VALKYRHIE
"Mister Morgan, pasensya na po nitong mga nakaraang araw. palagi po kasi akong inuutusan ng anak nyo."
"Naiintindihan ko, dapat nga ay ako ang humingi ng paumanhin sa iyo tulad ngayon, balita ko ay tutungo ka sa kumpanya para dalhan sya ng lunch?" tumanaw sa malayo ang matanda." ang batang iyon talaga, maaari naman syang umorder talagang nais ka nyang kulitin." Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.
'bakit nya naman ako kukulitin?'
"Lumaki sya na maka mommy kaya halos magpakamat*y sya sa kakaiyak nang mawala ang mommy nya, it's all my fault. I admit it, kung hindi lamang ako nag loko noon ay tyak na buhay pa si Rachel." natanaw ko ang pamamasa ng gilid ng mata ni Mister Morgan. "Kumusta pala ang pag pasyal mo sa Vila?" tanong nyang muli habang itinutulak ko ang wheel chair papasok ng mansyon.
"Maayos naman po, sa totoo lang ay tinulungan pa nga po ako ni Mang efren." pagmamalaki ko patungkol sa matandang lalaki na humahawak sa farm nila doon.
"Mababait naman ang mga tao doon, nagulat nga ako at nag huhurumintado si Ruzzel nang malaang naroon ka."
"Po?b-bakit naman po?" kukurap'kurap na tanong ko.
"Over protective ang batang iyan sa mommy nya siguro ay nadala nya iyon hanggang sa ngayon."
Siguro nga ay ganun, Valkyrhie wag kang mag imahinasyon!galit sya sa iyo...ang lahat ng kabaitan nya ay may kapalit tyak!
"Nariyan po ba si Miss Valkyrhie?" pumasok ang lalakeng naka itim.
"Hoy babae! narito si Natan ." tawag sa akin ni miss martha kaya't lumingon ako.
Tila natigilan pa ito nang makita ako ngunit kalauna'y nagsalita din. "ipinasusundo po kayo ni Sir Ruzzel, wag nyo daw po kalimutan iyong lunch na ipinahanda nya." saad pa nito.
Isang plain na puting tshirt ang isinuot ko at pantalon kapares iyong sandals na suot ko nung nakaraan papunta sa vila.
"Miss Valkyrhie, talaga po bang maid po kayo sa mansyon na iyon?" nagulat ako sa tanong na iyon ng Natan.
"O-oo, ako ang nag aalaga kay Mister Morgan,paumanhin ngunit m-may mali ba don?" naiilang na tanong ko.
Umiling sya habang nakangiti at hindi inaalis ang mata sa daan." Masyado po kasi kayong maganda para mapabilang sa kanila, kahit yata si Miss Margareth ay nalampasan nyo na." senserong aniya. Ngunit hindi ko maiwasang mahiya dahil sa pamumuri nya.
"S-sino si Margareth?"
"Kasintahan ni sir Ruzzel."
Naroon ang panghihinayang sa akin matapos ko iyong marinig, kung ganun may kasintahan na sya, Tila nawalan na ako ng gana na magtanong pa, hinintay ko na lamang na makarating kami sa kumpanyang iyon. Ang lahat ng paningin ay tila nakuha ko nang makapasok kami sa loob.
'Bakit?dahil ba mahirap lang ako? hindi ako nababagay sa lugar na ito ganun ba?'
"Pinagtitinginan po nila kayo dahil sa gandang taglay nyo miss Valkyrhie." Hindi ko alam kung inuuto lang ba ako nito.
"Val nalang wag na miss at lalong wag nang Valkyrhie." mahinahong saad ko.
"Hanggang dito ko na lamang po kayo masasamahan, nariyan po si Sir sa loob."
Tumango ako, hinawakan ko ang kulay Gintong Door knob tsaka iyon binuksan.
Bumungad sa akin ang napaka gwapong pustura ni sir Ruzzel suot ang salamin nya sa mata, lalo syang nagmumukang matalino.Matagal bago sya mag angat ng paningin, siguro ay talagang b.c sya kaya't tinawag nya na lamang ako gamit ang kamay nya.
Nang makapasok ako ay doon ko lamang napansin iyong babae, maganda din sya at halos kasing puti ni Sir Ruzzel, natutulog ito sa mahabang sofa.
![](https://img.wattpad.com/cover/349833954-288-k35179.jpg)
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRES OWNED ME
RomanceMula sa pagiging bayaran hanggang pangangatulong ay pinasok ni Valkyrhie ngunit hindi nya inasahan na ang lalakeng umangkin sa kanya ng gabing iyon ay isa Palang Business Thycoon at anak nang kanyang amo sa pagiging kasambahay nya .