Stell's POV:
habang pababa ng condo, binulsa ko na yung flash drive and airpods. At nag madaling lumabas ng building. Time is ticking nag mamadali ako, although matagal pa naman sasalang si pablo for his finale performance pero mas gusto kong makarating ng mas maaga para hindi na uminit ulo nung tao.
Sakto pag labas ko nag hihintay na yung Angkas rider kaya binulsa ko nadin yung phone at umangkas na kay kuya.
Nandito na ako sa venue, sakto. Nag madali na akong magbayad kay kuyang Angkas. Kinuha ko yung bayad sa bulsa ko. At nag bigay nadin ng tip for safe trip.
"Thank you so much kuya, ingat po sa byahe." nakangiti kong sabi bago mag paalam. Nakita ko namang ngimiti din ito.
Nag mamadali akong umakyat sa kwarto ng alaga ko. Napatingin pa ako sa oras sa phone ko, may time pa.
"Shit!" hindi ko sinasadyang mapa mura kasi nalowbat bigla ang phone ko. Pinag sawalang bahala ko nalang ito at dunaretsyo na sa loob.
"Ang bilis mo ah." Sabi sakin ni kuya yani na naka ngiti pang sabi nito.
Iniabot ko ang Airpods at susi kay kuya yani..
Pero..
Pero...
"Bakit anong problema?" tanong ni kuya yani sakin ng mapansin hindi ako mapakali sa pag hagilap ng flashdrive sa bulsa ko.
Nandito lang yun, alam ko nilagay ko sa bulsa ko yung flash drive bago ako sumakay ng motor.
Pero bakit wala..
"Stell? May problema ba?" tanong ulit ni kuya yani, hindi ako makasagot parang bigla nalang nanigas buong katawan ko. Hindi ko alam pano sasabihing nawawala yung flash drive na pinakuha sakin.
Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng dahan dahan lumapit sakin si Pablo.
"Anong problema? Asan yung Flash drive?"
para akong bato dito na di makapag salita.
"Yan kasi kuya yani, bakit kasi inutusan mo pa yang P.A na yan!"
halos nabibingi na ako, dahil pinipigilan kong umiyak sa sitwasyon na ito
"Kung nag tratrabaho sana ng mabuti yan odi sana wala tayong problema! Bakit pa kasi yan pinakuha mo!"
kalma stell, ikaw may mali..
"Palibasa mas inuna pa manglalaki kaysa mag focus sa trabaho. Baka yung pamangkin ni manay yung iniisip kaya hindi alam kung saan nilagay yung Flash drive na pinapakuha ko."
gusto ko lang naman makatulong pero bakit parang ako yung masama..
"Ano ng gagawin ko!!!"
"Ano mag salita ka!!"
"So-so.. ryy~" nang hihina kong sabi, habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.
"Bakit may magagawa ba yang sorry mo?!! Sa tingin mo sa pag sosorry mo magkakaroon ako ng instrumental ngayon sa performance???"
"I'm sorry.." wala na akong ibang masabi kundi mag sorry sa katangahan ko ngayon. Kung senecure ko sana ng mabuti sana hindi siya nagagalit sakin.
"Ano ba Pablo! Pwede bang kumalma ka! Hindi naman masusulusyonan ng galit mo tong problema!"
"Kalma?? Pano ako kakalma?? Anong gagamitin kong instrumental mamaya? Kung marunong ka sanang kumuha ng P.A na matalino odi sana walang problema diba? Palibasa mga bobo mga nakukuha mo!"
I can see my fist turning black because of the force. I want to cry but i can't ayokong makita niyang mahina ako.
"Alam mo bang hindi lang yung instrumental ang laman ng flash drive na yun?? Sa tingin mo mapapatawad kita sa katangahan mo?!"
"Kuya yani, balik po ako hahanapin ko lang po. Sorry sir Pablo, promise po hindi ako babalik hanggang sa mahanap ko."
hindi ko na hinintay mag salita sila, dahil tumalikod na ako para lumabas ng room. Sa pag labas hindi ko na napigilan umiyak. Sobrang sakit ng mga salitang narinig ko. Nakakababa~ Deserve ko ba talaga tong trabahong ito?
Bawat sulok ng mga daan na dinaanan ko chineck ko baka sakaling nahulog lang, pero i failed wala..
Lumabas ako ng building to check, pero wala padin..
Tinignan ko din kung saan ako binaba ni kuya angkas rider pero wala din..
Alam kong nonesense din tong ginagawa ko, nag lalakad ako sa side ng highway kung saan kami dumaan kanina pero wala padin..
Saan ko hahanapin yun..
Nasisiraan na ako ng ulo..
Sa sobrang pagod, hindi ko na napigilang mapa upo sa sahig halos isang oras na akong nag lalakad umaasa na makita ulit yung flash drive. Kaso wala...
"Nasan kana ba? Please..." hindi ko na naligilang humagulgol dito. Wala na nga akong pakealam sa mga taong dumadaan at nakatingin sakin. Ngayon lang nag sink in sakin lahat ng masasakit na salitang sinabi ng boss ko, kasama nadin ang pagod ko sa kanina pang pag hahanap.
*Starts raining..
Pati ang ulan nakikisabay sa pag iyak ko...
Ganun ba ako ka bobong tao?
Kaya siguro iniwan ako ng mga magulang ko..
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
Fiksi PenggemarIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?