x=3

713 25 5
                                    

It is Monday again ang bilis lang ng weekend kaya tamad akong bumangon at naligo. Its already five am baka sa canteen na lang ako kakain. Masakit talaga yung likod ko dahil nagtree planting kami kahapon ng ka org ko.

I closed my eyes in the bus para makatulog pa pero parang pumikit lang yata ako ay nakarating na ako sa Cathedral kung saan dapat ako hihinto. I walked towards the university, Cebu Technological University. Papikit-pikit pa ako. Like the usual I went to the office first to get the key at nakita ko pa doon si Miss Cruz na kakarating lang rin. I greeted her and she just nodded, umalis narin kaagad ako at pumunta sa classroom.

It is 6:45 am may 15minutes pa kaya pinatong ko muna ang ulo ko sa upuan at pumikit. My friends are busy chitchatting with my classmates kaya naman nagpasalamat ako na hindi sila nangulit sa akin. I am really tired at walang sapat na tulog.

"Miss Monteral please wake up your friend." Rinig kong sabi ng isang striktong boses kaya napaangat ako sa pagkasubsob sa lamesa.

"Okay no need for that." The beauty said when she noticed that I am awake already. Her aura today is strict yet calm. Kaya nakinig na lang ako sa lessons niya.

It is all about limits in infinity kaya naman medyo easy road pa.

The two and half hour lecture ended us being drained dahil nagpapractice solving na naman si Miss. Dumudugo na yung utak ko sa dami-daming equations, but all was good since I answered all of them. I am not smart in math, but I do listen kaya naman ay nakakasagot ako kapag sinuswerte nga naman.

Umalis na si Miss kaya kami rin ay tumayo na para mag canteen dahil halos kaming lahat ay wala pang kain.

Nang makarating sa canteen ay I ordered their spaghetti and porkchop. Tinatamad ko itong kinain, wala talaga akong gana pero gutom ako dahil last kain ko ay breakfast pa kahapon. Nahihilo na ako.

"Hey you, okay?" Angel asked dahil siya ang katabi ko ngayon. I shook my head at pinagpatuloy ang pagkain.

"Wala ka namang kain?" Sabat ni Jinky na nasa gilid ni Angel, I nodded.

"Ikaw talaga pinapabayaan mo yang sarili mo."

"You know that I always forget to eat when I am alone at walang nagreremind." Rason ko pa. Naiiling naman silang dalawa.

"Look at your lips it's too dry, umiinom ka pa ba ng tubig?" Angel asked as she put her fingers in my lips to feel it.

"Nalimutan ko rin." Napatampal naman sila sa kanilang noo dahil sa sinabi ko.

Pero bago pa sila makasermon ulit sa akin ay lumingon sila sa likuran ko kaya lumingon rin ako. I saw Miss Cruz holding a vitamilk chocolate and her tray.

"I don't drink this. You should have this." Bigla niyang linagay ang bottle sa lamesa ko at umupo sa table ng mga professors na nandito sa canteen. Nagkatitigan kaming lahat dahil sa nangyari pero ipinagsawalang bahala na lang namin ito at pinagpatuloy ang pagkain. I drank the vitamilk bago umalis sa canteen.

Hapon na at katatapos lang namin sa STS subject may pa assignment naman itong presentation at dahil by three nag grupo kami nila Jinky at Angel.

"Kayo ang gumawa sa infographics ako na ang bahala sa explanation." I said and bid goodbye. Ganito talaga kami kapag may group project ako ang taga explain kapag may mga presentations.

Imbes na didiretso ako sa café gaya nang nakasanayan ay papunta na ako ng cathedral para roon na sumakay dahil nga wala akong tulog at gusto ko na lang magpahinga. It has been a boring yet quite a long day.

Habang naglalakad ay may bumusina kaya gumilid ako but the car slowed down and the windows rolls like a de javu, she said the two words that let me open the door of the car and sit in the front seat.

Implicit of x^2+y^2=9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon