Kabanata 9

14 2 0
                                    

Kabanata 9

Boyfriend

"Oh ano tara na?" pagyaya ni Jomel sa akin.

Hindi ako nakasagot. Nag-isip pa ako ng isasagot sa kanya. Hindi ako makapag-desisyon kung sasama ba ako o hindi. Niyaya niya ako ulit ngayon na gumala sa plaza dahil no'ng niyaya niya ako ay tumanggi ako. Natatakot akong mapagalitan kapag nalaman na gumala ako imbes na umuwi ng maaga.

"Hindi ko kasi-"

"Sige na, tinanggihan mo na ako noong una. Ngayon ba hindi parin puwede? Maaga pa naman oh. Hindi ka gagabihin." pangungulit niya.

"Baka mapagalitan ako kapag nalaman na gumala ako."

Ngumuso siya. "Hindi ka mapapagalitan kung hindi nila alam na gumala ka."

Umiling ako at hindi ko talaga alam kung ano ang magiging desisyon pero nang hawakan niya ang kamay ko ay natigilan ako at nanatili ang tingin sa kamay niyang naka-hawak sa kamay ko.

Narinig ko ang bulungan ng mga barkada niya na sa may pintuan at pinapanuod kaming matapos sa pag-uusap. Kami nalang nandito sa classroom dahil naunang lumabas ang mga kaklase namin dahil nga uwian na. Maaga ang uwian ngayong hapon dahil may mga meeting ang mga teachers.

"Sige na, sasama naman sila Luvelle at Nazarine kahit si Leonard. Gumala ka naman, ngayon lang oh." pamimilit niya parin.

Humahaplos pa ang kamay niya sa kamay ko. Narinig ko ang asaran ng mga barkada niya sa labas. Nakaramdam ako ng hiya kaya nahila ko agad ang kamay ko na hawak niya.

"Galing talaga lumandi," narinig ko sa labas kaya napatingin ako sa kanila.

"Pst! Mga baliw, tumigil kayo diyan!" banta ni Jomel.

"Bilisan niyo na. Sayang ang oras oh!" itinaas ni Charles ang kamay niyang may relo.

"Sumama ka na, Shira. Idedate ka ni Jomel!" si Eron naman.

"Libre ko, ipapasyal lang kita sa plaza ngayon." si Jomel.

Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa gala ng mga kaklase ko? Hindi naman siguro ako isusumbong ng mga kaibigan ko. Atsaka kaya ko namang tapusin ang mga schoolworks ko mamaya.

Walang masamang gumala ngayon at mag-enjoy paminsan-minsan. Puro aral lang ako kaya chance ko na 'to para makapag-enjoy at makahinga. Maaga pa naman alas dos palang ng hapon.

"Sige, sasama ako. Basta ba dapat four thirty ay uuwi na ako." sabi ko kay Jomel.

"Oo, ihahatid kita sa sakayan." aniya.

Sa tuwa niya dahil napapayag ako ay agad niya akong inakbayan at sakto na pumasok bigla si Aeron. Natigilan siya nang makita niya kami ni Jomel na magkadikit ang katawan sa sobrang lapit.

Tumagal ang titig niya pero agad na dumiretso sa upuan niya kung saan ay malapit lang din kaming nakatayo ni Jomel. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at isinukbit sa kanyang balikat.

"Ano, Aeron. Sasama ka sa plaza?" tanong ni Jomel.

"Sarado pa ang gate. Ayaw magpalabas ang guard." tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin at si Jomel na ang kinausap.

Ang gagong ito. Masama parin ang tingin sa akin kahit wala akong ginagawang masama sa kanya.

"Paano pala tayo gagala kung sarado pa ang gate at hindi pa nagpapalabas ng estudyante dahil hindi pa alas singko?" tanong ko.

"Akong bahala, hihingi ako ng letter kay nanay." hinawakan niya ang taas ng ulo ko at hinaplos ang buhok ko.

Ngumingisi si Jomel at dahil sa ginawa niya sa akin ay nagmukha akong aso na hinahaplos niya. Saglit kong tinignan si Aeron na agad umiwas ng tingin.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now