CHAPTER 10

759 9 0
                                    


VALKYRHIE

Sa totoo lang ay nakakahiya nang makababa kami, nasa amin ang lahat ng paningin ng mga bisita ni Ruzzel.

Ang ilan ay nakangiti samantalang karamihan ay nagbubulong-bulungan. Isang business Tycoon ba naman ang may kaarawan ngayon kaya nag lahat ng Camera ay nagkikislapan at kinukuhanan kami ng kitrato. Humigpit ang pagkaka-kapit ko sa braso ni Ruzzel.

"Kalma ka lang kasama mo 'ko." bulong nya na hindi winawala ang ngiti sa labi.

"Paano kung malaman ni Miss Margareth?" Umaasa ako na sasabihin nyang hindi nya mahal ang babaeng iyon ngunit bigo ako.

"Hindi sya ganung klase ng babae, hindi sya madaling magselos..isa pa ay kilala ka na nya." Kung pagbabasihan ang mga sinabi nya talagang kilala nya ang babaeng pakakasalan nya di tulad ko na halos mag dadalawang bwan nya palang na nakikilala.

"Ruzzel!" Unang pagbati ng lalake na Kulay krema ang suot may mga highlight na blonde ang bawat dulo ng buhok nya.
Hindi din maitatanggi na gwapo ang binatang ito.

"I thought your already engaged to Margareth Euhmann?and who is this Goddess landing in your Territory?" wala akong naiintindihan sa pag uusap nila.
"By the Way Nice meeting you Beautiful Creature, Joro Thadeus Belrick." inialok nya ang maputi nyang kamay sa akin tanaw na tanaw ko ang mga magagandang ugat sa kamay nya.

Akmang tatanggapin ko iyon nang tapikin ni Ruzzel anf kamaycng lalake palayo sa akin, nilingon ko sya masamang-masama ang mukha nya habang nakatanaw don sa lalake.

"Tumingin ka sa bawat hakbang mo Thadeus, baka sa isang maling kurap mo ay maglaho ang lahat ng properties mo." hindi ko alam kung bakit, alam kong napaka hilig sa ingles ng lalakeng ito pero ngayon ay matalim syang nagsasalita ng tagalog, bakit?para maintindihan ko?

Itinaas nung thadeus ang dalawang kamay nya tila sumusuko. "Calm down, wala akong balak sa kanya. Hmmm Planning to have a mistress huh?" tatawa'tawang saad nung lalake tsaka umatras ng nakangisi.

"Iiwan muna kita kay Amelia, kakausapin ko ang mga bisita ko." Tumango ako, bahagya pa syang ngumiti bago ako talikuran.

"Val, siguro ay alam mo na?" tinutukoy nya iyong pagsasara pansamantala ng mansyon. Tumango ako.

"Magkakanya-kanya na tayo." saad ko.

"Binigyan ako ng bahay ni Sir Morgan sa Bohol mahapit sa amin kaya wala na'kong po'problemahin..magsisimula na lang siguro ako ng maliit na negosyo gamit iyong naipon ko."

"Mabuti yan."saad ko." hindi pwedeng huminto ang buhay natin sa pagiging katulong lang."

"Uhhmm." tumango si Amelia, "Ikakasal na si Sir Ruzzel kaya tyak na tayo makakabalik agad sa mansyon at hindi ko na din sya makakasama." talagang may Paghanga si Amelia sa anak ng amo namin na iyon, napaka lakas ng loob nya na ipagsabi ang bagay na iyon, samantalang ako ay heto. itinatago ang lahat." ikaw Val?maganda ka, h-hindi ka manlang ba humanga kay Sir?" Napalingon ako sa kanya na may gulat na ekspresyon.

"h-hah?" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Gwapo si Sir Ruzzel at mabait sya sa'yo?hindi ka manlang ba nagkagusto sa kanya?"

"S-syempre h-hindi no." umismid ako sandali tsaka ko inilayo ang mata ko sa kanya ayaw kong mabasa nya ang totoong nararamdaman ko. Pangalan pa lamang ni Sir Ruzzel ay tumitibok na ng malakas ang puso ko.

Tumama ang mata ko sa kanya na nakikipag usap sa malayo, ngunit hindi ko inasahan na titi'tigan nya din ako matapos ay bigla syang ngumiti kaya naipit ko ang sarili kong labi, ayaw kong makita nya na masaya ako. Inalis ko ang mata ko sa kanya.

"Valkyrhie?" sabay kaming napalingon ni Amelia kay Patrick na naka Asul ng coat.

"Patrick?" napatayo pa ako para salubungin sya. "bakit ka narito?" tanong ko habang naka ngiti.

"Inimbitahan lang ako ng isang kaibigan."

"Nga pala, ito si Amelia katrabaho ko, amelia si Patrick kababata ko."pakilala ko kay Amelia.

"Hello." bati ni Amelia. Napalingon kami nang tumugtog ang orchestra.

"Can we dance?" tanong ni Patrick sa akin tsaka inialok ang kamay nya. Ipapatong ko na ang kamay ko nang saluhin iyon nang panibagong kamay mula sa likod ni Patrick.

" I don't care if she's your childhood friend, this is my night, she's my date and you CAN'T do anything about it." dire-diretsong ani Ruzzel kausap si patrick pinakadiinan pa nya iyong CAN'T na sinabi nya. " You Can't stole her From me so stay away." masungit na aniya tsaka ako hinila palayo kay Patrick.

Tumungo kami sa gitna, nakapatay ang lahat ng ilaw at tanging sa aming dalawa lamang ni Ruzzel nakatuon ang Spot light.
"Ayokong may kasama kang iba." ngayon ay maaliwalas na ang mukha nya.

"Bakit naman?kaibigan ko naman yun."

"lalake iyong tinutukoy mo, at kahit pa kaibigan ang turing mo, maganda ka Valky he can break his limitation lalo na kung palagi ka nyang masosolo." nakikita ko na ang ugat sa leeg nya. Hindi nya inaalis sa akin ang mata nya.

"H-hindi naman ganun si Patrick."

"Stop depending him baby!" tila nagulat pa sya sa huling sinabi nya. " Basta! ayoko sya para sa iyo." inirapan nya ako.

Kaysa makipag talo ay hindi na'ko kumibo, kinabig nya ang baywang ko palapit sa kanya kaya lalong dumikit ang katawan ko sa kanya, hindi padin natinag ang mata nya.

"I think i'm addicted to your Smell." aniya, tyak na pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa ibinulong nya kahit paano ay naintindihan ko iyon. "pagod kanang sumayaw? Nanginginig ka e?" nakangising aniya. "Pumasok ka sa kwarto ko kapag inantok ka, ayokong makikita na may kausap kang iba hah." aniya pa tsaka ako iginiya pabalik sa mesa namin ni Amelia. agpakabait ka dyan hah." sandali nya pa akong pinikitan dahilan para kurutin ako ni Amelia nang makatalikod si Sir Ruzzel.

"Ano yun hah! Akala ko di mo sya type!bat may papikit pikit na ganun!" hindi nya maitago ang kilig

Ako ma'y hindi ko alam kung para saan ba ang mga ginagawa at sinasabi nya, naguguluhan ako Ruzzel...dapat mo pa bang malaman na ako iyong nakasama mo sa barr?pero para saan pa?

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon