Kabanata 23

4 0 0
                                    

Kabanata 23

Top

Natigilan ako nang marinig 'yon sa kanya. Kapwa kaming nagtitigan sa isa't isa.

Hindi rin siya kumibo pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ako naman ay parang hindi naintindihan ang sinabi niya kaya nakatulala pa ako sa kanya.

Muli akong uminom sa water bottle habang sa kanya pa rin ang tingin ko. Hindi pa kami umiimik pareho pero hindi naalis ang titig sa bawat isa.

"Ako baby mo?" natatawa kong tanong at tinakpan ang water bottle na hawak ko dahil naubos ko naman na ang tubig.

Hindi siya agad sumagot kaya nag-salita pa ako.

"Wala namang tayo ah, paano mo ako naging baby?" hindi naalis ang natatawa kong ekspresyon.

Na proseso na siguro sa utak niya ang sinabi niya sa akin kaya nahalata kong bigla siyang nahiya. Tumingin siya sa ibang direksyon sabay masahe sa kanyang batok.

"Aeron, kulang ka yata sa tubig. Inom ka muna baka mahimatay ka diyan." Biro ko sa kanya at tinawanan siya.

Kung ano-ano na naman ang naiisipan niyang sabihin sa akin. Ano na naman kaya ang trip niya? Tapos na ba siyang magpapansin kay Rhianna kaya ngayon ay ako naman?

"Atsaka balikan mo na si Rhianna baka namimiss ka na no'n. Ako ang malalagot kung makikita niya tayong magkasama." Simple akong ngumiti nang sabihin 'yon.

Kahit na hindi pa rin kami maayos ni Rhianna ay ayoko namang mas mag-away pa kami dahil kay Aeron. Tama na siguro ang pag-aaway at isip batang gulo noon. Ayoko nang patulan pa ang mga walang kuwentang bagay-bagay.

Matagal na akong maayos at medyo nakalimot. Sinubukan kong maging maayos at lumayo sa mga gano'ng klaseng gulo kaya ayoko nang bumalik pa. Ayoko nang makipag-kompentensya pa kay Rhianna.

Dahil kahit anong gawin ko hinding-hindi ako mananalo dahil hindi naman 'yan ang laban na gusto kong ipanalo. Hindi ako makakatanggap ng pera o medalya sa pag-ibig na 'yan.

"Magpahinga na muna tayo," alok niya at mabilis na pumunta sa isang bench.

Napauwang ang labi ko dahil parang gusto pa niyang manatili rito kaysa ang bumalik na dahil five minutes lang ang binigay na break time sa amin.

Wala akong nagawa kundi ang sundan siya dahil nakakahiya naman kung bigla ko siyang tatalikuran. Naupo ako sa tabi niya.

"Alam mo bang five minutes break lang tayo?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Oo," sagot naman niya.

"Kailangan na nating bumalik do'n.",

"Hindi na magprapractice 'yan. Uuwi na rin tayo dahil mag five-thirty na." tinignan ko tuloy ang relo ko at tama nga siya.

"Paano mo naman 'yan nasabi? Ikaw ba ang trainor para mag-desisyon?" ngumisi siya at tinignan ako saglit.

"Hula ko lang," kibit balikat niya.

"Akala ko ba hindi ka manghuhula?" ngumisi ako dahil inaasar ko na siya sa mga sinasabi ko.

"Shira," aniya na lang at natatawa.

"'Yon ang sabi mo sakin e,"

"Natandaan mo pa pala?"

"Oo, naman pano ko naman makakalimutan 'yon."

"Akala ko kasi kinakalimutan mo lahat ng bagay na tungkol o konektado sa akin." Humina ang boses niya at parang nalungkot.

"How I wish that would be easy," I bitterly laughed.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now