PART 110 🎭

171 5 0
                                    


Pablo's POV

"Teal, mag extend pa kaya tayo ng 1 week?" Malungkot na sabi ko.

To be honest hindi talaga sapat ang 1 week, kapag kasama ko kasi si Stell parang pakiramdam ko sobrang bilis ng oras. Oo alam ko namang lagi kaming magkasama sa trabaho, pati nadin sa condo. Pero iba kasi yung quality time together, kumbaga kaming dalawa lang walang halong trabaho o kaya hindi namin kailangan itago kung ano yung meron saming dalawa.

Kaya nga sa totoo lang nalulungkot talaga ako, bukas na kasi ng gabi ang flight namin pabalik, at for sure makukulong nanaman ako sa trabaho.

"Blue! Baliw ka ba, pinayagan ka na nga ni kuya Yani na mag bakasyon gusto mo pang iextend? Saka paano nalang kapag hinanap niya ako, ano iyon, kailangan ko pang umuwi ng pinas para mag pakita?

"Hmm.. pwede mo naman patayin phone mo para hindi ka niya ma contact." Sabi ko habang laro laro ang buhok nito.

"Blue naman, nag sinungaling na nga tayo eh."

"Bakit kasi ang bilis ng araw, back to work nanaman, nakakapagod na." Bumuntong hininga pa ito.

"Bakit ka na nga ba ulit nag tratrabaho?" Malambing na tanong nito, bago harapin si Pablo.

"Para sa future nating dalawa."

"See, kaya hindi tayo pwedeng tamadin. Kasi nakasalalay future nating dalawa."

Hay nako, yang mga ngiti mo talaga Stell! Pwede bang itakas nalang kita?

"Eh madami naman na akong ipon, pwede na kitang itanan." Proud na sabi nito.

"Baliw ka talaga, alam mo namang mabilis maubos ang pera. Tignan mo na ngalang nagastos mo ngayon ang laki laki na, tapos ayaw mo pa akong pag bayarin kahit pang kain lang." Sabay palo ng mahina sa kasintahan.

"Ako lalaki dito, kaya sagot kita."

"Lalaki din naman ako ah." Natatawang sabi ni Stell.

"Kahit na, sa eyes ko prinsesa ka." Mas lalo tuloy natawa si Stell sa sinabi ni Pablo.

"Haha! Waw disney princess lang ang peg."

"Sempre naman, tapos ako yung prince charming mo." Nilaro pa nito ang mga kilay, sabay yakap ng mahigpit kay Stell.

"Sus! Osige na bitaw na. Iba na yang mga yakap mo eh, kinakabahan ako."

"Hmmm.. Teal I want to do it." Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito at binulungan.

Hehe baka lang maging effective.

"Luh, do what?" Inosenteng tanong ni Stell.

Luh! Itong si Stell talaga, hindi ko alam kung chinacharot lang ako na hindi alam. Eh obvious naman kung ano ba yung hiling ko sa kanya.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon