Chapter 1

473 10 1
                                    

Mula sa traffic  na kalsada sa EDSA, mistulang nakikipagpatentiro ang mga tao sa daan. Ganito ang buhay ni Aaliyah Castro sa araw-araw. Nagkaroon lang ng panandaliang katahimikan noong magpandemya. Pero patuloy lang ang buhay. Patuloy lang ang mga negosyo na ngayon ay muling bumabangon  dahil sa muling pag-usbong  ng kalakalan sa bansa.

Tinatawid niya ang kahabaan ng kalsadang nilalakaran sa araw-araw. Nakipaghabulan siya sa taxi para lang makapasok nang maaga sa opisina. Sa edad niyang biente-kuwatro, mabilis siyang na-promote at ngayon nga ay head ng Human Resource Department sa logistic company na kaniyang pinagtatrabahuhan. She’s the person behind hiring, managing employee benefits, payroll, and other staff needed. Isa ang kompanya nila sa  hindi naapektuhan ng tatlong taong pandemya, bagkus mas lalo pa itong lumakas sa larangan ng shipping industries, local at international man.

Tulalang napatingin siya sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan niya.

“Ma’am, nandito na po tayo,” mahinang wika  ng taxi driver. Noon niya lang napuna na nasa tapat na pala sila ng gusaling pinagtatrabahuhan niya. 

Napailing siya sa sarili. Umpisa  pa lang ng umaga ay mukhang uwian na. Kung matutuloy ang branch na itatayo nila sa Parañaque, mapipilitan siyang magpalipat  para mas malapit sa apartment na tinutuluyan niya.

Kumuha siya ng pambayad sa bag at iniiabot iyon sa driver, saka bumaba ng taxi. Nakasanayan na rin niya ang buhay sa Maynila, kahit pa nga laking probinsya pa siya. Pinalad kasi siyang makapag-aral sa isang sikat na eskwelahan doon dahil sa scholarship na ibinigay sa kaniya. At dahil doon nakakuha siya ng magandang opportunity sa kompanyang pinapasukan ngayon. Tatlong taon na siya sa kompanya at masaya siya sa ginagawa. Dahil dito, unti-unti niyang napagawa ang munting bahay nila at nakapagpapadala siya ng sustento para sa mga magulang.

“Good morning, Ma’am Aliyah!” masiglang wika ng security guard nila.

“Good morning din po.” Buong siglang nginitian ito.

“Buo na naman po ang araw ko, Ma’am, dahil sa ’yo,” pabirong wika nito.

“Kayo talaga! Tanghali na nga ako mambola ka pa.” Nakangiting pa rin siya habang nagsusulat sa logbook.

“Kailan ko kaya makikita ang magsusundo sa iyo, Ma’am?” biro pa rin nito.

Napailing siya at tinapik balikat nito. “Pag-iisipan ko pa rin kung magpapasundo ako sa kaniya kung saka-sakali,” sakay niya rito saka nagpaalam. Mabilis niyang tinungo ang opisina. Bago magsimula ang araw nag-re-retouch muna niya, pagkuwa’y hinalungkat ang sariling planner. May dalawang interview siya ngayon at apat na orientation.

Huminga siya nang malalim at nagsimula ng magtrabaho. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Kundi pa biglang tumunog ang telepono sa lamesa niya ay hindi niya mapupunang lunch break na pala.

“Hello, good morning. This is Aliyah of Sea & Air Logistics Company. May I help you?” magalang niyang tanong.

Isang malakas na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya na dahilan para ilayo niya nang bahagya ang telepono sa tainga niya.

“Bhe! Super formal naman, ah!” wika nang nasa kabilang linya na tumatawa.

Napasandal siya sa kinauupuan nang mabosesan ito. Si Jhen. Isang matikas na babaeng pulis sa Taguig. Isa lang ito sa kwelang  kaibigan niya na maasahan sa lahat. Sa apat na kaibigan niya, ito ang pinakapalaban. Isa rin sa personalidad na nagustuhan niya rito ay ang pagiging kalog. Hindi ito kakikitaan ng kaseryosohan sa trabaho kapag kasama sila ng iba pa nilang kaibigan dahil sa lakas nitong tumawa. 

Naalala niya noong unang tapak sa eskwelahang pinasukan. Walang siyang kaibigan at hindi niya alam kung paano mabuhay sa laki ng lugar na iyon. Nakasabay niya sa ito minsan sa  gate, at dahil baguhan, hindi niya alam ang gagawin. Mabuti na lang at mabait ito kaya tinulungan siya nito. Mula noon nakagaanan niya ng loob hanggang sa maging magkaibigan siyla. Kahit galing ito sa mayamang pamilya at anak ng isang heneral ng pulisya, wala itong pili sa kaibigan. 

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon