Kabanata 3

28 3 0
                                    

Kabanata 3


Mabait


Sobra sobra ang mabibilis na tibok ng puso ko. Na para bang tumakbo ako sa isang marathon. Nakipag-karera para lang manalo.

Mapait akong ngumiti at inilagay ang bag ko sa kama. Umupo ako at diretso lang ang tingin sa sahig ng kuwarto ko. Ang akala ko noon nanalo na ako, inakala ko nga na ako na ang pinaka-suwerte na babae sa mundo.

Akala ko habang buhay na iyong saya na naramadaman ko. Ang saya saya ko dahil sa wakas napansin niya ako. Sa wakas tumingin na siya sa akin. Na sa wakas ang lalaking gustong-gusto ko ay gusto narin ako. Gusto niya ako kaya naging kami kahit na bata pa kami noon.

"Ano ba 'yong kailangan kong gawin?" mahina ko pang pagtatanong sa kanya.

Kagrupo ko siya sa isang activity at hindi ko alam kung ano ang puwede kong maitulong. Lalo na't mahina talaga ako sa halos lahat, hindi ko alam ang gagawin ko idagdag pa na nandito siya. Na-didistract pa ako sa mga titig niya ngayon. Kung puwede ko lang sana ito balewalain ay babalewalain ko na. Pero hindi eh, ang hirap balewalain ng titig niya.

"Crushback mo lang ako, okay na."

Tila nabingi ako sa sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko hanggang sa kumalabog na naman ang puso ko. Napalunok  at humigpit ang hawak sa aking palda, nasa gilid ko lang siya at ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

Teka, tama ba ang narinig ko? Icrushback ko daw siya? Teka! Baka guni guni ko ito. Mabilis akong umiling at sinulyapan siya.

Pero mukhang maling desisyon iyon dahil nag-tama lang ang tingin naming dalawa. Seryoso ang paninitig niya, tuwid pang nakatayo sa gilid ko. Kami lang ang narito sa classroom dahil uwian naman na. Saktong nakipag-usap lang ako sa kanya para lang mag-tanong sa puwede kong maiambag sa activity namin.

"Ahmm...ako nalang siguro ang bibili ng manila paper," suhestyon ko nalang.

Hindi maitatago ang kaba sa akin at baka nga alam niya o ramdam niyang naiilang na ako. Napalunok ako ulit at mas lalong hindi gumalaw sa puwesto ko. Naguguluhan na ako sa mga titig niya at kahit sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko na nga lang ay ako ang may mali dito, ako ang nag-aassume.

"Sino ba ang crush mo?" tanong niya.

"Huh?" mabilis akong napalingon sa kanya at dahil sa nagawa ko ay napaatras pa ako bahagya.

Napahawak ang kamay ko sa bangko na nasa gilid ko, para lang masuportahan ang pagtayo ko. Dama ko agad ang panghihina ng tuhod ko. Ngayon ay hindi ko na maiwas ang titig ko sa kanya. Kapwa na kaming nagtitigan dalawa.

"Si Rizzy ba? Joshua? Si Miko? Jared? Sino ang crush mo?" mga tanong niya.

Napauwang ang labi ko at hindi siya maintindihan kung bakit 'yan ang mga tinatanong niya sa akin. Anong meron at gusto niyang malaman ang lalaking nagugustuhan ko?

Anong meron sa ultimate crush ko ngayong elementary at ganyan ang mga tanong niya? Sigurado naman ako kahit na ibang tao ang nasa posisyon ko at kaharap at kausap pa ang nagugustuhan ay siguradong mararamdaman niya rin itong matinding tensyon sa damdamin at sa katawan ko. Shit!

"Wa...wala naman, masyado pa akong bata para sa mga ganyan." palusot ko.

"So, wala kang crush?" usisa niya parin.

Umiling ako agad at yumuko para lang maiwasan ang tinginan naming dalawa.

"Pero puwede namang magka-gusto sa'yo 'di ba?" simpleng tanong niya sa akin.

Admiring you from AfarWhere stories live. Discover now