Kabanata 2

49 1 0
                                    

Kabanata 2


Break up



"Bhe, anong nangyari?" tanong ni Luvelle pero hindi ko pinansin.

"Shira," tawag naman ni Nazarine.

Nakaramdam ako ng pagkairita sa dalawa kaya mabilis ko silang tinignan at matalim na tinitigan.

"Puwede ba tigilan niyo ako. Naiinis ako sa inyo," bigla kong sabi at tinalikuran sila.

Hindi ko na naisip ang mga nasabi ko pero nagpadala ako sa nararamdaman. Bahala na sila, kung magagalit sila sa akin ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay buhay ako, tuloy ang buhay ko kahit na iwan nila ako. Wala akong pakialam.

Pumasok ako sa room at umupo sa upuan ko. Nag-tama ang tingin namin ni Aeron na nasa likuran ko nakaupo. Bakit naman nandito ang isang 'to?

Umupo ako at agad nilingon ang katabi ko. Nakaupo si Myka sa upuan ni Luvelle kaya siya ang kinausap ko.

"Bakit nandiyan siya naka-upo?" tukoy ko kay Aeron.

Nilingon niya pa ang transferee namin. "Diyan siya pinaupo ni ma'am eh,"

"May bakante sa likod. Ayaw niya ba doon?"

"Ayaw mo ba siyang nandiyan? Ayaw mo no'n nasa likod lang ang guwapo nating-"

"Hindi ko siya gusto, hindi siya guwapo. Pangit pangit, negro." umirap ako at tumingin nalang sa harap.

Thirty minutes nalang ang natitira sa vacant time namin dahil sunod ay may klase na kami at may quiz pa. Sigurado akong bagsak itong transferee namin sa quiz dahil wala siyang review. Nag transfer ba naman biglaan? Nasisiraan yata ng bait.

"Hala, pogi kaya. Moreno lang pero pogi." ani pa ni Myka na inilingan ko.

"Pogi? Hindi ko makita ang salitang pogi sa kanya." umirap na naman ako sa hangin.

Ang pangit pangit niya kaya! Tumangkad lang siya ngayon kaya hanggang leeg niya ako, gano'n parin naman ang kulay niya. Moreno parin talaga, lagi sigurong nagpapa-araw kaya hindi pumuputi.

"Tignan mo kasi, Shira." natatawang sabi ni Myka sa akin.

Hindi ko ginawa dahil sigurado ako sa sinasabi ko. Hindi siya guwapo, dati oo. Pero ngayon? Tsk, ang pangit niya!

Dama ko ang galit o inis sa akin kaya buong klase akong naka-busangot at ang mas malala pa ay ang ibang nareview ko ay nawala sa utak ko. May nakalimutan ako at nahirapan sa pag-sagot sa quiz namin. Halos murahin ko ang sarili nang maka-kuha ng apat na mali sa quiz.

Nakita ko ang score ni Luvelle at mas mataas iyon sa akin. Mas nag-init ang ulo ko. Mas nakaramdam ako ng paninisi at inis, mas nainggit. Matalino ako kaysa sa kanya, nasa top ako at siya ay hindi manlang nakapasok sa top! Pero mas mataas ang score niya kaysa sa akin! Nakakainis iyon!

"Bhe, canteen tayo?" malumanay niyang tanong na siyang tinarayan ko.

Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako at ayokong mamansin. Nag review ako ng umaga pero mababa parin ang score ko! Hindi ako ang highest! Hindi ko iyon matanggap. Hindi puwedeng bobo parin ako hanggang ngayon. Hindi na puwede.

Ngayong grade ten ay sinisigurado kong magiging top one na ako. Dapat hindi na ako third o kahit pang lima sa top. Gagalingan ko pa, babawi ako sa sunod.

Kumuyom ang kamay ko at tulala lang sa upuan ko. Kinikimkim ang galit.

"Shira?" napalingon ako kay Leonard.

"Oh?" namamaos kong tanong.

"Kumain kana bhe? Tara, canteen?" simpleng tanong niya.

Simple lang ang tanong niya ngunit nakaramdam ako na para bang may marahan na humaplos sa puso ko. Hindi ko alam pero sa tuwing lumalapit siya sa akin ay natutuwa ako. Nakakalimutan ko agad ang bigat sa paligid ko, ang bigat na nararamdaman ko. Siguro dahil iyon sa aura niya o sa energy niya? Na kapag talaga makita mo palang siya mararamdaman mo na ang kalmado at nasa safe kang lugar.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now