x=9

515 17 8
                                    

I woke up with no one by my side anymore, it is still early for me to go to school dahil wala akong pasok sa unang subject dahil may seminar yung PE professor namin. Mukhang kanina pa wala rito si Miss dahil pagkakita ko sa table ay may nakahanda ng pagkain at mukhang malamig na ang mga ito. I ate it dahil gutom narin ako.

I cleaned my apartment also before I went to the bathroom para maligo na dahil nagchat pala si Pres na she needs to talk to me about the event I was assigned to program head this CAS month. CAS month stands for College of Arts and Sciences and we are under that college department.

Matapos makapag-ayos ay umalis na ako. Wala akong gana to commute kaya magmomotor na lang ako. Dahil nagmotor lang naman ako ay madali akong nakarating sa University. I parked my ride and then I went to the DMS office dahil nandoon si Pres.

I knocked on the door first before entering. And I saw several professors inside and I greeted them at dumiretso na kay Pres.

"Good morning Pres and Miss Marie." Huli ko ng mapansin na katabi pala ni Pres ay si Miss Marie.

"Rein, nandito ka na pala, let's discuss the program para makapunta ka na sa klase mo." Ani niya at pinaupo ako sa tabi niya.

We discussed the upcoming event at medyo marami-rami rin kaming ideas na nabuo kaya naman kailangan kong e revise ang program flow na nagawa ko and the guidelines and mechanics. After discussing with Pres ay nagpaalam na ako dahil hinahanap na ako nila Jinky at Angel. Naroon daw sila sa canteen, kumakain. I pushed the glass door and I think someone pulled it outside too kaya sabay ako sa pagkahatak nito dahil nakahawak ako sa door handle. Napasubsob ako sa taong nasa labas. So soft tho kaya hindi ako nasaktan. When I looked up I saw Miss Cruz having a sly smile. Napapahiya akong dali-daling napaayos nang tayo.

"Good morning Miss." Nakayuko kong sabi.

"Indeed a good morning." Bulong niya sa tenga ko nang lagpasan niya ako.

What's with her? Hindi ko na lang pinansin iyon at pumunta na sa canteen.

I saw my classmates having the long table kaya umupo na ako sa tabi ni Angel. They were busy chitchatting about something at mukhang may tinitignan pa sa likuran namin kaya napalingon din ako roon.

"Rein bff mo." Nginuso ni Jinky ang nasa likod namin kaya naman napatawa silang mga nasa malapit namin.

"Kumain ka na Jinks, pasmado bibig mo." Sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya. She was pertaining to the person I was jealous with. Nandito rin kasi sila sa canteen pero himala wala ang ex ko palagi naman silang nagsasama.

Tumayo na lang ako dahil kailangan ko pa palang mag-order. Pumila na ako para makabili na. I choose spaghetti and pork cutlet. Pagbalik ko sa table naming ay nakaupo na roon si Miss Cruz. She was seating next to my spot kaya naman napapagitnaan nila ako ngayon ni Angel.

"Di ka magr-rice Rein?" Angel asked nang makita niya ang binili ko I shook my head at nagfocus na sa pagkain dahil tahimik lang din naman ang isa kong katabi. I want to ask them kung bakit nandito ang propesora namin gayong kanina ay wala. But mamaya na lang baka marinig niya pa at tanungin ako kung pagmamay ari ko ba itong canteen para kwestyunin siya kung bakit nandito siya sa table namin.

Papasubo na ako ng may umupo sa harapan namin. It was Miss Marie and Miss Luiz. Kaya pala tahimik ng mga kaklase ko ngayon. I shook my head in disbelief. Bakit sila nandito?

Napaangat muli ang ulo ko nang mapansing may pumasok sa canteen. Nakaharap kasi ako sa entrance kaya madaling malaman kung may bagong pumasok ba. I saw my ex approaching the next table behind us. I watched her moves and I saw how her hands laid to that woman's shoulder bago maupo sa tabi nito. Mukhang hindi nga niya ako napansin.

