CHAPTER 1

1.4K 22 0
                                    


VALKYRHIE

"Nay babalik na ho ako mamaya sa mansyon ni Mister Morgan." iyon ang matandang inaalagaan ko. matapos nang gabing mag apply ako sa barr ay hindi na'ko umulit sa ikalawamg araw, maaaring naibigay ko ang sarili ko sa lalakeng iyon ngunit wala akong pagsisisihan sapagka't sya ang dahilan kung bakit kami nakaalis ng pamilya ko sa bahay naming pusalian.

Binayaran ko ang utang ni nanay na halos nasa isandaang libo. Ibinili ko sila ng bago kahit maliit lang na bahay.

"Hindi ka ba inaabuso ng Amo mo Anak?" nag aalalang ani Inay.

"Paano po ako aabusuhin noon e naka wheel chair na si Mister Morgan" natatawang usal ko sa Inay.

Naalala ko pa kung paano ko nakapasok sa Mansyon na iyon, Siguro ay napaka swerte ko talaga ng araw na iyon dahil nilipad ang kapiraso ng papel sa mukha ko habang pauwi ako ng bahay.

WANTED!

HOUSE MAID

Iyon ang nakasulat, sumugal ako para na naman sa pamilya ko ngunit hindi ko inasahan na swerte parin ako sa ikalawang pag kakataon.

"Mabait po si Mister Morgan." iyon ang huling nasabi ko sa inay, sa isang bwan na pamamalagi ko doon ay hindi ko ito nakitaan ng masamang pag uugali kaya't panatag ako na mabait talaga ang matandang iyon. "Ihatid nyo nalang po sina Ivorie sa Eskwela sa susunod na linggo ay magpapadala ako ng pera." saad ko bago ko umalis ng Bahay.

Nagtricycle ako palabas matapos ay nag Bus patungo sa Mansyon. "Magandang Umaga." bati ko kay Amelia pagkapasok ko, nagdidilig sya ng mga halaman sa malawak na hardin.

"Good morning Val."ganting bati nya din sa akin, Anim kaming kasambahay dito at tanging si Amelia lamang ang kasundo ko.

"May dala akong afritada, luto ng nay mamaya ay pagsaluhan natin."

"Oo sige, bilisan mo at kanina pa naiinip ang matandang masungit na iyon pati ang Mangkukul*m na si Martha ay kanina kapa hinahanap." saad ni Amelia na ikinahagikgik ko dahil sa itinawag nya sa mayordoma ng bahay.

Nakangiti ako nang maglakad papasok sa Mansyon, ang lahat ng pares ng mata ay nasa Akin, galit sila dahil ako ang paborito ni Mister Morgan."Ilabas mo nga ako Valkyrhie." saad nang matanda habang inaayos ko ang sapin ng kama nya.

"Sandali lang po, tatapusin ko muna itong pag aayus dito Sir."sagot ko.

"Hindi manlang ako dalawin ng Anak ko, mamamat*y nalang yata ako nang hindi sya nakikita." malungkot ang tinig nito, ako ang madalas na kasama nya twing nag bababad sya sa sikat ng araw sa umaga kaya't madalas ko ding madinig si Baltimore Ruzzel sa bibig nya. Nag iisa nya lang daw itong anak pero hindi sya nito inuuwian dahil labis ang galit ng anak nya sa kanya.

"Nako Sir, matagal pa po ang buhay nyo basta palagi nyo lang lalakasan ang loob nyo." saad ko.

"Hindi ka ba nahihirapan sakin Hija?alam ko inaaway ko dyan ng mga kasama mo dahil ikaw ang madalas na utusan ko"

"Ayus lang naman po iyon, siguro ay parte ng trabaho sir."

"Ayaw mo namam kasing pagalitan ko sila." nakangiting anang matanda. Matapos mag babad sa araw ay nagpabalik na sya sa kwarto iyon naman ang gawain namin sa araw-araw.

"Pagka talaga maland* e magiging paborito! himasin mo ba naman sa araw-araw e." heto na naman si Ana nang sumunnod na araw. Madalas nya akong paghinalaaan na nilaland* ko si Sir Morgan ngunit wala naman iyong katotohanan, parang ama ko na lamang ang amo namin ang pagmamahal na dapat ay sa tatay ko binibigay ay ibinaling ko na lamang kay Sir Morgan itinuturing ko syang tunay na Ama.

