x=21

386 12 6
                                    

"You and Uno will be accompanying me tomorrow to the wedding that I need to attend. Ready your outfit dahil sa Malapascua iyon." Saad ng magaling kong Auntie na pinauwi ako rito sa Daanbantayan dahil lang doon. Mabuti na lang at sabado ngayon. Mag gagabi narin dahil kaninang alas onse pa natapos yung klase ko at pinadiretso agad ako na umuwi rito. 

"Opo, I'll be going now. I need to pack." Paalam ko at umalis na. Wala pa si Uno rito dahil busy daw ito sa mga projects niya. Bukas na lang daw siya dadating. 

Lumabas na ako ng bahay ng auntie ko at pumara na ng masasakyan papunta sa bukid kung nasaan ang bahay ni Papa. Ilang minuto lang din ay nakasakay na ako. 

I plunged myself in my bed nang makapasok ako sa kwarto ko. I miss this bed. Nakadapa ako ngayon at hindi pa nagpapalit ng damit. Ang lagkit na sa pakiramdam pero gusto ko munang magpahinga dahil napagod yata ako sa klase ko na NSTP at sa pagbyahe. 

I sighed and turn around to stare at the ceiling. Two weeks narin pala simula noong nangyari sa club. Kinailangan ko pang ihatid ang mga kaibigan ko at mga propesora ko dahil lahat sila ay mga lasing na. I was bothered tho sa sinabi ni Miss Cruz, she must have seen the encounter of mine and with my ex girlfriend kaya nasabi niya iyon. 

She sounded so hurt na para narin akong nasaktan doon. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. This is bad. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot because after that incident sa club ay ramdam ko narin na iniiwasan niya na ako. Hindi narin siya tumitingin sa akin tuwing nagkaklase siya amin. That made it easier for me to avoid her dahil siya narin ang kusang umiiwas sa akin. 

I wanted to explain to her about what she saw but I stopped myself dahil mas mabuti na iyon para hindi na siya umasa sa akin. I will just hurt her in the end if ipagpapatuloy niya pa ang nararamdaman niya sa akin. Gustuhin ko mang gustuhin siya ay hindi maaari, maraming nakasalalay dito kung puso lamang ang pakikingggan ko. 

Maaga pa lang ay nandito na kami sa roro boat na maghahatid sa amin doon sa isla. Parte parin ang Malapascua Island ng Daanbantayan dahil nakalocate lang ito sa Baranggay Logon. Naglalaro lang ng cellphone si Uno kaya hindi ko na siya dinisturbo at nililibang na lang ang sarili sa mga tanawin. Napangiti pa ako ng may nakita akong lumilipad na isda. Flying fish siguro iyon na gustong huminga.

Mahigit kalahating oras din ang byahe at malakas din ang alon ng dagat kaya basa akong bumaba sa bangka. Buti na lang ang mga gamit ko ay hindi basa may dala pa naman akong laptop. Linggo ngayon at buti ay wala akong pasok kinabukasan dahil may pinapagawang activity lang ang mga profs namin dahil may three day seminar sila. 

Makakapagbakasyon din ako rito na walang masiyadong iniisip.

Tahimik lang kami ni Uno na sinundan si Tita Asi. The groom's family provided us a hotel room here na pagmamay-ari rin nila ang hotel. Pumasok na kami sa isang kagandahang hotel na ang pangalan ay nakaukit sa isang brown wood. 

Dumiretso na kami sa hotel room namin pero laking pasalamat ko dahil binigyan ako ng ibang room dahil good for two person lang daw ang nakabook for my Tita. And mine was good for a two person too but I'll be staying alone. 

"I want to stay in your room." Uno said ang cling in my arm.

"Talk to your mommy about it." At ninguso ko pa ang Tita ko na agad niyang ikinailing.

"You know that she won't let me." She pouted but I just shrugged my shoulders dahil wala rin naman akong magagawa. Naghiwalay na kami ni Uno ng nasa tapat na ako ng room ko. Their room is ten rooms away from me. Buti na lang. Dahil ayaw ko talaga malapit sa Tita ko.

The wedding will start at 5pm daw dahil gusto ng bride na may sunset dahil beach wedding ito. Their color theme is mint green, light blue and gray. Kaya I packed a gray long sleeve dress na ang slight ay abot hanggang sa kalahati ng hita ko. Both of my sides are exposed dahil naka x ang form nito sa waist ko. 

Implicit of x^2+y^2=9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon