Kabanata 6

16 2 0
                                    

Kabanata 6

Inis

Mas inilapit ko ang mukha ko sa harapan ng salamin. Seryoso ako sa ginagawa ko rito. Sinusuri ko ang sarili at iniisip kung ano ba ang bago at ano nga ba ang kailangan pang ayusin?

Isinuklay ko ng marahan ang aking buhok na maayos nang naka-kulot. Hindi na ako laging naka-ponytail. Kung dati dry na dry ito ngayon sobrang lambot na at kumikinang pa sa sobrang healthy. Hinawakan ko rin ang mukha ko. Dati maraming tigyawat sa bandang baba at pisngi ko kahit sa noo ngayon wala na.

"Tamang ligo at sabon lang," ngumiti ako sa sinabi ko.

Pagkatapos ipamukha sa akin kung gaano ako kapangit at kabobo ay natuto akong alagaan ang sarili ko. Sinimulang ayusin ang kung ano mang dapat ay inaayos, sinimulang alagaan ang sarili at umpisahan na mas mahalin ang sarili higit pa sa pagmamahal na binibigay ko sa ibang tao.

Because I realized that how can I give love to others if I can't even give it to myself? Real love must come from myself.

I brush my curly hair using my fingers. I put some baby powder and a lipgloss. I must be pretty. Dapat hindi na ako mabully na pangit. Hindi narin ako patpatin dahil medyo nagkaroon na ako ng laman laman. And when I entered my teen age years, marami talagang nag-improve pa. Lalo na sa katawan ko.

"Ang sexy mo talaga!" bahagya pang pinisil ni Sophia ang tagiliran ko dahil sa gigil niya.

I smiled. "Thank you,"

"Nag-wowork out ka?" she asked.

Umiling ako. "Kain lang," ngumuso siya sa sagot ko.

Natawa ako dahil gustong gusto nila ang katawan ko. Sakto lang naman ang katawan ko. Sakto ang laki ng dibdib para sa dalagang kagaya ko, bakat ang hour glass kong katawan kapag nasusuot ko na ang blazer ng uniform na kulay maroon. Medyo fitted kasi sa akin ang blazer kaya talagang hurmado ang hugis ng katawan ko.

I looked at Aeron busy writing on his paper. Alam kong naririnig niya ang mga papuri sa akin. Mas ngumisi ako at nakipag-usap.

"Ganda mo na nga, maputi, matalino, tapos ang sexy mo pa! Sino ang hindi magkakagusto sa'yo?" asar nila sa akin.

Hindi naitago ang tuwa ko  sa mga papuri ng mga kaklase ko sa akin. Ganda ganda na sila sa akin ngayon. Parang pakiramdam ko tinitingala ako.

"May nanliligaw ba sa'yo?" tanong ni Charles.

Natigilan ako at nag-isip. "Meron naman," medyo nilakasan ko ang sagot ko.

"Puwede pa bang pumila?" natatawang sabi niya.

Tumawa lang ako at umiling. Muli ko lang sinilip si Aeron na natigil na sa ginagawa at nag-ligpit ng gamit. Narinig niya 'yon 'di ba?

Tumayo siya sa kanyang upuan at lalabas sana ngunit naka-salubong si Jopany kaya tumigil siya.

Nginitian nila ang isa't isa. Bago pa lumabas si Aeron ay may sinabi pa siya kay Jopany at dahil bulong iyon ay hindi ko narinig! Mabilis na bumusangot ang mukha ko sa nakita.

Ibinaling ko ulit sa mga kaklase ko ang atensyon ko. Pero naiinis na ako pagkatapos kong makita ang bulong na ginawa ni Aeron kay Jopany. Bakit bumulong pa siya? Ayaw niya bang iparinig sa iba ang sasabihin niya kay Jopany? May tinatago ba sila? Mga buwiset!

"Shira, ayusin niyo ang design ha." suggest ni ma'am sa akin.

Tinitignan niya ang ginagawa naming bulletin board kung saan nakalagay ang mga lessons sa bawat quarter. Tumango ako at ngumiti. Inisip ko na hindi pa ba sapat sa kanya ang mga design na ginawa ko? Gusto niya bang punuin ko na ang bulletin board ng purong design lang?

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now