CHAPTER 6

1K 16 0
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal na saad ko.

"Saving you from this mess." itinuro nya si Carding tila tinawag nya itong 'Mes' bakit ba kasi di ako maalam sa Ingles.

"Hala sino ang gwapong iyan Val?" ito si Aling Nelia.

"Ano sabing ginagawa mo dito e!" naiinis na'ko.

"Bibilhin ko ang lahat ng paninda mo." nakangising aniya, sa tingin ba nya ay natutuwa ako! " magkano ba ito?" itinuro nya iyong sap-sap. "tsaka ito." sumunod ay iyong salmon." pati narin ito at ito tsaka ikaw- - -" Huminto sya sa pananalita nang makita nyang masama na talaga ang tingin ko. Padabog kong kinuha ang mga napagbentahan ko.

"Aling Nelia kayo na nga po muna ang tumingin sa paninda ko !" nabubwis*t na saad ko. Palabas na ako ng pwesto nang harangan nya ang daraanan ko.

"How!how!" aniya kung saan ako pupunta ay haharangan nya ito kayat napuno na talaga ko. "Ahhrg!"daing nya tsaka mabilis na napangiwi matapos kong sipain ang binti nya.Naghihilot sya nang iwan ko sya. "Hey...hintayin mo naman ako!Valky!"

Hindi ko sya pinansin sa halip ay lalo kong binilisan ang pag lalakad ko hanggang sa makasalubong ko ang Inay.

"Val?ano't narito ka?sino ang bantay ng paninda?" Napilitan akong huminto kaya nagkaroon ng pagkakataon si Sir Ruzzel na mahabol ako.

"Kausapin mo naman ako." aniya nang makalapit.

"Sino iyan anak?"

"Magandang araw h-ho." tila nag aalangan pa syang galangin ang nanay ko palibhasa'y hindi nya ginagalang ang daddy nya!

"K-kaibigan ko po inay." kung sasabihin kong anak sya ni Mister Morgan ay tyak na dadami pa ang kailangan kong sagutin sa Inay.

"Naku, napaka gwapo naman ng KAIBIGAN mo na iyan." tila may panunukso sa tono ng Inay.Nilingon ko si Sir Ruzzel, tila gustong-gusto nya ang pamumuri mula sa nanay ko. "Imbitahan mo sya sa bahay mukhang malayo pa ang pinagnulan ng kaibigan mo Anak, ako na ang bahala sa mga paninda..maya-maya ay uuwi nadin ako." nakangiting anang Ina'y." paano Hijo, mauna na kayo hah, pasensya kana't hindi kita gaanong mahaharap." paliwanag pa ng Inay.

Tinanaw ko sya hanggang sa makalayo papasok sa palengke, naramdaman ko ang isang braso ni Sir Ruzzle ay nasa balikat ko na pala. "Ano ba!" pilit kong inalis ang kamay nya. naiinis na talaga ako sa kakulitan nya.

"HAHAHAHA" noon ko lamang sya nakitang humalakhak, sa ilang araw na pamamalagi ko sa mansyon kasama sya ay hindi ko sya nakitang tumawa ng ganun puros kasungitan ang ipinapakita nya.

Ni hindi ko nga alam na ganito pala kami ka close! inikot ko ang mata ko.

"Napaka Sungit mo, bumalik kana sa bahay." tila may kaunting lambing ang pananalita nya.

"Wala nakong balak na bumalik pa doon." sagot ko tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad, nadaanan ko pa iyong kotse nyang malaki na may pangalang FORD sa harap.

"Sumakay kana! ihahatid kita." nakatayo sya sa tabi ng kotse nya pero hindi ko sya pinansin.Mabilis akong pumara ng tricycle.
Sinilip ko sya sa likuran, Salamat!dahil tinantanan nya din ako!

Taimtim akong naupo sa tricycle."Manong dyan po sa kanto iliko nyo." saad ko. Huminto iyon sa tarangkahan namin, nagbayad ako. Akmang bubuksan ko na ang gate nang.

"Gumastos kapa tuloy." halos mapatalon ako nang bumulong sya sa aking tainga! Mabilis akong lumingon, naroon ang d*mohong lalake sa likod ko, pati na ang sasakyan nya ay naka parada sa kabilang linya ng kalsada.Kaya hindi ko sya agad nakita!

"PWEDE BA!TIGILAN MO NA'KO!" hindi ko na napigil ang galit ko, nasigawan ko sya.ramdam ko ang bahagyang gulat nya sa inakto ko, hindi sya nakapag salita.
Kukurap-kurap sya. iniwan ko sya sa gate at pinagsaraduhan pa.

