CHAPTER 8

770 9 0
                                    

Halos mapanganga ako dahil sa ganda ng tanawin nang marating namin ang malawak na ubasan, nakakatuwa ang mga nakalawit na bunga nito.

Bumaba si Ruzzel sa kabayo matapos ay nilahad nya ang kamay nya para alalayan ako pababa.Inabot ko iyon pero dahil sa taas ng kabayo ay wala ako sa balanse dahilan para maidiin ko ang sarili ko kay Ruzzel samantala ang kamay naman nya ay nanatili sa baywang ko.

"Okay ka lang?" hindi ako makasagot dahil abala ang mata ko sa panunuod sa kulay asul nyang mata.Kasing asul nang dagat.
"Hey!"muling kuha nya sa atensyon ko dahilan para mapakurap-kurap ako.

Mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kanya,ngumisi sya ng malawak.

"Ikaw ah, pinag papantasyahan mo ako." biro nya pero hindi na lamang ako sumagot sa halip ay ngumuso ako pero hindi ko inasahan na yuyuko sya para dadampian ako ng halik.

"A-ano ka ba!uuwi ako!" maktol na saad ko kahit alam kong napaka imposible sa layo nito.Umugong ang malakas na tawa nya.

"Wag ka kasing mag pa'cute sa harap ko bahala ka..baka mag*hasa kita." pahina ng pahinang aniya ngunit narinig ko naman.

"Ano!"

"Wala, may sinabi ba'ko?" inosente waring aniya tsaka tinali iyong kabayo sa puno na hinintuan namin. "Tara mamitas tayo?" pumasok muna sya sa kubo na naroon at kumuha ng Basket at Gunting "ako na ang magdadala, O." iniabot nya iyong gunting sakin.

Walang mapaglagyan ang paghangan ko sa napaka lawak ng Grapes farm na pagmamay ari nila Sir Ruzzel.

"Dyan nalang tayo?" tanong nya nang mauna akong pumasok.

"Hindi, dyan kana sa kabila gusto kong masolo ito." nakangiting saad ko

"Ang damot naman nito sa oras." bulong na aniya na lalong ikinatawa ko.

Magkahiwalay kami ng dinaanan ayon sa gusto ko na sinunod nya. May mga alambreng pagitan ang bawat hati at doon ko inilulusot ang kamay ko para ilagay sa basket na bitbit ni Sir Ruzzel. Kung minsan nga ay sya pa ang kumukuha noon sa kamay ko at sinasadya nya talagang hawakan ang mga daliri ko tsaka tatawa ako naman ay iirap sa kanya.

Nang malaman ko na ikakasal na sya tila lumambot ako, magkahalo ang nararamdaman ko. Una ay pagsisisi dahil hindi ko sya kinausap ng maayus noon pa man, kung sa bagay sya nga ay hinusgahan ako ng walang basehan.

Ikalawa ay panghihinayang dahil hindi ko sya nabigyan ng oras para makilala nya ako ng lubusan.

Ayokong sayangin ang oras na ito kaya't ngayon palang ay tatapusin ko na ang pag e-emo ko.

Puros mga itim na ubas ng pinitas ko, iyong mga light daw kasi na kulay ayon kay Ruzzel ay.

"Wag mong pitasin yung mga light color maasim pa yan. hindi pa kasi sila handang magpakain." nakangising aniya tsaka humalaklak.Umirap na naman ako.

Tuloy ay nababahidan ng masamang elemento ang utak ko. Nang magtagpo kami sa dulo ay naroon iyong pinaka malaking bunga, pinitas iyon ni Ruzzel.

Kumuha sya ng isa tsaka nya pinunasan ng kamay nya, hinipan nya pa nga ito tila may dumi kahit wala naman.

"Tikman mo?" tanong nya ngunit nakaabang naman na sa akin kaya't tinanggap ko iyon. "Masarap?" aniya pa, pinapakiramdaman ko iyon sa dila ko. Matamis sya.

"Oo masarap" saad ko.

"Ako?" tanong nya tsaka humagalpak na naman sa tawa. Umirap ako, kahit nakangiti ng kaunti hindi ko kasi maitago ang kaunting kilig. "Tara, pahinga tayo sa Kubo?" anyaya nya sa'kin.

Ngayon ko lang napansin na makulimlim na pala, dahil sa mga dahon ng Ubas na nakagapang sa uluhan namin ay hindi ko napansin iyon.

*KLAAAAG!

Dumagundong ang malakas na kulog kaya't napatakbo ako sa kubo takot.

"Bakit ka tumakbo?"aniya

"B-baka kasi tamaan ako ng Kulog."nahihiyang saad ko. Ngumisi sya.

"Ako nga na kaylapit-lapit hindi ka tinamaan dyan pa kaya sa kulog na hindi mo naman nakakasama." nakangusong aniya."Pumasok kana sa kubo." aniya pa kaya tumango ako. Nakasilip ako sa pinto habang pinanunuod sya."Masama yata ang panahon, baka magkasakit kapa kung lalakad tayo kasama si Combra." patungkol nya sa kabayo.

*KLAAAG!

Ayan na naman ang dagundong ng Kulog kaya't nagkubli ako sa gilid. Kasabay nang malakas na pagbuhos ng Ulan. Natatanaw kong nagmamadali si Ruzzel na kalagan iyong kabayo.

"Baka magkasakit ka!" kinailangan kong sumigaw dahil sa malakas na buhos ng Ulan.Pati iyong ubas ay naulanan na kaya nagtatakbo ako para kunin iyon, kahit ilang sigundo lang ako nasa labas ay nabasa padin ang damit na suot ko. Iginilid ni Ruzzel iyong kabayo malapit sa pinto tsaka sya pumasok sa loob.

Nakaupo ako sa papag na gawa sa kawayan nang huminto ang mata ko sa katawan nyang basa ng Ulan, ang ilang tubig ay dumadaloy pa sa bawat hulma ng muscle nya lalo na sa Abs ng Tyan nya.
Napakagat ako ng Labi tsaka ko inilayo ang paningin ko sa kanya.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatanaw din sya sa akin at naiilang ako!
Nilingon ko sya, tsaka ko lang napagtanto na hindi sya nakatingin sa mukha ko kundi sa..

DIBDIB KO!

Dahil sa buhos ng ulan ay nabasa ang damit ko kaya nakatambad ngayon ang bakat kong Bra sa harap nya.

"D*mn!" rinig kong mura nya kaya't pinangunahan ako ng Hiya. Namaywang sya sandali tsaka mariin na pumikit, hindi ko alam kung ano ba ang iniisip nya.

Maya-maya ay binuksan nya iyong maliit na aparador sa likod nya naka pwesta malapit sa bubong ng Kubo. Hindi ko alam na may mga damit pala don.

Pinili nya iyong itim, hawak nya pa iyon nang lingunin nya ako ulit, natanaw kong sumulyap sya saglit sa dibdib ko.

"S-suotin mo." nauutal na aniya.

Inabot ko iyon, hindi ko sinadya na mahawakan ang kamay nya. Nagulat ako nang hulihin nya ang kamay ko gamit ang isa pang kamay nya.kinagat nya sandali ang labi nya matapos ay umiling. Buong pwersa nya akong hinatak patayo naramdaman ko ang isang kamay nya na naka alalay sa baywang ko.

"D*mn Valky." aniya, naging mapungay ang mga mata nya. Wala akong ibang naging reaksyon kundi manlaki ang mata matapos kong maramdamang muli ang labi nya sa akin sa ikatlong pagkakataon.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon