Kabanata 10

25 2 0
                                    

Kabanata 10


Game


"Bagay ako sa'yo bilang boyfriend mo."

'Yon ang patuloy na umiikot sa utak ko habang nag-lalakad kami papuntang plaza. At kahit ngayong nandito na kami sa plaza ay 'yon parin ang iniisip ko.

I gulped and looked at Aeron. Wala na siya sa puwesto niya kanina kaya mabilis na nag-ikot ang mata ko para hanapin siya sa mga bench na katabi nang inuupuan niya kanina. Wala siya kaya kumunot ang noo ko at hinanap narin ang iba pa naming kaklase na kasama at baka nandoon siya.

Hanggang sa natigil ang tingin ko sa isang malaking puno kung saan ay nandoon siya. Nakatayo, nakatingin sa akin, at ngumingisi!

Nanlaki ang mata ko at mabilis na iniwas ang tingin sabay sipit ng buhok ko sa aking tenga at nag-panggap na tumitingin sa mga taong naglalakad.

Shit! Ano 'yon? Bakit nandoon siya? Bakit nakatingin siya sa akin? Gago, kinabahan ako! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Marahan kong kinagat ang labi ko. 'Yong mukha niya parang  sira ulo na nakatayo sa tabi ng puno tapos ngumingisi.

Bumilis ang pintig ng puso ko at alam kong dahil ito sa gulat. Idagdag pa ang patuloy na pag-ikot sa isip ko ng mga sinabi niya kanina.

"Huy! Lalim naman ng iniisip mo." agad tumabi si Leonard sa akin.

Tinignan ko siyang hawak lang ang cellphone niya at pinahiran ang pawis niya sa noo gamit ang kamay niya.

"Saan sila Nazarine at Ella?" tanong ko.

"Ayon oh, sa likod ni Aeron." nginuso ni Leonard ang kinaroroonan ng dalawa.

Mabilis namang sumunod ang tingin ko at halos murahin ko ang sarili ko dahil imbes na sila Nazarine ang tignan ko ay si Aeron ang nakita ko!

Si Aeron na preskong naka-sandal sa matayog na puno. Si Aeron na ngumingiti habang kinakausap si Jopany. Agad nawala ang gulat sa mukha ko at ang mabilis na pintig ng puso ko nang makita ko sila.

Napalitan ng lungkot ang nararamdaman ko. Mabilis na nanghina ang puso ko at pakiramdam ko napagod na sa mabilis na pag-tibok. Hindi ko inalis ang tingin sa dalawa na nag-uusap. Bakit sila tumatawa? Masaya ba ang usapan nila? Nag-bibiro ba si Jopany? Magaling bang mag-joke si Jopany kaya tumatawa siya?

Nanliit ang mata ko at agad na tumayo. Kumuyom pa ang kamay ko at hahakbang na sana nang hawakan naman ni Leonard ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Lalapitan ko sila Nazarine at Ella." mabilis kong sagot.

"Hindi mo hihintayin si Jomel? Bumili ng street foods 'yon para sa'yo." aniya.

Mabilis akong umiling. "Makikita niya naman ako agad eh. Lalapitan ko lang sila Nazarine, may sasabihin lang."

Wala narin namang nagawa si Leonard dahil mabilis na akong nag-lakad papunta kila Nazarine na nasa likod lang nila Aeron. Naka-upo ako sa bench dahil hinihintay si Jomel na maka-balik, bumili siya ng pagkain para sa amin. Nababagot na ako sa kakahintay sa kanya kaya lalapit na muna ako sa mga kaibigan ko habang wala pa siya. Hindi naman 'yon iiyak kung wala na ako sa bench. Makikita niya parin naman ako dahil nandito parin naman ako sa plaza.

Dire-diretso ang lakad ko at dahil ang direksyon ng daan ko ay diretso lang sa puwesto nila Aeron at Jopany, imbes na mag-hanap ng ibang daan para makalapit sa dalawa kong kaibigan mas pinili kong dumaan sa gitna nilang dalawa.

"Excuse me, padaan." ani ko at nagulat silang dalawa do'n.

Ngumisi ako at dumaan nga sa gitna nila kaya tumigil sila sa usapan at tawanan nilang dalawa. Buti nga sa inyo. Ang saya saya niyo naman mag-usap kaya mas mabuting umepal muna.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now