"Anak, ako na ang tatao sa palengke kung hindi maayus ang pakiramdam mo." saad ng Inay, isang linggo ang nakaraan mula nang puntahan ako ni Sir Ruzzel at hindi na iyon naulit. Naiwan akong mag isa sa bahay nang tumunog ang telepono ko na di-keypad.

"Hello?" sagot ko.

"Val! si Amelia to!si Sir Morgan kasi!isinugod sa Hospital wala naman dito si Sir Ruzzel bumalik na ng Paris." Nagulat ako sa balitang iyon,

"S-sige, i text po ang lugar ng Ospital at pupunta ko."  Nagsuot lang ako ng Jacket matapos ay nagmadali na akong lumabas, tinakbo ko na daan palabas ng highway nang walang dumaang tricycle.

" Kagabi pa ako nandito, wala pa akong tulog Val. hindi naka sama si Miss Martha dahil walang tatao sa mansyon."bungad ni Amelia nang magkita kami sa pasilyo.

Sabay kaming pumunta sa kwarto ni Sir Morgan. Naroon sya at natutulog, kung ano-ano ang naka kabit na aparato sa kanya. "Maayus naman na ang lagay nya, nahirapan kasi syang huminga..day off nung nurse na kinuha ni Sir Ruzzel."

"Umuwi kana muna kaya?ako muna ang magbabantay kay Mister Morgan." Tumango sya, tsaka inayos ang gamit ni Sir Morgan."N-nasan nga si Sir Ruzzel?"tanong ko nang makaupo ako sa upuan katabi ng higaan ni Sir.

"Pumunta sya ng Paris isang linggo na ang nakararaan."dinampot nya ang maduming towel at inilagay sa Bag.

'Huh?ibig sabihin?nung manggaling sya sa bahay ay paalis na pala sya noon?pero bakit di nya sinabi?'

'Naku!napaka t*nga mo talaga Valkyrhie!bakit mo sya ginanon!'

"G-ganito ang d-daddy nya?H-hindi pa k-kaya sya uuwi?"

"Hindi ko alam, O pano?dyan kana muna?papupuntahin ko na lamang si Ester para palitan ka." siguro'y iyon ang ipinalit nila sa akin nang mawala ako.

Tinanaw ko si Amelia palabas hanggang buksan nya ang pinto, pareho kaming nagulat nang bumungad ang mukha ni Sir Ruzzel.

Blonde na ang buhok nito tila lalo syang gumwapo. naka long sleeve sya pero open ang tatlong magkakasunod na butones sa bandang dibdib nya dahilan para matanaw ko ang chest Abs nya.

"Go home and rest for whole day." bilin nya kay Amelia matapos ay pumasok sya habang nakasuksok ang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya kaya't si Amelia na ang nagsara noon para sa kanya. "Narinig ko hinanap mo'ko?"

Yumuko sya sa akin habang nakasuksok padin ang kamay sa bulsa nya, napalunok ako nang halos isang dangkal na lamang ang pagitan namin.Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nya.

"Namiss mo'ko?o naguilt ka kasi sinungitan mo ko?" nanliliit ang matang aniya, ngunit isa ma'y wala akong nasagot hanggang sa pinitik nya ang noo ko! "Sumagot ka hwag mo lang ako basta titigan." nakangising aniya. Ano kaya ang nangyayari sa kanya?hindi ano pala ang nangyayari sakin! niwas ko ang paningin ko.

"N-nandito ka na pala u-uwi nako." saad ko.

"Hindi pwede, saglit lang ako dito...aayusin ko yung kasal namin ni Margareth." Natigilan ako.

'ikakasal na sya?'

Napahawak ako sa dibdib ko tila may kirot doon ngunit para saan? Ikakasal sya ng hindi manlang nalalaman na ako iyong babae sa barr na naka sama nya ng isang gabi?

"Sinilip lang..Kita." nilingon ko sya, nakaupo sya sa sofa habag naka cross legs at nakatanaw sa akin. Naguguluhan ako. "I thought, na naiinis ka kapag nasa paligid mo ako, pwede ka nang bumalik sa trabaho mo dahil dun na kami ni Margareth sa Unit ko." Lalong lumalim ang sakit na nadarama ko, kaya ko sya pilit na iniiwasan dahil madaling mahulog ang loob ko at dumating yung panahon na kinatatakutan ko.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon