Meron akong guesting ngayon sa isang morning Show, tinanggap ko na since hindi naman masyadong busy schedule ko.
Nauna na ako para makapasok sa dressing room, si Stell naman bumaba saglit, hindi kasi kami nakabili ng Kape on the way, hinahabol namin yung call time. Mahirap na baka ma stuck pa kami sa traffic.
Habang papasok ako sa dressing room may napansin akong lalaking nakatalikod na naghihintay sa gilid ng pinto, hindi ko na pinansin to. Kaya pumasok na ako ng tuluyan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Stell's POV:
Nag mamadali na akong umakyat para maiabot tong Kape kay Pablo. Alam kong di mag fufunction yun ng maayos kapag walang kape sa katawan.
Papasok na sana ako sa dressing room ng may tumawag sakin.
"Stell!"
"Zy?" Gulat kong sabi, ilang buwan naba nung last na nag kita kami ng taong to.
Hindi ko na kasi masyadong ineentertain, busy din kasi talaga ako sa trabaho. Kung hindi lang ako nahihiya kay manay, baka dinedma ko nalang ito.
"Hi, kamusta kana?"
"Ayos lang, bakit ka pala nandito?"
"Ah, ininvite kasi ako dito for project, tapos nabalitaan kong nandito si Pablo kaya alam kong nandito ka din."
"Ah ganun ba?"
"Oo hindi ka na kasi nag paparamdam, nilalayuan mo ba ako?" Pagtatampong tanong nito.
"Uy hindi naman nabusy lang."
Well hindi naman talaga ako nag sinungaling, totoo din naman talaga, kasi simula nung gabi gabi na kaming nag prapractice ni Pablo wala nadin talaga akong oras.
Hindi naman kasi Porke't memories mo na yung lyrics at alam mo na yung tono ng kanta. Ganun nalang kadali yun, knowing pablo na very perfectionist . Ay beh~ kaya siguro walang may gustong makipag collab sa kanya.
Daig pa professor mong 20years nag tuturo sa skwelahan. Gusko!
"Ganun ba? Akala ko galit ka sakin."
"Hindi ah, bakit naman ako magagalit sayo."
Pablo's POV:
Bakit ba ang tagal ni Stell? Kanina pa ako nandito mga 20mins na ata siyang on the way, pero wala pa naman.
"Baka naligaw" Bulong ko sa sarili, kaya tumayo ako para makalabas ng dressing room.
Pag bukas ko ng pinto, nakita ko yung lalaking nakatalikod kanina at si Stell na nag uusap.