" Hoy! pumila kayo don at parating na ang anak ni Sir Morgan ayokong makita nya kayo na pakalat-kalat dahil tyak na sasama na naman ang timpla noon!" saad ni Miss Martha, sa palagay ko ay masungit ang anak ni Sir Morgan dahil sa sinabi nito. Pumila kami sa Entrada ng Mansyon habang si Sir Morgan ay naroon sa pinakadulo at nag aabang sa Anak nya.

Bahagya kong nahagip ang mersedes na Sasakyan na kadadating lamang, mukhang iyon na nga ang anak ni Sir. Yumuko kami hanggang sa marinig namin ang yabag papasok ng mansyon.

"WELCOME SIR RUZZEL.." Chorus na saad namin, nanatili padin kami sa pagkakayuko hanggang sa lumapit sa akin ang cute na panda.Naupo iyon sa paa ko dahilan para bahagya akong makiliti sa balahibo nya. maliit pa ito kaya pa nakakatakot.

"Bamboo!" mahihimigan ang iritasyon sa tono ng Lalake na tyak ay si Sir Ruzzel. Tinanaw pa ako ng maliit na panda bago ito tumayo at lumakad palaput siguro sa Amo nya.

"Son it's been a Years..." nangungulilang ani Sir Morgan ngunit wala akong narinig na sagot.

Sunod-sunod na pag palakpak ni Miss Martha ang umagaw sa atensyon namin. "Balik sa trabaho!" Sigaw na aniya pa. Tutungo sana ako sa kusina.

"Valkyrhie!" tawag ni Sir Morgan kaya't lumingon ako, nagtama ang mata namin ni Sir Ruzzel at naging dahilan iyon ng pagkatigil ko kasabay ng malakas na bayo sa dibdib ko.Hindi ako maaaring magkamali!

Ang lalake sa barr!

At ang lalake sa harap ko!

Nanlalamig ako habang humahakbang palapit kay Sir Morgan, sa isip ko ay nagdarasal ako na sana ay hindi nya'ko matandaan.

"Dalhin mo ako sa Hardin." utos ng Matanda." Come on Son, kwentuhan mo naman ako." Naiilang ako habang itinutulak ko ang wheel chair palabas, nasa likuran ko si Sir Ruzzel at feeling ko ay nakatingin sya sa akin ngayon! "Ikuha mo kami ng Tea Valkyrhie." utos nyang muli nang makarating kami sa hardin kung saan naroon ang mesa at upuan.

"She's Quietly beautiful...iyon ba yung kabit mo?" pormal na tanong nito sa Ama.

Kaysa makarinig pa ng mas masakit na salita ay nagmabilis na lamang akong maglakad palayo.

"Napaka gwapo nya!yung mga muscle ng braso nya grabe!ang sarap!"

"May Girlfriend na kaya sya?"

"naku galit daw iyon sa mga babae kaya yung malal*ndi dyan dumistansya na..." saad ni Ana habang nagtitimpla ako ng Tea, hindi ako kumibo pinilit ko iyong dedmahin.

"So How's life with a lot of girls?" sarkastiko ito kung makipag usap sa ama.

"Anak, matagal na akong walang babae." nakikiusap ang tono ng matanda.

"Then who is she!" dinakma nito ang pulsuhan ko na naglalapag ng tasa ng tea dahilan para tumapon iyon.

Masakit, nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak noon.

"Let her Go son..she's Just a Maid." lalo akong nasaktan dahil sa sinabi ng matanda. Hindi ako marunong bumasa ngunit naiintindihan ko ang sinasabi nya.

Binitiwan ako ni Sir Ruzzel, pulang-pula iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.

"Go Valkyrhie, Linisin mo na lamang ang kwarto ni sir Ruzzel mo." Tumango lamang ako, napangiwi ako nang makalayo, ramdam ko padin kasi ang hapdi sa braso ko.Umakyat ako patungo sa hagdan kung saan naroon ang kwarto ng antipatikong lalake na iyon.

Ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto na ito, malawak pa sa kwarto ni Sir Morgan, magkahalong Puti at crema ang kulay maaliwalas sa Mata. Pinapatag ko na ang bagong sapin ng kama na ipinalit ko.

"It's still hurt?"

Kamuntikan pa akong masubson dahil sa gulat, nilingon ko kung sino ang naroon.

Si Sir Ruzzel!

Pumasok sya tsaka naupo sa unahan ng kama at pinanunuod ang ginagawa ko.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon