Kabanata 28

1 0 0
                                    

Kabanata 28

"Good luck, guys!" sabay tapik ng mga kasama namin sa aming mga balikat dahil kami na ang next mag peperform.

Huminga ako ng malalim at inahanda ang sarili sa performance. Medyo kabado ako dahil kahit pang-huli na kaming mag-perform at medyo malalim na ang gabi ay marami paring tao.

Marami pa rin palang nanunuod sa amin. At nang tumunog na nga ang musika mas nag-handa ako dahil sasayaw na.

Binalewala ko ang mga nanunuod. Inenjoy ko ang sayaw at seryoso na sumusunod sa unahan ko. Kabisado ko ang bawat steps at kung kailan titigil para mag-exit at hayaan ang susunod na mga dancer sa pag-indak.

Kumuha kami ng mga props namin at nag-handa ulit. Isinagad ko na sa pag-indak para sulit ang lahat. Kahit hinihingal ay mas tinodo ko pa ang pag-sasayaw.

Ilang araw din ang practice namin para sa performance na ito kaya ito at mas gagalingan ko. Manalo o matalo ang mahalaga ay masaya akong nag-perform.

Para sa dagdag na grado ay gagawin ko. Bumuga ako ng hininga nang sabay sabay kaming yumuko sa harapan ng mga judges.

Napuno kami ng palakpakan at hiyawan kaya 'di na namin napigilan ang pag-talon talon namin sa saya.

"Huy ang ganda ng performance natin!" sigaw ni Luvelle na tuwang tuwa.

"Yehey! Tapos na!" si Leonard.

Nag-yakapan pa kami at may patalon talon pa ulit. Kahit basang basa sa pawis ay 'di na namin alintana 'yon.

Kailangan naman namin agad umuwi dahil may kanya kanyang mga sundo. Ang anunsyo sa nanalo sa mass demo ay pagkatapos pa ng intramurals namin, sa mismong awarding gaganapin.

"Congrats sa atin! Mauuna na ako ha, nandiyan na kasi sundo ko." paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Ingat ka, Shira!"

Kumaway nalang ako sa kanila at umalis na. Hinanap ko lang ang trycicle at sakto naman na nandoon ang pamilya ko.

Nanuod sila kaya tuwang tuwa rin ako. Alas nuwebe na ng gabi kaya dama ko na ang antok at pagod. Masakit na naman ang buo kong katawan.

Sa likod na ako ng trycicle sumakay. Nang unandar na ay nakikinig lang ako sa mga kritiko ng auntie ko sa mga nag-perform na napanuod niya. Ngumingiti nalang din kapag may pabiro siyang sinasabi.

Gusto ko nalang talaga magpahinga na. Dahil bukas maaga na naman ako dahil kailangan ko tumulong sa paghahatid ng mga pagkain sa players at para mag-cheer na rin.

Humihikab pa ako nang matulala ako sa mga malalaking kaldero na nasa harapan ko.

Ready na 'yong nga cups at kutsara. Ako nalang hindi ready dahil antok pa ako at medyo sumasakit ang katawan. Alas otso palang ng umaga at nandito na ako sa school.

Tumulong ako sa pag-luto ng sopas para sa pagkain ng mga players ngayon. Nag-hakot narin ng tubig na maiinom nila.

"Saan ba gaganapin laro ng volleyball?" tanong ni Luvelle sa akin at may sinusulat sa papel na hawak niya.

"Dito sa ground natin e," sagot ko sabay hikab na naman.

Nandito kami sa canteen naka-tambay at hinihintay ang mga utos sa amin.

"E 'yong badminton?"

"Sa Laguinbanwa na court gaganapin." sagot ko pa.

"Ang layo naman, doon ako naka-assign ngayon e." ngusong sabi ni Luvelle.

Ako naman naka-assign ako sa mga volleyball players. Doon ako mag-aassist na mamimigay ng mga pagkain.

"Gusto mo tayo dalawa na sa Laguinbanwa? Paalam ako kila ma'am para samahan ka muna." alok ko kay Luvelle.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now