I just continued eating at siniko pa ako ni Angel at sinenyas na nandito raw ang ex ko but I shrugged her off. I don't want to mind her. The professors are busy too discussing about something pero nagtataka akong napatingin sa kanila noong tinawag nila ang pangalan ko.

"Bakit po?" I asked and my sight is directed to Miss Luiz dahil siya lang naman ang may magaan na awra sa kanilang tatlo.

"How's Miss Cruz's teaching so far?" Miss Marie asked kaya sa kaniya napadako ang paningin ko.

"She is good Miss." Maikli kong sagot dahil wala talaga ako sa mood ngayon. Nagtanong pa sila ng kung ano-ano tungkol kay Miss Cruz na nasa tabi ko lang. Puro simpleng sagot lang ang naibigay ko dahil ang awkward din kasi dahil nasa tabi ko lang ang pinag-uusapan namin.

I immediately excused myself nang matapos ako dahil badtrip na badtrip na talaga ako sa mga tawang nanggagaling sa likuran na table namin.

Nandito na ako sa room isang subject lang ang papasok ngayong araw kaya mamayang hapon ay libre na ako.

"What's with the commotion today?" I asked Jinky dahil sa mga estudyante kong nakikita sa labas na mukhang mga busy.

"Gaga, valentine's ngayon." Ani niya pa at na busy na ulit sa phone niya.

My phone rang and it was an unknown number pero sinagot ko parin ito.

"Hello, this is Kaethrein speaking." Pangbungad ko sa tawag.

"Maam may nagpadeliver po sa inyu ng surprise dito sa Lahug. Nasa labas na po ako ng apartment niyo po." Napatayo naman ako dahil sa narinig ko.

"Sir, can I ask sino nagpadala niyan?" Dahil sa sinabi ko ay napatingin din si Jinky at Angel sa akin dahil nandito lang naman sila sa tabi ko.

"Secret admirer po nakalagay rito." Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Just give the package to the guard there Sir. Sabihin niya na lang na pinapalagay muna ng tenant from 3B. Kukunin ko na lang mamaya. Salamat."

"Okay po maam" Pinatay niya na ang tawag at nagtanong naman ang dalawa kong kaibigan sa akin.

"May nagpadala sa iyo?"

"Oo secret admirer daw." Ani ko at kinilig naman ang dalawa.

"Baka si Sean yan Rein?" Tukoy ni Angel sa nanliligaw sa akin mula noon paman.

"Mukha nga." Tanging sagot ko at nag-iisip talaga ako kung sino pa ang may alam sa address ko. Sean didn't know my exact address tho.

"Pupunta ba tayo sa event ngayong hapon sa gym?" Jinky asked at tumingin sa aming dalawa ni Angel.

"Uuwi na lang ako. Kakornihan lang ang gagawin nila roon." Ani ko at sumang-ayon naman ang dalawa sa sinabi ko.

"May date din ako kaya hindi talaga ako pupunta roon." Saad ni Jinky at nakangisi pa nga. Nang-iinggit.

"Oi nandito pala sa Cebu yung bebe mo?" Tumango naman ito.

"Hindi ako maiinggit may date din kami ni Ruben." Benelatan pa nga kami ni Angel. Isip bata talaga.

"Si Rein lang pala ang wala."

"Hey I can date myself. I need no one." Masungit kong saad pero tinawanan lang nila ako.

"Sure ka ba diyan?" Paninigurado ni Angel at sinundot pa ang tagiliran ko.

"Of course." Confident kong sabi.

"Kahit yayain ka ni Jasmine?" Asar naman ni Jinky kaya napairap na lang ako.

"Hindi ako yayayain non. May date na iyon." I sighed because of the thought of her dating someone else already. Sakit rin pala.

I really need to move on now. Ako ang nang-iwan kaya dapat ko itong panindigan. Sana nga mapanindigan ko. 

Implicit of x^2+y^2=9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon