Kabanata 17

5 0 0
                                    

Kabanata 17

Rage

I bit my lip when I realized what I just said. Sumakay ako ng trycicle na kagat kagat ang labi at umuwi ng bahay na ngumingiti na para bang nawalan na ng bait sa sarili.

"Kinikilig 'yan halata,"

"May nilandi na naman siguro sa school."

"Baka na-basted ng crush?"

"Pustahan, iiyak din 'yan mamaya."

Agad nabaling ang tingin ko sa dalawa kong kapatid na nag-bubulungan na para bang 'di ko sila naririnig.

"Huy! Pinagsasabi niyo d'yan?!" tinuro ko silang dalawa.

Agad humagikhik nang makita ang reaksyon ko.

"Sabi sa'yo hindi 'yan crinushback." Pang-aasar nila.

Bumasangot ang mukha ko. "Anong hindi crinushback pinagsasabi niyo d'yan?"

"Wala kayong magawa sa buhay e." inirapan ko sila pareho.

Halata naman kasing inaasar lang ako kasi nahuli akong naka-ngiti na para bang may magandang nangyari sa buhay ko ngayon. Pero totoo naman, may maganda ngang nangyari sa buhay ko ngayon. Ikaw ba naman sabihan ng maganda ng taong medyo gusto mo.

Tama, medyo lang. Hindi ko naman siya super gusto. Sakto lang, medyo gusto ko lang siya. Ngumisi ako ulit nang maalala ang kaganapan sa school kanina at kung paano siya nag-paalam sa akin bago umuwi.

"Sus, lumalandi ka nuh?" ani pa ng kapatid ko.

Umirap ako at tinignan siya, "Excuse me, ako lumandi? E study first ako." Ani ko.

"May nagpapakilig?" tanong naman ni Diana.

Inipit ko ang labi ko. "Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin do'n?" mahinhin kong sabi at umiwas ng tingin.

Agad silang dalawa nag-ingay at inasar ako. Nag-tanong pa kung sino ang dahilan ng mga ngiti ko pero hindi ko sinabi.

"Wala, na-perfect ko lang quiz ko kanina." Sabi ko nalang bago sila iniwan sa sala.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at agad na inayos ang gamit at nag-palit ng damit. Habang ginagawa ko ang mga bagay na kailangan kong gawin ay ang utak ko naman ay abala sa kaka-isip sa mga senaryo kanina.

Sa weekends ay puro review ang ginawa ko para sa exam. Inuna ko ang mga subject na mauunang magbibigay ng exam sa amin. Wala na akong sinayang na oras pa dahil ang gusto ko ay ang ma-perfect ang mga exam ko. Kung hindi ma-perfect ay at least isa ako sa highest sa klase.

'Yon ang plano ko. Gusto kong mag-top sa klase ngayon. Kung noong grade 9 ay nalaglag ako sa top two ngayon ay gusto ko itong bawiin.

I have this feeling that I might be the top one this quarter. Gusto ako halos lahat ng teacher sa bawat subjects. Ma-effort ako sa mga projects at activities namin, lagi rin akong leader sa bawat groupings. Atsaka matataas ang mga score ko sa quizzes.

Kaya pakiramdam ko ako ang mangunguna sa klase ngayon. That would be great, I know they'll be proud of me. Magiging masaya sila, and by that they will notice me especially my efforts. I won't be a shadow anymore that they can ignore.

Humahangos akong pumila sa flag ceremony. Muntik pa kasi akong hindi maka-flag, kapag hindi naka-flag may penalty. Ayoko na may bayarin ako sa school, baka ma-disappoint pa sila sa akin dahil may mga penalties ako dahil lang late. They won't be proud of it, I know.

Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko at napadpad ang mata sa linya ng mga lalaki ng klase namin. I saw Jomel in the front, standing straight and manly.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now