Chapter 6

217 7 6
                                    

Gusto ng mapahalakhak ni Blake sa mga sandaling iyon. Halos hindi na kasi kumukurap ang babaeng kaharap niya. He even noticed that she stopped breathing. At may palagay kung hind siya magsasalita ay hihimatayin ito sa harap niya.

“Hi,” aniya sa buong-buong tinig.

Nakita niyang napalunok ang babae. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng nakita niya sa birthday party ng kaniyang Tita Angie. At kung tama ang hinala niya, ito rin ang babaeng dapat ay ka-date niya sa araw na iyon.

Tahimik niyang minura ang sarili. Kung alam niya lang na ang babae pala ang ka-date niya, hindi na sana siya nakialam sa kusina kanina. Ang kaso, kulang sila sa chef sa araw na iyon, kaya hindi pwedeng hindi siya tumulong. Marami pa naman silang reservations.

Paano nga ba niya hindi gugustuhing maka-date ito? Eh, mula noong nakita niya ito sa kaniyang mga Tita Angie, palagi na itong laman ng isip niya. Somehow, she’s been running on his head for quite some time now.

“Ahm, excuse me? May sasabihin ka raw sa akin?” untag niya rito.

Wala sa sariling tumango ang babae. Agad din nitong isinara ang bibig na kanina pa nakabuka, pagkuwa’y ilang beses na huminga nang malalim.

“Hindi ko ugaling magreklamo, but I think may mali sa pangalan ng restaurant ninyo,” anito.

Napataas ang kaniyang dalawang kilay. “Why? May hindi ka ba nagustuhan?” Hindi makuhang ipakakilala ni Blake ang sarili sa babae. Mas gusto niya munang malaman kung ano ang ipinunta nito sa opisina niya. Saka na lang siya magpapaliwanag dito.

Agad na tumango ang kaniyang kaharap. “Bukod sa napaka-bland ng lasa ng kare-kare ninyo, I also saw a strand of hair on my food,” anito.

Natigilan siya sa narinig. Noon lang siya nagkaroon ng ganoong problema sa isang customer. Noon lang din may tahasang nagsabi na bland ang kare-kare nila, na palagay naman niya ay hindi totoo. Dahil kaniya mismong timpla iyon.

“Maybe the food just doesn’t suit your palette. But anyway, regarding the hair, I will make sure that I will give warning to my kitchen staff. Iyon ay para hindi na rin maulit ang nagyari,” aniya.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Aliyah. “Ganoon na lang ba iyon?” tanong niya rito.

“Well, we can compensate you. Hindi na namin pababayaran ang kinain mo, plus you’ll have free dining here for that whole month.”

Magandang offer sana iyon. Pero hindi naman niya kailangan ng kakainan sa loob ng isang buwan. Hindi naman pagkain ang problema niya. Kundi ang date niya sa kasal ni Thaira!

Sa naisip ay napatingin siya nang tuwid dito.

“What? Hindi mo ba nagustuhan ang offer ko?”

Mabilis siyang umiling. “I don’t want your offer. But I have something in mind.”

Napataas sulok ng labi ng lalaki at amused na tinitigan siya. “Tell me. Kung kaya ko naman, why not?” anito.

“Be my date for a day,” walang ligoy na wika ni Aliyah.

Natigilan naman ang kaharap. Para bang iniisip pa nito kung tama ang narinig mula sa kaniya.

“Are you sure?” tanong nito.

Tumango siya. “Iyon lang ang kailangan ko. Hindi kasi dumating ang dapat sana ay date ko ngayon. Siya sana ang aayain ko,” tila wala sa sariling paliwanag niya.

Napakagat sa kaniyang labi ang lalaki. Pakiramdam tiloy ni Aliyah may kung anong gumapang sa kaniyang kaibuturan sa ginawa nitong iyon. Something that made her very thrist.

Kumamot ito sa ulo. “I’m sorry. . .”

Hindi naman mapigilan ni Aliyah na malungkot sa narinig. Nagyuko siya ng ulo dahil pakiramdam niya, namumula na siya sa kahihiyan!

