagot ko at nagulat ako nang binura niya lahat ng sinulat ko. Teka? Bakit binura? Laglag ang panga ko at nilingon ako ni Nazarine na nasa unahan ko.

"Mali, bhe." aniya.

Mas nanlaki ang mata ko at saglit na natulala.

"Mali ang sagot ni Ms. Montoya. Anyone who can solve the problem?" tanong pa ni ma'am sa klase.

Tumaas ng kamay si Nazarine at siya nga ang napiling sumagot sa board.

"Sa problem 2, Aeron ikaw na ang sumagot." ani ni ma'am kaya mabilis kong nilingon ang lalakung tumatayo s akanyang upuan.

"Ikaw na naman?"bulong ko iyon at alam kong narinig niya dahil nga dumaan siya sa gilid ko.

Hindi niya ako pinansin, nag-diretso siya sa board. Kumuha ng chalk at nag-simulang sumagot. Magkatabi sila ni Nazarine.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now