Kabanata 8

11 2 0
                                    

Kabanata 8

Libre

I looked at him and I saw how his light aura turned serious as he watched me. His lips is on a thin line and his eyes followed every movements of my hands as I put all my things inside my bag.

"Sino ang pabida?" biglaang tanong ni Peter sa akin nang marinig ang nabulong ko kanina.

Ngumisi ako. "Hulaan mo eh," sagot ko.

Ngumisi din siya sa akin bago nag-tanong ulit. "May ka-away ka?"

Ngumuso lang ako at nag-kibit balikat at tinignan si Aeron na diretso ang tingin sa akin. Binabasa o hinuhulaan yata ang mga galaw ko.

Hindi ko siya pinansin. Kung matalino siya dapat alam niya kung sino ang pinaparinggan ko. Dapat alam niya na 'yon lalo na't siya naman talaga ang sinasabihan ko.

Pabida masyado. Gusto lagi ng atensyon. Damang-dama ko ang angas niya tuwing natatapos siya at uupo sa upuan kapag sumasagot. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa kanya ang atensyon ng lahat. Aliw na aliw sa kanya ang lahat at parang gusto nalang na sa kanya nakatingin.

"Guwapo na nga, matalino pa. Shit! Sino hindi magkakagusto?" tumili si Hazel.

Pinigilan ko na huwag umirap. Guwapo? Eh pangit naman ng kulay no'n. Maganda tignan sa lalaki kapag mestizo. Malinis tignan.

"Moreno," si Nazarine.

"Guwapo nga talaga kahit moreno. Pinoy na pinoy pero guwapo talaga."

"Bagay na bagay sa kanya ang kulay niya. Kahit moreno, makinis talaga."

Halos umirap na talaga ako sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Nandito kami sa loob ng classroom pero dahil wala si Aeron dahil nasa labas ay pinag-uusapan nila.

"'Di ba kaklase mo siya noon, Shira?" tanong nila sa akin.

Ayoko sana sumagot pero dahil tinanong ako, sumagot parin naman.

"Oo."

"Matalino talaga noon pa?" mas tinignan nila ako.

Tinignan ko silang limang babae na nakapalibot sa akin ngayon at titig na titig. Mas gustong malaman ang sagot ko sa mga tanong nila tungkol kay Aeron.

"Oo. Valedictorian namin. Pambato sa mga contest sa school." tapat kong sagot.

Tumango sila at mabilis na namangha.

"May naging girlfriend?" tumango ako agad.

Hindi ko naisip na ako pala ang naging girlfriend ni Aeron noon.

"Sino?" excited nilang pag-tatanong.

Bahagya akong ngumuso at walang balak na sumagot. Pagkatapos sa akin ay hindi ko naman narinig na nagkaroon siya ng ibang girlfriend. Hindi naman ako nakipag-hiwalay ng personal sa kanya pero hindi na ako nakipagkita o nagpaalam manlang. Nag-laho lang ako na parang bula dahil nga noon ay 'yon ang mas magandang desisyon na naisip ko. Ang layuan siya. Ang umalis nalang.

"Siya," halos mahulog ako sa inuupuan kong arm chair nang marining sa gilid ang boses niya.

Nanlaki ang mga mata naming lahat nang makita si Aeron na naka-ngiti sa tabi ko. My lips parted as I looked at him.

Ano'ng sabi niya?

"Sino, Aeron?" tanong ni Hazel.

I gulped. Nanatili parin ang tingin kay Aeron na agad tumingin sa akin. Tingin na nang-aasar at nang-hahamon. Parang sa tingin niya ay panalo siya sa sitwasyon na ito dahil may bala siya. Gano'n, ngumingiti pa siya!

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now