Iyon ang unang beses na nagyaya siya sa isang lalaki. Iyon din ang unang beses na na-decline siya. Masakit din pala.

“No. . . That’s not what I mean,” anang lalaki nang mabasa nag tumatakbo sa isip niya.

Napatingin siya rito, salubong ang mga kilay. “What do you mean?”

Huminga ito nang malalim. “I’m sorry because I was busy in the kitchen. Hindi na kita naharap pa kanina,” anito.

Lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nito.

“I was really your date, Aliyah. I’m Blake— Blake Falcon,” pakilala nito sa sarili.

Nanlaki ang mga mata niya. “What?!” bulalas niya. Gusto na niya itong pagalitan pero hindi niya magawa. Para kasi itong maamong tupa na nakatingin sa kaniya.

“You mean, all this time ay naririto ka lang? Ni hindi mo man lang naalala na may ka-date ka sa labas?” hindi na napigilang sumbat niya. Idinaan na lang niya sa inis ang galit na hindi maipakita rito.

“I’m really sorry. I was really busy at the kitchen. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras,” muli’y hingi nito ng paumanhin.

Ano pa nga bang magagawa niya? Naubos na ang oras niya kahihintay rito. At hindi na iyon parang cassette tape na pwedeng i-rewind.

Pero, teka, paano nito nalaman na siya si Aliyah?

Tiningnan niya ang lalaki nang matagal. Pilit niyang inaalala sa isip kung nagkita na ba sila. Pamilyar ang itsura at bulto nito, pero wala siyang matandaan na nagkakilala na sila.

“What?” takang tanong nito.

“How do you know that it was me?” hindi na napigilang usisa niya.

Napakamot ito sa ulo. At sa tuwing gagawin nito iyon ay gusto niyang matawa. Para kasi itong bata na nasermunan.

“I saw you,” pag-amin nito pamaya-maya.

“You saw me? Saan? Hindi naman tayo nagpangita noong birthday ni Tita Angie.”

“Yeah. . .” Tumango ito. “Hindi nga tayo nagpangita, but I saw you there. I was starring at you but you had a phone call.” Ngumiti ang lalaki sa kaniya.

Umirap siya rito pero natigilan siya sa ginawa— kailangan niya ito ngayon. Pero hindi niya maiwasan ang ginawa niya dahil mukhang brusko ito sa paningin niya.

Kunwa’y nag-isip siya kung tatarayan niya ito, pero mawawalan siya ng dadalhing date sa kasal kaibigan.

“Aliyah, sit down for a while. Magpaalam lang ako sa kitchen. I’ll be back in a minute!” Lumabas ito. Hindi rin naman siya naghintay nang matagal dahil bumalik din ito kaagad. “Let’s go?” Inalalayan siya nito sa siko at dinala siya sa dulong bahagi ng resto.

Uupo na sana ito nang magsalita siya, “Excuse me, pero uuwi na lang ako.”

Napaawang ang labi nito. “You told me a while ago that you. . .” nalilitong wika nito na sinadyang putulin ang sasabihin at ngumiti nang nakaloloko.

“Whatever!” paiwas niyang wika. Hindi niya alam kung gusto pa niyang ituloy ang hinihiling dito o iwanan na lang niya ito roon. Masyado kasi itong conceited.

“Pero sa tagal mong nag-intay, ngayon ka pa ba aalis?” pabulong na tanong niya sa sarili. Hantarang pinagmasdan niya ito.

“If you stay here for an hour, I will consider your offer. . . I mean— anything. Para makabawi ako sa nagawa kong pang-i-indian sa iyo kanina,” seryosong wika nito.

Nabuhayan siya ng loob. “Are you sure?” Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.

Mabilis itong tumango. “Yeah! I’m sure.”

Lihim siyang napangiti sa sarili, saka tuluyang naupo sa upuan na nasa harap nito.

“Thanks. Akala ko ako naman ang tatanggihan mo.” Nakangiting tinawag nito ang waiter at nag-order ng pagkain nila.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon