Kabanata 24

5 0 0
                                    

Kabanata 24

Edukasyon

"Congratulations," tinapik ni Luvelle ang balikat ko.

Hindi ako kumibo at mas nanahimik nalang ako sa puwesto ko.

"Shira, hindi mo na naman ba ako kakausapin?" mahina at nahihiyang pag-tatanong ni Luvelle sa akin.

Umupo kami sa malapit na bench at saktong kami lang dalawa ang mag-kasama ngayon. Mula kanina nang malaman ko ang top ten at hanggang sa matapos ang dalawang subject namin bago ang recess ay hindi na ako kumibo.

Kapag may nag-tatanong sa akin ay tipid ang sagot ko o 'di kaya ay tumatango nalang. Parang lahat ng energy ko sa katawan ay naubos na.

Saan ba ako nag-kulang? Bakit hindi ko talaga makuha 'yang top one na 'yan kahit anong sipag ko sa pag-aaral?

Nag-sunod sunuran ako sa lahat ng utos sa akin ng mga guro ko. Ultimo mga gawain nila bilang guro ay nagawa ko na dahil utos nila. Wala akong karapatan na mag-reklamo dahil guro ko sila.

Naging mabait akong estudyante, gumagalang at lumalahok sa ibang mga activities. Nag-pa-participate sa klase at mataas naman ang mga score sa quizzes at exam.

Pero kahit anong galing ko wala talaga. Hindi ko talaga makuha ang gusto ko. Napagod na ako lahat-lahat pero walang magandang sukli 'yon kundi kaba, takot at luha.

Napaka-walang kuwenta ko na ba? Bobo nga ba talaga ako? Hindi nga ba talaga ako magaling? Wala na nga ba akong mararating?

Hinarap ko si Luvelle na sa tabi ko pa rin at nanahimik lang.

"Bakit ka tahimik?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako. Ngumuso siya at nalulungkot ang mukha.

"Tahimik ka rin e. Kanina ka pa ganyan, Shira. Natatakot tuloy akong makipag-usap sa'yo." Pag-amin niya.

Natatakot na nga pala sila sa akin. Dati ako ang natatakot sa mga kaklase ko ngayon ay sila na ang natatakot sa akin.

"Bakit ka nanatili kung natatakot ka?"

"Kasi alam ko na kailangan mo ng kasama. Alam ko kasing nalulungkot ka sa results ng top ten." Bumuntonghininga ako sa sinabi niya.

"Alam kong sisisihin mo na naman ang sarili mo. Kaya kahit hindi mo ako pansinin at kahit layuan mo ang lahat mananatili ako. Kasi alam ko na kailangan mo ng taong mananatili kahit na hindi mo sabihin." Ngumiti siya sa akin, pinapakitang mananatili siya kahit mag-taray ako ngayon.

"Ayos lang sa akin na walang kasama," ani ko.

"'Yan ang sinasabi mo pero hindi 'yan ang gusto ng puso mo." Nilingon niya ako at mas lumapit pa sa akin, pinagtitigan niya ako sa mata.

"Nasanay kang walang gustong sumama sa kalungkutan na nararamdaman mo kaya iniisip mong hindi mo sila kailangan. But I'm already here for you. Kung hindi ka kayang samahan ng iba puwes ako sasamahan kita kahit sa pinaka-malungkot na bahagi ng mundo mo." She said that with sincerity in her voice.

"Go on, process your thoughts and feelings. You don't need to burst it out right away, you need time to digest it all and once your ready you can always share with me. I'm here to listen whatever it is." Paninigurado niya sa akin.

Hindi ko na napigilan pang huwag ngumiti. Dahil aminado akong napagaan niya ang loob ko. Humupa ng bahagya ang takot sa dibdib ko. Ang sarap palang malaman na may taong gustong manatili sa tabi mo. Masarap palang marinig na naiintindihan ka nila.

"Thank you, Luvelle." Pasasalamat ko.

"Natatakot akong umuwi ngayon," simula ko.

"Bakit naman?"

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now