Kabanata 15

12 1 0
                                    

Kabanata 15

Memories

Lumapit na ako sa counter at naka-nguso pa na parang bigong-bigo dahil sa nangyari. Hindi niya na kasi ako pinansin. Parang kinurot na naman ang puso ko at kahit hiyang-hiya sa ginagawa ko ngayon, desisyon ko pa rin naman ito. Desisyon kong bigyan ng kahihiyan ang sarili ko.

Natapos na ako sa pagbabayad at napalingon ako sa direksyon ng dalawa na nag-uusap pa rin sa puwesto nila kanina. I guess bigo akong uuwi sa bahay ngayon. Kahit na nag-sayang ako ng oras at pera dahil sa biglaan kong desisyon na ito wala namang patutunguhan dahil nasaktan lang naman ako sa nakita ko.

Lumabas na ako ng shop at diretso na ang lakad patungo sa terminal kung saan ako sasakay. Bitbit ko ang aking pinamili at naka-busangot lang ang mukha habang nag-lalakad pauwi. Ang akala ko ay didiretso na ang mga paa ko ngunit nang biglang may tumawag sa akin ay tumigil ako agad.

Mabilis na nakipagtalo ang utak ko sa gagawin ko. Lilingon ba dahil tinawag ako o 'wag dahil masasaktan ako sa makikita ko? Ano ba ang dapat gawin ngayon? Sundin ang gusto ng puso o iwasan ang makaka-sakit sa puso?

"Shira!" isa pang tawag galing sa likod ko.

I gulped and turned around.

"Teka, hintayin mo kami!" malakas niyang sabi habang sumesenyas.

Tatawid sila ng kalsada at nakita ko kung paano niya hawakan ang kamay ni Jopany bago tumawid. Alalay na alalay siya kay Jopany. Nagpapaka-gentleman masyado. Nang nakatawid na sila lumapit nga sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong niya sa akin

Tumingin ako kay Jopany na ngumungiti sa akin pero hindi ko kayang ngitian. Magpapaka-plastik ba ako?

"Oo, sige una na ako sa inyo." Agaran kong paalam.

Sure, naman akong ihahatid niya sa sakayan si Jopany. Gano'n siya ka-alaga, ka-gentleman kapag kay Jopany.

"Teka lang, sabay na tayo, Shira. Iisa lang naman ang sakayan natin e."

Bahagya lamang gumalaw ang labi ko at hindi na alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o hindi lang talaga ako makapag-desisyon ngayon? Biglaan na naman kasi. Bakit ako ang gusto niyang kasabay kung puwede naman sila nalang ni Jopany?

"'Wag na, kaya ko naman umuwi mag-isa. Hindi na ako bata para sabayan sa pag-uwi at kahit sa pag-tawid. Kaya ko mag-isa." Diretso kong sabi sa kanilang dalawa.

Saglit kong tinignan si Jopany at nakita ko lang na kay Aeron lang ang tingin niya. Na para bang si Aeron nalang lagi 'yong gusto niyang titigan. 'Yong mga titig niya hindi nag-tatago, hindi rin nag-sisinungaling purong katotohanan. Mababasa sa mga mata niya na gusto niya ang taong nakikita niya. Na gusto niya talaga si Aeron.

That realization hits me. I look at Aeron but all I do is to hide every admiration I had for him. I don't want him to know and still hope that I still loved him through those years. Kasi alam ko sa sarili ko hindi ko na kailangan pang balikan ang pag-ibig na iyon. Ayoko na rin namang mahalin pa siya kagaya ng dati. Ayokong maranasan lang namin ulit ang pag-mamahal na walang kasiguraduhan.

Hindi kagaya ni Jopany na kayang-kaya na ibalandra sa harap ni Aeron at sa iba kung gaano niya kagusto si Aeron. Hindi kagaya ko na tinatago itong tunay at matagal ko nang nararamdaman.

"Sabay na tayo, hatid lang muna natin si Jopay sa sakayan niya," aniya.

Umiling ako. "Hatid mo siya at ako—uuwi." Tinuro ko ang sarili ko at ang daan pauwi bago tumalikod.

Nakakahiya naman kung makiki-singit pa ako sa kanila. Mukhang nagde-date sila kaya dapat hindi ako maka-sira sa kanila. Dire-diretso ang lakad ko papuntang sakayan at hindi na nililingon ang dalawa kung sumusunod pa ba o hindi.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now