Kabanata 18

8 0 0
                                    

Kabanata 18

Natatakot

Umiigting ang panga ko dahil sa galit. Inis na inis na ako at naiingayan sa kanilang lahat na walang tigil sa kakapuri sa katalinuhan ni Aeron. Hindi pa ba sila natatapos?

"Grabe, halos iperfect mo lahat!" malakas na sigaw ng kaklase ko.

Pinamukha pa ulit sa akin kung gaano nga siya katalino.

"Grabe talaga 'tong si Aeron, ang talino. Apo ka ba ni Einstein?"

"Kung matalino ka, dapat 'yong magiging girl friend mo matalino rin. Sa tingin ko kasi mga tipo mo talaga ang mga matatalino."

I can't take it anymore. Tumayo ako sa upuan ko at medyo napalakas ang pag-tayo ko dahil muntik nang matumba ang bangko ko. Gumawa ito ng malakas na ingay kaya nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko.

Tikom ang bibig ko at may galit na mga mata na tinignan silang lahat. They won't stop praising him? Dahil lang na perfect niya ang exam sa science ay parang sasambahin na siya ng mga taong nandito? Ano siya, santo ng perfection? Buwisit!

I look mean but they deserve that look! Ang ingay nila, wala manlang pakiramdam sa ibang tao na nasa room. Masama na nga loob ko mas pinapasama pa nila ang pakiramdam ko. I walked out like a loser bitch in a movie.

Naupo ako sa bench na narito sa mini park. Buti nalang at wala masyadong mga estudyantenng naka-tambay ngayon dahil class hour. Biyernes na ngayon at tapos na ang checking ng mga exams namin. Siguro sa susunod na mga araw ay iaanounce na rin ang pasok sa top.

Napayuko ako at mas nasaktan dahil sa naisip. I mess up again. I look a loser now. Bakit gano'n? Bakit 'yong bagay na gusto natin hindi napapasa-atin kahit na pinaghihirapan naman natin 'to? Sabi nila bago mo makuha ang isang bagay kailangan mong pag-hirapan at ipakita at patunayan na karapat-dapat ka sa bagay na 'yon.

Pero ginawa ko naman lahat. Nag-aral ako, nag-dasal pero bakit parang kulang? Ginutom ko ang sarili ko dahil gusto ko mag-aral. Kulang ang tulog ko dahil nag-aral ako. Pinagod ko ang sarili ko dahil nag-aral ako. Lahat ng hirap at sakripisyo ko ay para lang sa pag-aaral ko, para maka-pasa at makuha ang score na gusto ko.

Pero bakit kahit anong gawin ko, pumapalpak lang ako? Bakit ganito? Bakit nakaka-disappoint! Nakaka-inis! Namuo ang luha ko sa mata dahil masyado nang nilalamon ako ng iniisip ko at bumibigat na ang nararamdaman ko. Gusto ko nalang umiyak ngayon.

A mixture of jealousy, rage, disappoinment, and fear. Fear is now owning me, and it scares me so much. I worry for what will happened to me. I'm scared now.

"Shira?" a manly voice were beside me.

Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko nang makita ko siya rito.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.

He stared at me, "Ayos ka lang ba?" tanong niya at patuloy na binabasa ang mata ko.

I smirked. "Do I look okay?" I mockingly laughed.

"What happened? Nairita ka ba sa ingay ng mga kaklase natin?" he asked.

Umupo siya sa harapan na upuan ko at ipinatong ang parehong braso sa lamesa. Mariin kong tinitigan ang bawat parte niya. Masama ang tingin ko sa kanya. I want to act like I am fine but I couldn't because I am not really fine!

His eyes were worried and showing sympathy. He's waiting for my answer or more likely his waiting for a confirmation if his thoughts were right or wrong. He must know why I'm mad or acting like this.

"Matalino ka 'di ba? Hulaan mo kung anong nangyari." Hamon ko sa kanya.

He didn't move. He didn't break our stares. Matatag siya, matapang na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Tikom ang bibig ko at gano'n din ang sa kanya.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now