⚠️Trigger Warning:
This story contains depictions of physical abuse that may be distressing for some readers.Pablo's POV
"Kuya, yung bola."
"Huwag ka mag alala, kukuhanin ni kuya." Nakangiting sabi ng nakakatanda.
"Thank you kuya, I love you po." Niyakap pa ito ng nakakabata. Napangiti naman ang nakakatandang lalaki.
"Nag lalambing ang baby paupau ah. Alam mo namang mahal na mahal ka din ni kuya diba?" Malabing na sabi nito, bago kurutin ang magkabilang pisngi ng nakakabata.
"Kuya, hindi na ako baby. Big boy na ako." Nakangusong sabi ng nakakabata, kaya natawa tuloy ang kuya nito.
"Big boy pero takot kuhanin yung bola kasi may tuta." Pang aasar na sabi nito.
"Hmp! Kuya naman eh." Pag tatampong sabi nito.
"Oo na po, kukuhanin na po ni kuya. Dito ka lang okay?" Napalitan naman ng ngiti ang naka simangot nitong muka kanina.
Hindi pa man nakaka sagot ang nakakabata, tumakbo ang nakakatanda para kuhanin ang bola.
"Okay po ku..." Hindi pa natatapos ng nakakabata ang sasabihin ng bigla nalang mahimatay ang kuya nito sa damuhan.
"Aaaahhhh Tulong, kuyaaa."
--
"Paulo, ang tigas ng ulo mo! Paano nalang kapag may nang yari sa kuya mo? Hindi ka ba marunong umintindi?" Sabi ng nanay nito, habang sunod sunod ang pag hampas ng belt kay Paulo.
"Mama, gusto ko lang naman po makalaro si kuya. Sabi niyo po kasi bawal akong lumabas dahil kailangan kong bantayan si kuya. Kaya si kuya nalang po kinalaro ko." Pag papaliwanag nito.
"laro laro! Pwede bang mag focus ka nalang sa kuya mo! Tignan mo ginawa mo, ikaw talaga mag papahamak sa kuya mo." Ilang ulit pa nitong hinampas si Paulo.
"Sorry po ma."
"Kapag may nangyari pang masama sa kuya mo, hindi lang palo matitikman mo sakin." Pag babanta ng nanay nito, habang mahigpit na naka hawak sa magkabilang braso ni Paulo.
"Sorry na po ma, hindi na po mauulit."
"Umalis ka na sa paningin ko, pagod na nga yung tao mag trabaho tapos bibigyan mo pa ako ng problema." Pag tataboy na sabi nito.
Hindi na umimik si Paulo, pumasok nalang ito sa kwarto, at nag kulong sa cabinet nito.
"hmm.. Paulo wala kang kasalanan, hindi galit sayo si mama." Paulit ulit nitong sabi sa sarili. Habang yakap hayap ang mga tuhod nito at mahinang umiiyak.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?