PART 19 🎭

250 10 9
                                        


Stell's POV:

Ang aga kong nagising, 6:30am palang sa totoo lang pwede naman akong matulog pa since walang trabaho today, pero kumakalam na ang sikmura ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi, kaya pinili ko nalang tumayo para mag prepare ng breakfast ko.

Nag punta muna ako ng banyo para umihi at mag hilamos, bago tuluyang pumunta sa kusina.

Binuksan ko ang Ref. Nakita ko yung Tupperware ng sinigang na tira ko kagabi. Napabuntong hininga ako dahil bigla ko nanaman naalala lahat ng nangyari kagabi.

Tila ba nawalan ako ng gana kumain ng sinigang dahil sa nangyati kagabi, kaya kumuha nalang ako ng itlog dito.

"Fried egg saka cornbeef nalang lulutuin ko, saka sinangag tutal madami pang natirang kanin kagabi." inayos ko na lahat ng kakailanganin para ready na pag nag luto ako. Nang maayos ko na lahat nag patugtog muna ako sa speaker ng "Jazz instrumental" sa spotify para maging maganda ang mood ko.

Nag simula na akong mag luto, sobrang nakatulong talaga ang music na pinili ko medyo okay na nga ako. Dahil na papasayaw pa ako sa indak nito.

"No negativity for today, wala akong trabaho so hindi ko siya makikita." naka smile ko pang sabi habang napapa sway sway pa ang bewang ko sa tugtog.

"After kong kumain, mag se self study ako, para ready na mamaya sa one on one with prof." nag email kasi ako kagabi para umattend ng class ko, buti nalang may available na time para mamayang hapon. Mag lilinis muna ako ng bahay bago mag aral, para fresh ang enviroment at less stress pag nagsimula na ang online class ko.

 Mag lilinis muna ako ng bahay bago mag aral, para fresh ang enviroment at less stress pag nagsimula na ang online class ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hmmm~ Sarap talaga ng mainit na sanggag sa umaga, tapos may mainit na kape." hindi ko mapigilang mapacomment sa sarili kong luto, dahil perfect combination talaga to.

Habang kumakain nag babasa lang ako ng lesson para mamaya, mas magandang nakapag study na ahead of time. Para later if may question prof. ko masasagot ko agad, and ofcourse i nonote ko na yung mga bagay na di ko na gets while self studying para atleast maiintindihan ko ito.

*Phone vibrates

"Alas syete palang ng umaga sino tong nag message sakin?" kinuha ko ang phone, para basahin ang nag notify na message dito.

"Alas syete palang ng umaga sino tong nag message sakin?" kinuha ko ang phone, para basahin ang nag notify na message dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon