PART 62 🎭

203 8 2
                                    



Pablo's POV:

"Mag suot ka ng sumbrero, tapos mask para hindi ka nila makilala okay?" Sabi sakin ni Stell pagka hinto ng sasakyan.

"Okay, don't worry."

"Huwag mo ako ma don't worry don't worry jan. Nakalimutan kong sikat ka pala, pano nalang kapag may lumabas na mga articles about you."

Odi aamin akong tayo na.

"Wala yan trust me."

"Sa bahay nalang kaya tayo kumain? Order nalang ako. Tapos hintayin mo nalang ako dito sa sasakyan?"

Ano ba yan, parang hindi rin tayo nag date.

"Hindi, promise lowkey lang ako sa loob."

"Hays~ Lagot talaga ako kay kuya yani"

"Akong bahala sayo, hindi ka naman papagalitan nun. Sasabihin ko nalang ako nag aya"

"Baka kasi dumugin ka."

"Odi ngingitian ko nalang sila, tapos makikiusap na wala munang pictures."

"Fine." Napabuntong hininga pa ito.

Lumabas na kaming dalawa ni Stell, ewan ko kung bakit nag suot din ito ng mask at sumbrero. Siguro kasi masyado ding kabado sa pag takas namin ngayon.

Pero never gonna lie ang cute niya kapag kinakabahan.

Para kaming nag dadate na tutol ang parents both sides.

Para kaming nag dadate na tutol ang parents both sides

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*Restaurant

"Teka bakit walang tao dito?" Pagtatakang tanong ni Stell, kaming dalawa lang kasi nandito.

Well...

Ako kasi pinapili niya kung saan kami kakain. Kaya hindi niya alam pina reserved ko na tong restaurant para masolo naming dalawa.

Vip kasi ako dito, mostly pag gusto kong mapag isa at makakain ng maayos nag papareserve talaga ako. And close ko yung may ari kaya he don't mind.

"I don't know.. Baka kasi weekdays." I smiled.

Stell, I want to enjoy our little date, kaya as much as possible gusto kong walang istorbo sating dalawa.

"Oww nice, pwede tayong mag tanggal ng mask. Tapos makakakain tayo ng maayos." Stell said happily.

Yes yan talaga plano ko, ayokong maging balisa ka at hindi makakain ng maayos dahil sa kaba mo.

Pero parang nag sisisi akong pinareserved ko to, cute mo kasi kapag kinakabahan ka.

[Time Skip]

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon