x=36

349 11 2
                                    

Pagkapasok ko pa lang sa University ay bulungan na agad ang naririnig ko. I sighed and held my head high. I shouldn't be bothered. I trust E that she'll fix this. I don't care too what other people will say about me. 

"Rein, here." Tawag sa akin ni Angel nang makita nila akong dumaan sa student lounge papunta sa building namin. Hindi ko napansin na rito pala sila nagtatambay. 

"Hey" Maikli kong bati nang makalapit ako sa kanila. Half of the class are here. 

"Mayor, is the rumor true? Upakan na namin yang nagpost sayo." Saad ni Clyde at pinatunog pa ang kamao niya. 

"It doesn't matter whether the rumors are true or not. It is not people's business to meddle." Sabi naman ni Irish na nasa gilid lang at nakamasid sa mga taong nakatingin sa grupo namin or sa akin talaga. Jinky nudged my left arm kaya napatingin ako sa kaniya. 

"What?" Inis kong tanong dahil wala talaga ako sa mood ngayon. She raised her brows at pinantayan din ang katarayan ko. 

"Anong reaction ng manliligaw mo?" She asked in a low voice dahil baka marinig kami ng iba. I leaned to her ears. 

"Siya na raw bahala." I answered, whispering it to her ears. Tumatango-tango naman siya. 

Nagkwentuhan lang ang mga classmates ko. We disregard all the stares that have been hovering us. We talk like no people exist except us. Nang oras na ng klase ay umakyat na kami sa building namin. May exam pa pala kami. 

Pumasok na kami sa room namin at ilang sandali lang ay pumasok na rin ang professor namin at sinimulan ang exam. Since it is only a minor subject ay madali lang ito dahil nakinig naman ako noon tuwing nagdidiscuss siya. Studying was never been my cup of tea. 

"Okay class this will be our last meeting, please be updated in your student portal because I'll be sending your grades this week. Goodbye." Saad ng prof ko matapos kaming magpasa ng papel namin. 

"Deserve natin magjollibee. Let's go guys, libre ni mayor." Anunsyo ni Jinky na nagpalaki sa mata ko. My classmates clapped their hands kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. 

"Let's go." Ani ko at nagyehey naman silang lahat. Malapit lang ang jollibee kaya ilang minuto lang kaming naglakad ay nakarating na kaagad kami. 

"Order what you all want. I'll use the washroom first." Binigay ko na kay Angel yung wallet ko. Nagsiupo muna sila para ma finalize daw ang order. Alam naman ng mga kaibigan ko kung ano palagi ang iniorder ko rito sa Jollibee. 

Pumunta na ako sa washroom para narin magcr. I entered the only vacant cubicle. Nang makaupo ako ay narinig kong bumukas ang katabi kong cubicle at sinundan ito ng katabing cubicle. 

I heard two people talking hindi na sana ako makikinig ng marinig ko ang pangalan ni E. They were talking about the issue. 

"Hindi ko inaakala na magagawa ng kaibigan natin iyon." Natatawang sabi ng isang babae. 

"Tumatapang." The other girl replied. 

"Si Lanie talaga hindi na kasi niya madaan sa landi si Jasmine kaya ginawa niya na ang pinagbabawal na teknik." 

"But how did she know it tho? Or gagawa-gawa lang niya iyon?" Rinig kong tanong ng babae. 

"Hindi ko rin alam, ang alam ko lang ay siya ang gumamit ng account ni Jasmine to post that rumor." 

Hindi ko na sila marinig mukhang umalis na sila kaya lumabas narin ako. 

So it's Lanie all along. Akala ko talaga si Jasmine ang gumawa non. That vicious Lanie. 

I was fuming mad ng lumabas ako ng washroom. I calmed myself first because may kasama pa pala ako. Pumunta na ako sa table ng mga kaklase ko. We occupied the longest table here in the store. Pero nahagip ng mata ko ang familiar na pagmumukhua na kaninang umaga ko lang huling nakita. She's with her friends. 

Nang makita niya ako ay agad niyang tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Pinapaupo niya ako roon. 

"What are you doing here?" I asked and roam around my eyes bago maupo. My classmates were busy with their own conversartions and world. Sila Angel at Jinky naman ay wala pa rito sa table. Mukhang pumipila pa. 

"There's no table anymore kaya nakiupo kami rito." Rason niya pero nang tignan ko ang paligid may mga bakanteng upuan naman sa pinakagilid. I looked at her in disbelief. This girl. She's brewing more tea for the students from our university who is also dining here. May nakita pa nga akong palihim na kumuha ng litrato namin. 

"You are brewing more tea for the students eh?" I said and raised my brows. She gave me an amused laugh while shaking her head. 

"I don't really care. But I miss you today, so I gotta do something about it." She then reached my hand under the table and intertwined it with hers. Napapailing na lang ako sa ginawa niya. Wala talagang takot. 

"About the issue...." Hindi na ako nakatapos magsalita ng bigla niyang ilagay ang hintuturo niya sa bibig ko. 

"SHSHSH, I am handling it well. Baka bukas matapos na ang issue. I am still enjoying the attention eh. I am still enjoying the fact that they assumed that I am yours and you are mine," Pilya siyang ngumiti sa akin kaya nakatanggap siya ng kurot sa akin. Napaagik naman siya dahil doon. 

"Hindi iyan mangyayari." Kontra ko naman sa sinabi niya. 

"Ano ang hindi mangyayari? The issue will end tomorrow or that I am yours and you are mine?" May nakakaloko siyang ngiti sa labi kaya naiirita akong tumingin sa kaniya. 

"The latter." Umismid ako sa kaniya na mas lalong nagpatawa sa kaniya. 

"I think it already happen na nga. You are starting to fall in love with me." She said it in full of confidence. I gave her a smirk. 

"Dream on Miss. Mathematician ka but your assumptions are all wrong." i expected that she will be irritated about what I said pero matamis lang niya akong nginitian at inilabas ang kamay naming magkahawak at pinatong ito sa lamesa. 

"Assuming in mathematics is normal to us as mathematician K. And all my assumptions so far lead me to a very satisfying conclusion." Mayabang niyang saad. Pero nakuha ang atensyon ko ng biglang magsibulungan ang mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa lamesa. Or perhaps they were watching my hand and Miss' that is intertwined. May mapagtuksong tingin silang ginawad sa amin. Even Miss Marie and Miss Luiz joined them in teasing us. 

Pilit kong kinukuha ang kamay ko sa pagkahawak niya but she effortlessly tightened her grip para hindi ko ito makuha. 

"Anong gayuma ginamit mo Mayor?" Tanong ni Maria sa akin na agad naman nilang sinundan ng kung ano-anong pagtutukso sa akin. 

"Everyone, I'll treat you all for a dinner tomorrow. This will be our celebration for all of your hard work this semester." Anunsiyo ni Miss at agad nag-ingay ang mga kaklase ko dahil libreng kain daw. I saw Miss smiled to them at nakisali narin sa mga biro nila. Nakangiti ko silang tinignan at minsan ay napapasali ako sa mga tukso nila. 

They never asked what is going on between me and Miss. They must have respected our privacy kahit langtad na langtad ang paglalandi ni Miss sa akin ngayon sa harapan nila. 

I am happy that I met them. Especially to this woman beside me. I looked at her while she was talking to my classmates. She is too good to be true. 

Implicit of x^2+y^2=9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon