BALTIMORE"Hindi mo'ko babatiin?" nakataas ang kilay na saad ko, nilingon nya'ko
"Congrats sa inyo." aniya, Paano nya nagagawang ngumiti gayung halata naman na hindi sya masaya. Muli nyang itinuon kay Tanda ang mata nya.
'D*mn Ruzzel stop imagining!'
"I mean sa isang araw na ang birthday ko." muling saad ko, hindi ko inexpect na lilingunin nya ako."Yung Gift ko.."birong saad ko pa.
"N-naibigay ko na...matagal na." senserong aniya,dahilan para kumunot ang noo ko.
'Naibigay ang alin?'
Kaysa mag isip ay umismid ako. "Bibili ako ng almusal gusto mong sumama?"
"W-walang magbabantay kay- -" lumapit ako sa kanya tsaka ko hinatak ang kamay nya.
"Lika na, sandali lang naman. siguro'y maiintindihan naman ito ni tanda." nakangising saad ko. Hanggang makalabas kami ng Hospital ay hawak ko ang kamay nya, hindi ko alam kung sadya syang nagpatianod sa akin o malakas lang talaga ako.pinagtitinginan na nga kami ng mga Staff sa Hospital.
"H-hindi naman ako nagugutom e." nakayukong aniya.
"Ipasusundo kita kay Natan sa susunod na Araw, gusto kong ikaw ang Date ko sa birthday ko."
"Huh?b-bakit ako."kinakabahang aniya.
Ayokong sabihin, ngunit napagtanto ko na She's Different. This is a type of girl who silent that i've been searching for a long time. Mula nang umalis sya sa mansyon ay napatunayan kong hindi sya katulad ng mga babae na iniisip ko.
'Hindi sya mukhang pera'
'Hindi mapagsamantala.'
Pero ayoko pa ding ipagkatiwala ang puso ko.
"Bakit hindi na lang iyong mapapangasawa mo?" tanong nya.Oo nga pala, nawala sa isip ko na magpapakasal na'ko isang bwan mula ngayon.
"Nasa paris sya e baka after ng celebration tsaka sya dumating." gaano ba'ko katagal magpapaliwanag? Pumayag kana lang kasi!
"A-ayoko...hindi ako Pwede."
"Kapag hindi ka pumunta, baka hindi mo na kami abutan ni Daddy sa Mansyon, babalik ako sa ibang bansa para ipagamot sya."Napalingon sya sa akin, sa mga mata ko.Sumilay ang ngiti sa labi nya dahilan para matanaw kong muli ang Dimple nya.
"Daddy?tinawag mong daddy si Mister Morgan?" hindi makapaniwalang aniya. Bakas ang tuwa sa mga mata nya.
"What's wrong?daddy ko naman sya." tumaas ang kilay ko. Ayokong may pagsisihan sa huli, si Daddy nalang ang huling pamilya ko. Sa ilang taon na pagdurusa nya sa sakit na dulot ng pagkawala ni mommy pati na sa kung paano ko sya itinakwil noon ay tama na yon....hanggang doon nalang yon panahon na para bumawi
"Sige na. pupunta ako, yun ang ikalawang regalo ko sa'yo."
"Ano ba kasi yung una mong regalo?" naiinis na'ko, ayoko nang binibitin ako! hindi nya'ko sinagot sa halip ay ngumisi sya. Tyak na hindi nya naman iyon sasabihin kaya't bakit pa'ko mangungulit?
'Nalilito na yata ako.'
Sobrang Curious ko sa babae dun sa barr pero hanggang sa ngayon ay ayaw magbigay ng details ng manager doon dahil private na daw iyon. Samantala ang babae naman na kaharap ko ay syang nagpapatibok ng husto sa puso ko.
Papasok na kami sa isang Resto nang.
"Valkyrhie?"boses ng isang lalake, nakasakay ito sa kotse habang nakadungaw sa bintana.
![](https://img.wattpad.com/cover/349833954-288-k35179.jpg)
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRES OWNED ME
RomanceMula sa pagiging bayaran hanggang pangangatulong ay pinasok ni Valkyrhie ngunit hindi nya inasahan na ang lalakeng umangkin sa kanya ng gabing iyon ay isa Palang Business Thycoon at anak nang kanyang amo sa pagiging kasambahay nya .