Kabanata 22

7 0 0
                                    

Kabanata 22

Tubig

"Ang sweet naman nila, may something ba sa kanilang dalawa?" rinig ko sa mga kaklase kong nakasabayan kong lumabas ng room.

"Ang pagkakaalam ko ex 'yan ni Shira?" nang marinig ko ang pangalan ko ay sakto namang lumingon ang isa sa kanila sa likod kaya nakita nila akong nakatingin sa kanila.

Bumakas ang gulat sa mga mukha nila at hindi na maipinta. Bigla pa silang nataranta dahil narinig ko ang usapan nila, peke pa silang ngumiti sa akin.

"Shira, nandyan ka pala." Aniya.

Ngumiti rin ako, "Oo, rinig ko ngang pinag-uusapan niyo ako." Diretso kong sabi bago ko sila nilagpasan.

Pero bago pa man ako makalayo ay may dinagdag pa ako sa sinabi ko.

"Sa sunod make sure niyong wala sa paligid 'yong pinag-uusapan niyo para hindi kayo mahuli o marinig." Payo ko sa kanila.

Ano ba 'yan pag-uusapan na nga lang ang ibang tao tapos magpapahuli pa. Dapat hindi gano'n, kung pag-uusapan niyo 'yong ibang tao siguruduhin niyong wala sa paligid para sulit 'yong pag-uusap niyo.

"Oh, bakit naka-busangot 'yang mukha mo?" salubong sa akin ni Myka.

"Paano hindi bubusangot kung narinig mong pinag-uusapan ka?" umirap ako bago umupo sa bench.

"Sino naman 'yang chismosa na nakita mo?" si Luvelle.

"Sino pa edi 'yong sikat mam-back stabber sa classroom natin," makahulugan kong sagot.

Their lips made a straight line and they all exchange stares. Bumuntonghininga ako at pinakalma nalang ang sarili daahil nainis ako na pinag-uusapan pala ako.

Buti nga at 'yon palang ang narinig ko dahil sigurado ako may susunod pa silang sasabihin e. Purihin nalang nila sila Aeron at Rhianna, doon nalang sila mag-focus 'wag na sana nila akong idamay pa.

May narinig akong hiyawan kaya lahat kami ay napalingon sa direksyon na 'yon.

"Ayan na mukhang shiniship na sila sa isa't isa," rinig ko kay Leonard.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa grupo nila Bianca na malalakas ang hiyawan at nag-aasaran pa. Nakita ko si Rhianna at Aeron na magkatabi sa upuan at may hawak na baso si Aeron na may lamang siomai. Tila sinusubuan niya si Rhianna nang siomai niya. Kaya siguro nag-hihiyawan dahil sa kanilang dalawa.

"Kinikilig si ate mo," rinig ko kay Myka.

I almost laughed when I saw Rhianna's reaction. Bahagya siyang naka-yuko at may maliliit na ngiti sa labi. Kagaya ng dati ay mahinhin niyang sinipit ang iilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

Itinipat niya sa labi niya ang palad niya at mahinhing tumawa sa harapan ni Aeron at sa harapan ng lahat. Ganyan pa rin siya? Nagpapanggap parin siyang mahinhin sa harap ng tao?

I smirked and shook my head. She's still that copy cat I know. Sa tingin ko iniisip niyang bumabagay sa kanya 'yong pagiging mahinhin at nakukuha niya lahat ang simpatya at atensyon ng lahat ng tao lalong lalo na ang atensyon ni Aeron Salgado.

It is really obvious that she's just trying hard to be like that. Wala naman kasi sanang masama kung maging mahinhin siya pero ang masama doon ay ang mag-panggap siya. Ang yakapin niya sa sarili niya ang pagkataong hindi naman siya.

Pero sabagay wala akong pakialam sa kanya. Gawin niya kung ano ang gusto niya, gayahin niya kung sino ang gusto niyang gayahin. Buhay niya 'yan at wala akong ambag diyan.

Patuloy ang asaran nila kay Aeron at Rhianna at doon yata ako mas nainis pa. Tumayo na ako sa upuan ko at lalayo nalang dahil ayokong naririnig ang hiyawan at asaran nila. Masakit pala...masakit pala sa tenga.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now